NASAMID si Zafrina sa itinanong na iyon ni Sovereign. Nang makabawi ay matalim niyang tiningnan ang binata.
"At bakit mo naman tinatanong?"
"Part of the scene," kaswal nitong wika. Bumaba pa ang tingin nito sa labi niya bago ibinalik ang tingin sa mga mata niya.
Lalong nag-init ang pisngi ni Zafrina. Wala pa siyang karanasan sa bagay na iyon. Nakisabay pa ang puso niyang bumilis na naman lalo ang tibok. "Sovereign," tawag niya sa buong pangalan nito. "Kung papayag man ako sa gusto mo, hindi kasama ang bagay na 'yon sa palabas mo."
Nagkibit ito ng balikat. "Kung magtititigan lang tayo sa harap nila, sa tingin mo kapani-paniwala 'yon?"
Umawang lalo ang labi niya. "So? Wala silang pakialam kung 'yon ang trip natin. Hindi kailangan magpaka-PDA sa harap nila."
"Well, sa harap ni Cassey, kailangan."
Humigpit ang pagkakahawak niya sa seat-belt. "At isa pa, hindi pa ako pumapayag. Pakihatid muna ako sa alam mong Hotel."
May gumuhit na ngiti sa labi ni Sovereign habang nakatitig sa kanya. "Sa reaction mo, I wonder kung may experience ka sa ganoong bagay."
Iniinsulto ba siya nito? "Aalis na ba tayo o bababa na lang ako dito sa sasakyan mo?"
"Zafrina, mukhang iniisip mo yata na iniinsulto kita? I'm not. Mukhang naiilang ka rin. Hmmm. Kailangan nating tanggalin 'yang ilang mo sa akin. Siguro makakatulong ito," ani Sovereign na mas lumapit pa kay Zafrina.
Parang nanlaki yata ang ulo ni Zafrina sa sunod na ginawa ni Sovereign. He kissed her! Daig pa niya ang natuklaw ng ahas sa kinauupuan. Sa sobrang bilis ng galaw nito ay ni hindi siya nakaiwas ng sakupin nito ang labi niya habang sapo ng magkabila nitong kamay ang mukha niya.
Napapikit siya nang mariin. Akala niya ay basta lapat ng labi lang ang gagawin nito pero at hayon, ibinuka nito ang labi at sinubukan siyang patugunin. Pati isip niya ay hindi makapag-isip ng matino. Ni hindi niya magawang tugunin ang halik nito dahil hindi niya alam kung paano. Iyon ang unang pagkakataon na may nangahas na halikan siya sa buong buhay niya. Wala siyang lakas para itulak si Sovereign dahil nanghina bigla ang lahat sa kanya.
"You didn't kiss me back. Is that your first kiss?" nakuha pa nitong tudyuin siya nang ilayo nito ang mukha sa kanya.
Huminga muna ng malalim si Zafrina bago lakas loob na nagmulat ng mga mata. Guwapong mukha agad ni Sovereign ang nakita niya. Lalong nag-init ang mukha niya. Hinalikan siya nito at hindi na iyon mabura-bura sa isipan niya.
Walang imik na kinalas niya ang seat-belt at itinulak ito palayo. Mabilis siyang lumabas ng kotse nito. Saka lang siya nakahinga nang maluwag. Mariin siyang napapikit. Para pa siyang nanlalambot na napasandal sa may kotse. Pati puso niya ay animo tatalon na palabas sa dibdib niya sa bilis ng tibok niyon.
Mabilis ding bumaba si Sovereign sa kotse nito at nilapitan siya. Natingnan tuloy ito ng masama ni Zafrina.
"I'm not sorry for kissing you. Kaya 'wag mo ng hintayin na mag-so-sorry ako," anito na tumabi pa sa kanya. Sumandal din ito sa kotse at tumanaw sa malayo.
Napamaang siya sa sinabi nito. "You just stole my first kiss!" she hissed. "You even kissed me without my permission!"
Hindi ito nagpadala sa galit niya. Napangiti pa nga ito nang tingnan siya. "Kaya pala. First kiss mo pala 'yon."
"Kalimutan mo na 'yong plano mo. Maghanap ka na lang ng iba. Sinasagad mo masyado ang pasensiya ko." Humalukipkip siya at itinuon din ang tingin sa malayo. Nagpupuyos pa rin ang dibdib niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret | Published Under Lifebooks
Romance#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL