Chapter 15

45.6K 1.4K 278
                                    

MUNTIK ng mapatili si Zafrina kung hindi lang niya napigilan ang sarili nang may biglang humawak sa magkabila niyang baywang. Nalingunan niya ang tatawa-tawang si Sovereign.

"Ikaw," naningkit lalo ang mga mata niya nang makita ang binata. Sa parteng baywang pa naman niya ay malakas ang kiliti niya kapag biglang hinawakan. "Akala ko ba busy ka?" Pumihit siya ng upo sa ibabaw ng kama paharap kay Sovereign.

Araw iyon ng Linggo, at matapos nga nilang mag-almusal kanina ay dumiretso na ito sa study room kasama si Don Antonio. Siya naman ay nanatili sa silid ni Sovereign.

"Well, mabilis lang natapos 'yong pinag-meeting-an namin ni Dad. Ano'ng ginagawa mo?"

Isiniksik niya sa ilalim ng unan ang hawak na cellphone. "W-Wala naman."

"Bakit kailangan mo pang itago 'yong cellphone mo?" sumeryoso bigla ang guwapo nitong mukha. "May ka-chat ka?"

Ka-chat? Ni hindi nga niya magawang i-open ang mga social media account na mayroon siya dahil sa takot na baka ma-trace siya ni Gino kung nasaan siya ngayon.

"Wala akong ka-chat."

"Make it sure, Zafrina. Gusto ko lang maging malinaw na hanggat parehas tayong nakatali sa ganitong sitwasyon, hinding-hindi ka mag-i-entertain ng kahit na sinong lalaki. Ayaw kong masira na lang bigla itong sinimulan natin."

Marahan siyang tumango. "Alam ko naman 'yon."

"Good."

"Sovereign!" pipigilan sana niya ito nang mabilis naman nitong makuha ang cellphone niya sa ilalim ng unan. Hinawakan pa nito ang kamay niya at sapilitan pa ng idikit ang hinlalaki niya sa may screen para ma-unlock ang cellphone. Napabuntong-hininga na lamang siya at mabilis na nag-iwas ng tingin ng tingnan siya nito ng masama.

"Ano ito?" iniharap pa nito sa kanya ang screen ng cellphone. "Bakit sini-search mo si Daizuke Niwa?" may bahid ng iritasyon nitong tanong sa kanya.

Kagat ang ibabang-labi na sinulyapan niya si Sovereign. "May p-problema ba?" Curious lang naman siya sa lalaking gustong ma-meet ng pinsan niyang si Zabrielle sa lugar na iyon. Napag-alaman niya na ito ang nagma-may-ari ng UHB Leisure Club at ng Valle Encantado Village. At sigurado siyang kilala iyon ni Sovereign.

"You like him?"

"Ang advance mo namang mag-isip." Inagaw na niya rito ang cellphone at mabilis na bumaba sa kama.

"Zafrina."

"Sa labas muna ako," aniya na hindi na ito nilingon pa at tuloy-tuloy na hinayon ang pinto ng silid. Nang makabalas sa silid na iyon ay saka lang siya nakahinga nang maluwag. Hindi siya sinundan ni Sovereign kaya nagpatuloy siya sa paglalakad sa pasilyo.

Pumunta siya sa back porch ng mansiyon at naupo sa malambot na single seater sofa. Doon ay nagpatuloy siya sa pag-se-search sa kanyang cellphone. Nahinto lang siya sa ginagawa nang makitang palapit sa kinaroroonan niya si Cassey.

"Hi," ngumiti pa ito nang makalapit sa kinaroroonan niya. Prente itong naupo sa katabi niyang sofa. "Wala ba kayo ngayong lakad ni Reign?"

Umiling siya. "Wala." Wala rin namang nauulit sa kanya si Sovereign na aalis ito ng araw na iyon.

"Hindi ka niya ipapasyal sa Leisure Club?" tumaas pa ang kilay nito ng umiling siya. "Really? Asawa ka naman niya kaya puwede ka niyang dalhin doon."

"Nakarating ka na ba doon?" balik tanong niya rito.

Umilap ang tingin nito. "Hindi pa."

Right, ayon sa nabasa niya sa website ng Teen Stuff, hindi basta-basta nagdadala ng mga babae ang mga member ng naturang club. Unless, seryosong level ng relasyon ang mayroon kung hindi pa mag-asawa. O 'di kaya naman ay super VIP sa pinaka-member ng UHB Leisure Club. Kaya sa case niya na hindi naman totoong asawa ni Sovereign, hindi na siya umaasa pa na makakatapak sa lugar na iyon.

"So," muling bumaling si Cassey sa kanya. "How's Reign as your husband?"

Sinikap niyang hindi tumabingi ang ngiting ipinamalas niya rito. "He's caring. A perfect husband that every woman would ask for."

Kumibot ang labi nito sa sinabi niya. Tumikhim ito na animo nag-alis ng bara sa lalamunan. "I see. You're lucky to have him."

"Alam ko, Cassey."

"Well, mag-ingat ka pa rin dahil kahit kasal ka na kay Reign, marami ka pa ring kaagaw sa kanya. 'Wag kang magkakamali dahil siguradong mawawala siya sa iyo." Iyon lang at tumayo na rin ito at naglakad palayo.

Pinagbabantaan ba siya ni Cassey? Sinisigurado naman niyang hindi siya magkakamali na ipahamak si Sovereign.

Makalipas pa ang ilang sandali ay ipinasya na niyang bumalik sa silid ni Sovereign. Maingat niyang binuksan ang pinto ng silid nito. Nagtaka pa siya nang hindi ito makita sa loob. Naglakad siya papunta sa may terrace. Bahagya niyang hinawi ang heavy curtain na siyang nakatabing sa glass door ng terrace. Naroon si Sovereign. Nakatayo ito patalikod sa kanya habang may kausap sa cellphone nito. At dahil hindi nakalapat ang pagkakasara ng glass door kaya naman dinig na dinig niya ang sinasabi nito.

"Nah. Liam, hinding-hindi mangyayari 'yang iniisip mo. Everything between us are purely business. At hindi na 'yon lalampas pa doon. Alam niya 'yon at malinaw 'yon sa pagitan namin umpisa pa lang."

Humakbang paatras si Zafrina at hinayaang tumabing muli ang kurtina sa may glass door. Dinala siya ng mga paa niya papunta sa may banyo.

Purely business... malinaw iyon na narinig ni Zafrina. Alam naman niya na siya ang topic ni Sovereign at ng kausap nitong si Liam na tanging nakakaalam ng sekreto nito.

Pero bakit kahit iyon ang totoo ay nasasaktan pa rin siya? Hearing those words from Sovereign. Parang kinukurot ng pino ang puso niya. Ikinurap-kurap niya ang mga mata nang mag-umpisang mamasa ang pakiramdam niya roon.

Naiinis siya sa sarili niya. Bakit kailangan niyang maging ganoon kaapektado? Dahil ba masyado niyang binigyan ng meaning ang pagiging mabait at pagiging maaalalahanin ni Sovereign sa kanya kahit wala namang mga taong nakatingin sa kanila?

Noong second day ng menstruation period niya, hindi ito pumasok sa trabaho para lang samahan siya. Ngayon niya napagtanto na kasama lang din iyon sa palabas nito.

Pagkasara sa pinto ng banyo ay para pa siyang nauupos na kandila na napaupo sa sahig. Napasandal siya sa may pinto.

"Purely business lang ang lahat..."

Kahit ano'ng pigil niya, may tumulo pa ring luha sa mga mata niya.

"REIGN, don't make me laugh. Purely business my ass! Balita ko on-time ka ng umuwi galing sa kumpanya ninyo. Hindi ka na rin nag-o-overtime simula nang dumating ang 'asawa' mo diyan sa bahay ninyo. At ito pa ang malala, hindi ka na yata naliligaw sa Leisure Club? Binabakuran mo naman yata masyado ang 'asawa' mo," tumawa pa sa kabilang linya si Liam na kanina pa siya binubuwisit at pinagdidiinan ang salitang 'asawa'.

"'Yan lang ba ang itinawag mo, Liam?"

"Pumunta ka sa Club. O baka naman gusto mo pang magpa-special mention kay Dark? O ipa-black list ka na namin?"

"Busy lang ako."

"Take a break man. Ayaw mo lang yatang ipakita sa amin ang 'asawa' mo. Akala mo naman ay napakalayo ng bahay ninyo sa Club. One of this day, kapag nasa office ka, kami na lang ang pupunta diyan sa bahay mo para ma-meet namin ang 'asawa' mo. Want that?"

Nahilot niya ang noo sa kakulitan nito. "Liam, kayo ang ipapa-black list ko sa guard namin. Don't even try na mambuwisit dito sa bahay."

"Then, kayo ang pumunta sa Club dahil nangungulit na sila. Iba pa namang mainip sina Wayne at Mark Brice. Ikaw rin."

"Fine. Just wait."

"Great."

"Get lost."

"Ingat, ha? Baka mahulog ka naman masyado," humalakhak pa si Liam bago nawala sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga siya nang matapos ang pag-uusap nilang iyon ng kaibigan. Right, kailangan niyang mag-ingat. Pero paano ba gawin iyon kung hindi rin naman niya mapigilan ang sarili? Lahat ng kilos niya ay nagiging natural basta nasa paligid si Zafrina. At isa sa hindi niya mapigilan? Unti-unti na siyang nasasanay.

Mayamaya pa ay ipinasya na niyang pumasok sa loob ng silid niya.

The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon