"CAN YOU at least calm down, Zafrina? Baka lalo silang makahalata sa atin."
She can't help it. Pakiramdam pa niya ay parang babaliktad ang sikmura niya sa kaba nang makapasok sila sa isa sa prestigious village sa Pilipinas. Ang Valle Encantado Village. Napalunok pa siya nang maalala ang lugar na iyon. Nakarating na siya roon noong bata pa siya. Lalong gumanda ang lugar na iyon.
Ito ang unang beses na magpapanggap siya bilang asawa sa harap ng pamilya ng isang lalaki na hindi pa niya lubos na kilala. Maging successful kaya ang pagpapanggap niya?
"Kinakabahan ako, Sovereign. Paano kung hindi ko sila masagot ng ayos kapag tinanong nila ako tungkol sa naging kasal natin?"
"Leave it to me. Ayusin mo na lang ang sarili mo."
Pumikit siya at nanalangin sa Diyos na maging okay lang ang lahat. Hindi niya kilala ang pamilya nito lalo na si Cassey na siyang target ng palabas ni Sovereign. Ngayon pa lang ay ihahanda na niya ang sarili sa posibilidad na disgusto nito sa kanya.
Pagmulat niya nang mga mata ay natigilan pa siya sa nakitang street na nadaanan ng sasakya ni Sovereign. Lumipas man ang maraming taon, pero hinding-hindi niya makakalimutan ang bahaging iyon ng Valle Encantado kung saan nanirahan ang Tita Lily niya noon. Nakita pa niya ang dating kinatatayuan ng mansiyon ng tita niya, iba na nga lang ang desinyon niyon. Napangiti siya sa partikular na alaala ng kanyang kabataan.
Kinapa niya ang pendant ng kanyang kuwentas sa loob ng suot niyang blusa. 'Wag kang mag-alala, Zafrina. Magiging okay rin ang lahat.
"Here we are," untag sa kanya ni Sovereign nang huminto sila sa harap ng rehas na gate na kulay itim na may design na gold.
Buhat sa labas ng gate ay natanawan niya ang malaking mansiyon. No wonder, mayaman talaga ang lalaking kasama niya. Kagaya ng ibang mansiyon na nadaanan nila ay kita ang karangyaan doon. Na-miss tuloy niya ang hacienda at ang Albajera's Mansion.
"Bakit hindi mo sinabi sa pamilya mo na kasama mo ako ngayon?" naisatinig niyang muli nang maipasok ni Sovereign sa gate ang kotse nito.
"Gusto ko lang makita ang magiging reaksiyon nila kapag nakita ka nila na kasama ko ngayon. At dito na rin titira." Nang maihinto ni Sovereign ang Lamborghini nito sa mismong tapat ng entrada ng mansiyon ay binalingan siya nito. "Ayusin mo," bilin pa nito.
Marahan siyang tumango. Bumaba na rin si Sovereign sa kotse nito at mabilis na lumigid sa may passenger side upang pagbuksan siya ng pinto. Nakatingin lang siya sa binata at hindi magawang lumabas ng kotse.
"Ano pa'ng hinihintay mo diyan?"
"I-I—"
Bahagyang yumuko si Sovereign. "Zafrina, nandito na tayo. Kaya 'wag ka ng maghintay ng pasko diyan. Let's get inside." Hindi na nito hinintay pa na magsalita si Zafrina. Hinawakan na ni Sovereign ang kamay niya at inalalayan na siya palabas ng sports car nito.
Kinuha muna ni Zafrina ang box ng cookies bago tuluyang bumaba sa sasakyan.
Kung ilang beses tuloy siyang huminga nang malalim. Okay, Zafrina. Lies must begin. Brace yourself.
Natigilan pa siya nang humapit sa baywang niya ang isang kamay ni Sovereign habang hinahayon nila ang entrada ng mansiyon. Geez, hindi siya sanay na may humahawak sa bahaging iyon ng kanyang katawan. Kinikilabutan siya.
"Paano 'yong gamit ko?"
"Ipapakuha ko mamaya sa katulong."
Nang may sumalubong nga sa kanilang kawaksi ay pinakisuyo nito ang mga gamit na nasa compartment ng kotse nito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret | Published Under Lifebooks
Romance#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL