Chapter 09

50.7K 1.4K 142
                                    

KANINA pa pinagmamasdan ni Zafrina ang dumating na paper bag. Galing iyon kay Sovereign. Naglalaman iyon ng isang mamahalin na cellphone. Palibhasa ay nabanggit niya rito na wala siyang gamit na cellphone kaya ganoon na lang ang gulat niya nang may mag-deliver niyon sa suite niya.

Napabuntong-hininga pa siya nang ilapag sa may coffee table ang sticky note na nakadikit sa mismong box ng cellphone.

Use this. I don't take no for the answer.

Reign

Kapag ginamit naman niya iyon ay parang pumapayag na rin siya sa hinihingi nitong pabor sa kanya.

"Sovereign Millares, mga galawan mo," naiiling pa niyang anas. Hinayaan na lang niya sa coffee table ang paper bag at hindi na muli pang nangahas na pakialaman iyon.

Pumunta na siya sa banyo para magbabad sa jacuzzi na inihanda niya kanina.

Kinabukasan, abala si Zafrina sa pagluluto ng kanyang tanghalian nang siyang tunog ng door bell. May malapit na grocery sa tinutuluyan niyang hotel kaya naman na-engganyo siyang magluto. Na-mi-miss na rin niya ang pagluluto. Isa kasi iyon sa hilig niyang gawin. Kumpleto rin naman sa gamit sa kusina ang suite na tinutuluyan niya.

Hinubad niya ang suot na apron at ipinatong iyon sa kitchen island. Baka naman chambermaid iyon at maglilinis.

Pagbukas sa pinto ng suite ay nabura ang ngiti sa labi ni Zafrina nang mapagsino ang nasa labas. Kumunot ang noo niya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" kunway hindi nasisiyahang sita niya kay Sovereign.

Itinaas nito ang dalawang paper bag na may tatak ng isang mamahaling restaurant sa Pagbilao City.

"Baka hindi ka pa kumakain," anito na hindi na hinintay ang permiso niya na papasukin ito. Nagkusa na itong pumasok sa loob at dumiretso sa kusina.

Pagkasara ni Zafrina sa pinto ay agad niyang sinundan si Sovereign. Naabutan niya itong inuusisa kung ano ang niluluto niya.

"Marunong kang magluto?" tila nasurpresa pa ito sa nalaman.

"As you can see, it's a yes." Mukha namang hindi ito aalis agad kahit ipagtabuyan niya. Kinuha na lang uli niya ang apron at isinuot. "Nag-aral din ako ng culinary arts."

"Gusto mong magtayo ng restaurant?"

Umiling siya bago hinalo nang bahagya ang nilulutong Adobong Manok. "Hindi. Para maipagluto ko 'yong magiging asawa ko pagdating ng araw." Sabi kasi ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito, dapat ay marunong magluto ang babae lalo na kapag nag-asawa na. "Gusto ko, luto ko 'yong kakainin niya," napangiti pa siya.

Habang abala siya sa niluluto ay mataman naman siyang pinagmamasdan ni Sovereign. Mas natulala pa ito sa kanya nang ngumiti siya. Agad sumeryoso ang guwapo nitong mukha nang balingan ito ni Zafrina.

"Malas ng magiging asawa mo."

Nabura tuloy sa labi ang ngiti ni Zafrina. "Bakit naman?"

Nagkibit-balikat ito. "Mas mauuna akong makatikim ng luto mo kaysa sa kanya."

Itinuro niya, gamit ang sandok, ang dala nitong pagkain. "'Yon ang kainin mo, Mister Millares. Mukhang binili mo pa sa mamahaling restaurant 'yan."

"I want your Adobong Manok."

Nakipagtagisan pa siya ng titigan dito. "Para sa akin lang ito."

"Sobra 'yan para sa iyo," katwiran pa nito.

"Whatever," sabi na lang niya at mukhang hindi ito magpapatalo.

"'Yong cellphone na pinadala ko kagabi, hindi mo pa rin ginagamit. May kasamang sim card 'yong paper bag. Sinubukan kong tawagan 'yong number pero cannot be reach."

The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon