Chapter 22

44.5K 1.4K 250
                                    

NANINIBAGO talaga si Zafrina sa awra ni Sovereign nang umagang iyon. Panay ang ngiti nito. Parang ni hindi ito na-stress sa pinagsasabi ni Daizuke kagabi sa Night Out Bar. Tipong parang sobrang sarap pa ng naging tulog nito.

Ibinaba ni Zafrina ang hawak na suklay pagkuwan ay matamang pinagmasdan si Sovereign. Katatapos lang niyang maligo pati si Sovereign na mas nauna sa kanya. Sa may Bay View Restaurant daw sila mag-a-almusal.

"Bakit parang ang saya-saya mo?" puna na niya sa binata na nagsusuot ng sapatos habang nakaupo sa gilid ng kama.

Nang sulyapan siya ni Sovereign ay tila mas lumawak pa ang ngiti sa mga mata nito. "Bakit ang dami mong napapansin?" imbes ay balik tanong nito.

Hindi ba talaga rito big deal ang naging desisyon ni Daizuke Niwa? O baka naman dahil masarap lang talaga ang naging tulog nito kagabi kaya kakaiba ang awra nito nang umagang iyon? Mas nauna itong nagising sa kanya dahil nang magmulat siya nang mga mata ay wala na ito sa kamang tinutulugan nila. Siya naman ay deretso ang naging tulog at umaga na rin nang magising.

Natigilan siya noong maisip ang puwesto kanina ng magising siya, wala na nga sa tabi niya si Sovereign ngunit wala na rin sa gitna ng kama ang unan na nakapagitan sa kanila. At nakaharap siya sa puwesto ni Sovereign.

Napalunok si Zafrina na baka may kinalaman ang puwesto nila sa pagtulog kagabi kaya ngiting-ngiti si Sovereign. Dream on, Zafrina. 'Wag kang assuming masyado, epal ng kanyang isipan. Bahagya niyang ipinilig ang ulo. Hindi naman siguro sila nagdikit ni Sovereign?

Napakurap-kurap siya nang makitang tumayo na si Sovereign. Tapos na ito sa pagsasapatos.

"Let's go?" baling nitong muli sa kanya.

Walang imik na sumunod siya rito. Masyado siyang ginugulo ng pagiging good mood nito nang umagang iyon. Hanggang sa makarating sila sa restaurant kung saan tanaw na tanaw ang view ng dagat buhat sa malayo, sandaling naagaw ng magandang view na iyon ang atensiyon ni Zafrina.

"After gazillion years, naligaw ka rin sa wakas sa restaurant ko," nakangisi pang biro ng lalaking sumalubong sa kanila ni Sovereign nang makaakyat sila sa pangalawang palapag ng naturang restaurant.

"Yuji, malapit ko ng ipagpalit ang restaurant mo," nakangisi ring wika ni Sovereign sa tinawag nitong Yuji.

Nabaling doon ang tingin ni Zafrina.

"Hi," nakangiti pang bati sa kanya ni Yuji.

Gaganti sana siya ng pagbati rito nang hapitin siya ni Sovereign sa kanyang baywang. Napasulyap tuloy siya rito.

"Mag-aalmusal kami rito ng asawa ko," ani Sovereign na nagpaalam na rin kay Yuji. Hindi na nito hinintay na magsalita si Yuji dahil iginiya na rin nito ang dalaga papunta sa may veranda ng restaurant kung saan mas maganda ang view ng tanawin ng dagat.

Ipinaghila siya ni Sovereign ng bangko na nakapaharap sa may view ng dagat. Nang makaupo siya ay naupo na rin ito sa may tabi niya.

Talagang pinaninindigan nito na bawal siyang makipag-usap sa mga ka-member nito. Daig pa nito ang selosong asawa sa inaakto nito. Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi sa naisip. Nagseselos nga kaya ito? O baka naman, ayaw lang nito na mabubulilyaso ang pagpapanggap nila? Napabuntong-hininga siya kapag kuwan.

"What do you want for breakfast?"

Napasulyap siya sa menu book na nakalapag sa may tapat niya. Kinuha niya iyon at naghanap ng makakain. Wala siyang ibang mapili. "Vegetable salad. Saka lemon juice."

"Ano pa?"

"'Yon lang." Ibinaba na niya ang menu book at muling ibinaling ang tingin sa may dagat.

The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon