MARAHAS na pinalis ni Zafrina ang luhang namalisbis sa pisngi niya matapos titigan ang infinity ring sa palasingsingan niya. That means everything. Nagi-guilty siya pero wala naman siyang magagawa sa ngayon.
Tumingala siya sa madilim na kalangitan na nalalatagan ng mga bituin. Nasa terrace siya ng suite nila ni Sovereign. Kauuwi lang nila sa Hotel galing sa Night Out Bar. Si Sovereign ay dumiretso sa nag-iisang banyo sa suite na iyon. Siya naman ay pumunta agad sa terrace para lumanghap ng sariwang hangin.
Isa lang ang hiling niya, na sana patawarin sila ng lahat.
"Zafrina."
Muli niyang pinalis ng kamay ang luha sa pisngi at mga mata niya nang marinig ang boses ni Sovereign. Hindi siya nagtangka na lingunin si Sovereign dahil ayaw niyang makita siya nito sa ganoong sitwasyon.
"Mahamog na rito sa labas," bakas ang pag-aalala sa boses nito. "Baka sipunin ka."
"Five minutes," pakiusap niya.
Bumuntong-hininga si Sovereign. Pagkuwan ay tumabi ito sa kanya. "May problema ba?"
Umiling siya at ipinaling sa hindi kita ni Sovereign ang luhaan na naman niyang mukha. Bahagya niyang nakagat ang ibabang-labi dahil sa pagpipigil na mapahikbi. She's too emotional that moment. At hindi niya kayang pigilan iyon.
"Zafrina, you tell me. Ramdam kong may problema. Voice it out."
Pasimple niyang pinahid ang luha sa mga mata niya. "N-Na..." lumunok muna siya para hindi mabasag ang boses niya. "Nagi-guilty ako, Sovereign."
Namayani ang katahimikan. Maging si Sovereign ay hindi agad nakapagsalita. Huminga ito ng malalim. "It's my fault. Kung ano man ang maging resulta nito, kaya ko 'yong harapin at labas ka roon. Hindi ka madadamay, Zafrina."
"Matatanggal ka rito sa Club kapag nalaman nila 'yong totoo."
"Kung 'yon na talaga ang desisyon ni Dark, wala na akong magagawa pa roon."
Umiling siya. Muli na namang naiiyak lalo.
"Honesty, isa 'yon sa rule dito. At simula pa lang noong araw na makita nila itong singsing na suot ko, nilabag ko na 'yong rule na 'yon. 'Wag mo ng isipin 'yong nangyari kanina sa Bar. Una pa lang, tinanggap ko na kung ano'ng magiging consequence nitong pinasok ko. No need to be guilty, Zafrina. It's my fault, anyways."
"Mas nagi-guilty ako dahil... dahil sa infinity ring. Hindi ako karapat dapat sa singsing na ito."
Unang gabi pa lang nila sa Leisure Club pero iyon na agad ang naging umpisa. Iyong katotohanan na dapat ay hindi siya dinala ni Sovereign sa lugar na iyon. Ngunit wala rin itong nagawa kundi dalhin siya. At si Daizuke Niwa, binigyan sila ng UHB Infinity Ring. Na hindi naman talaga dapat para sa kanya.
"Well, about this ring. Medyo nagi-guilty rin ako. Pero sa ngayon, wala pa tayong magagawa kundi ang isuot ito. Anyways, your time is up. Tara na sa loob."
Huminga muna siya ng malalim. "Susunod na ako."
"Zafrina, 'wag mong hintayin na buhatin pa kita papasok sa loob."
Pinalis muna niya ang luha sa pisngi niya bago pumihit paharap sa may pinto ng terrace. Pero hayon at nang pumihit siya ay mabilis ang naging kilos ni Sovereign. Tiningnan agad nito ang mukha niya. Dahil natatamaan ng liwanag ang mukha niya na nagmumula sa loob ng suite kaya naman hindi na niya naitago pa rito ang pamumula ng ilong niya at pamumugto ng mga mata niya.
He sighs. "Zafrina," anas nito sa pangalan niya bago siya kinabig para yakapin. "I told you. 'Wag mo ng gawing big deal 'yong nangyari kanina. At hindi mo rin kailangang alalahanin kung matanggal man ako rito. Hindi 'yon as in big deal. Kaibigan ko pa rin silang lahat. Hmmm?"
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret | Published Under Lifebooks
Romance#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL