Chapter 35

41.9K 1.2K 141
                                    

"MAY problema ba?" hindi maiwasang itanong ni Zafrina kay Sovereign dahil kanina pa ito tahimik at walang kibo hanggang sa makauwi sila sa bahay ng mga ito mula sa Thanks Giving Party kina Carmina.

"Wala," tipid nitong sagot. "Matulog ka na," anito na hinalikan lang siya sa pisngi. Lumabas ito sa silid nila.

Ramdam niya na may problema. At hindi siya makakatulog kung hindi niya malalaman kung ano iyon. Kaya naman matapos magbihis ng pantulog ay hinanap niya si Sovereign. Sa Study Room niya ito natagpuan. At hindi niya nagugustuhan ang nakikita. Nag-iinom ito.

"Wala kang problema pero heto ka at nag-iinom dito," aniya ng lapitan ito. Naupo siya sa tabi nito sa may mini sala ng silid na iyon.

"Bakit hindi ka pa matulog?"

"Sa tingin mo makakatulog ako? Tingnan mo nga 'yang sarili mo." Marahas siyang huminga. "Ano ba'ng problema?"

Umiling ito. "Wala."

"Mukha bang paniniwalaan ko 'yang sagot mo na 'wala'?

Ngayon lang niya ito nakitang tila may problema. Ni hindi ito ganoon noong problemahin nito ang step-sister nito.

Inisang lagok ni Sovereign ang alak sa baso nito. "Zafrina, it's none of your business. Hindi mo rin naman maiintindihan."

Zafrina... Ngayon lang uli siya nito tinawag sa pangalan niya. At nanibago siya sa bagay na iyon. Bakit bigla-bigla ay may parte niya ang nasaktan? Napalunok siya.

"Your business is also my business," sa halip ay sabi niya. Huminga siya ng malalim para maibsan ang kakaibang nararamdaman.

"Ayaw kong pag-usapan. You'll regret it, kapag pinagpilitan mo pa rin." Muli nitong sinalinan ng alak ang baso nito.

"Sabihin mo na. Ayaw kong may iniisip na ganito," pamimilit pa rin niya habang mataman itong pinagmamasdan. Ngunit nag-iwas ng tingin si Sovereign.

"Tungkol kay Jansen," sa wakas ay wika nito matapos ang ilang sandaling pananahimik. Muli nitong inisang lagok ang alak sa baso. "Alam ko 'yong kuwento niya fourteen years ago."

"A-Ano'ng ibig mong sabihin na alam mo?"

"Dahil ako 'yong lalaking tinutukoy niya sa kuwento niya."

Umangat ang kamay ni Zafrina sa kanyang sentido nang animo biglang may pumitik doon. Bahagya niya iyong nahilot. Nakaramdam na naman siya ng pagkahilo. Pumikit siya.

Nakikisabay pa ang nararamdaman niya sa isiniwalat ni Sovereign. Ito ang tinutukoy ni Jansen? Bigla ay parang gusto niyang tumawa ng pagak nang mag-sink in iyon sa isip niya. Lalong nagpadagdag sa hilong nararamdaman ang alaala sa mga pinagsasabi ni Jansen.

"Naniwala ka sa kanya?" imbes ay bulalas niya.

"Why not? Fourteen years ago, it really happened. Totoong nangyari 'yong kuwento niya."

Kumibot ang labi niya. Pinilit niyang magmulat ng mga mata. "Kaya ka naglalasing dito?" Hindi sumagot si Sovereign. "Then marry her," aniya na pinilit ng tumayo. Walang lingon-likod na hinayon niya ang pinto ng Study Room. In her mind, hahabulin siya ni Sovereign. Pero hindi iyon nangyari.

Kasabay ng pagsara niya sa pinto ng Study Room ay ang pagpatak din ng luha sa mga mata niya. Imbes na dumiretso sa silid ni Sovereign ay pumasok siya sa isang guest room. Ini-lock pa niya ang pinto bago hinayon ang kama.

Nanghihinang ibinagsak niya ang sarili doon.

Totoo iyong kuwento ni Jansen, ayon na rin kay Sovereign. Nagdulot iyon ng pinong kurot sa puso niya.

The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon