Chapter 24

42.2K 1.4K 475
                                    

"PROBLEMA ng asawa mo?" nakangisi pang tanong ni Jamil kay Zafrina nang maupo ito sa silya na nasa may tabi niya.

Napatingin siya kay Sovereign na inisang lagok pa ang alak na nasa baso nito. Matapos nilang kumain kanina ng hapunan ay saka lang in-announce kung sino ang nanalo kanina sa swimming tournament. Si Tadashi ang nanalo at talo si Sovereign ng isang segundo.

At mukhang hindi naman ang pagkatalo nito kay Tadashi ang dahilan ng pag-iinom nito. Natalo niya ito sa pustahan nila. At kailangan nitong gawin ang gusto niya.

"Men, dinidibdib mo ba ang pagkatalo mo kay Tadashi?" kantiyaw pa ni Jamil kay Sovereign.

"Hindi."

"Hindi raw," pakli naman ni Liam na naupo sa tabi ni Sovereign. "So, bakit kayo ni Pareng Jack Daniel's ang magkaramay ngayon?"

"Ask her," ani Sovereign na binalingan pa siya.

Confirm. Pagkatalo nga nito sa kanya ang dahilan.

"Whoa! May LQ kayo?"

"Sinong may LQ?" ani Daizuke na akmang lalampas sa kinaroroonan nilang table.

"W-Wala kaming LQ," mabilis niyang pasubali. "Ang pagkatalo niya sa tournament ay pagkatalo rin niya sa pustahan namin." Nagbaba siya ng tingin pagkasabi niyon.

"Mukhang may matutulog sa sahig," sabi na lang ni Daizuke bago nagpatuloy sa paglalakad.

Ganoon na lang ang halakhak ni Liam. "Sabi ko na, eh. Hindi dahil natalo ka ni Tadashi. Bro, iba na 'yan," kantiyaw pa nito sa kaibigan bago tinapik sa balikat at inaya na si Jamil.

"Tantanan mo na 'yang si JD," tukoy ni Jamil sa alak na iniinom ni Sovereign. "Dahil kahit maubos mo 'yan, talo ka pa rin. Baka ang asawa mo pa ang umakay sa iyo pauwi."

Hindi mapigilan ni Zafrina ang mapangiti dahil sa pinagsasabi ng mga kaibigan ni Sovereign. Muli niyang ibinalik ang tingin kay Sovereign.

"Tara na?" pag-aaya na niya rito.

Bumuntong-hininga si Sovereign. "Ginalingan mo talaga ang pagdarasal na matalo ako ni Tadashi."

"Hindi ko pinanalangin na matalo ka. Pumabor lang talaga sa akin ang pagkakataon." Tumayo na siya. "Kung hindi ka pa rin tatayo riyan, maglalakad na lang ako pauwi sa hotel."

Naibaba bigla ni Sovereign ang baso na akmang iinuman sana. Tumayo na rin ito. "Okay. Uuwi na tayo," bahagya pa itong napapikit nang makaramdam ng pagkahilo.

Nahawakan ni Zafrina ang braso ni Sovereign. "Okay ka lang?"

Tumango ito. "I'm fine."

Hindi na niya binitiwan ang braso ni Sovereign. Malapit na sila sa entrance ng restaurant na kinaroroonan nang humarang sa daraanan nila si Liam. May dala itong baso na natitiyak niyang alak ang laman.

"Reign, try this one. Si Sef ang nag-mix niyan," alok pa ni Liam kay Sovereign. Si Sef Santiago ang nagmamay-ari ng Night Out Bar.

"Galing kay Sef?" kumunot pa ang noo ni Sovereign na bumaling ang tingin sa pinaka bar counter ng restaurant. Naroon ang ilang miyembro ng Club. Itinaas pa ng mga iyon ang baso na may laman ding alak.

Walang imik na kinuha ni Zafrina ang baso na hawak ni Liam. Imbes na si Sovereign ang uminom niyon ay siya na ang uminom. Halos manlaki ang mga mata ni Liam nang straight pa niyang ininom ang alak na hindi niya nagustuhan ang lasa na bawat lunok niya ay animo kidlat na gumuguhit sa kanyang lalamunan. Kaya naman halos hindi maipinta ang mukha niya nang maubos ang laman niyon.

"Zafrina," gulat na bulalas ni Liam. "Bakit ikaw ang uminom?"

Bahagya pa siyang naubo kaya nahagod ni Sovereign ang likuran niya. Ang pait ng lasa na halos gumuguhit sa lalamunan niya. "Ano bang klase 'yon?" reklamo niya.

"Kay Reign kasi dapat 'yon at hindi sa iyo. Drink this," inabot sa kanya ni Liam ang juice na agad pinadala ni Sef nang makitang siya ang uminom ng alak na dala ni Liam.

Uminom lang siya nang kaunti.

"Alis na kami," paalam na ni Sovereign kay Liam.

Napakagat-labi pa si Liam. Pinipigilan ang mapaglarong ngiti na kumuwala sa labi nito. "Ingat," makahulugan nitong wika bago bumalik sa mga kasamahan.

"Mukhang ako pa yata ang mag-aakay sa iyo pauwi," ani Sovereign nang makitang pumikit siya at sapuhin ang noo.

Hindi niya alam kung ano'ng klaseng alak ang nainom niya. Pero mukhang malakas ang tama niyon dahil ngayon pa lang ay ramdam na niya ang epekto. Unti-unti nang nag-iinit ang pakiramdam niya.

Nang makabalik sa hotel suite nila ay hindi pa rin mapakali ang pakiramdam ni Zafrina. Ano ba'ng nangyayari sa kanya? Bukod sa nahihilo siya ay sobrang nag-iinit ang kanyang pakiramdam. Side effect ba iyon ng alak na ininom niya? Ngayon niya mas pinagsisisihan na ininom pa niya iyon imbes na si Sovereign ang uminom.

Naupo siya sa sofa na malapit lang sa pinto ng suite. Pagkuwan ay pumikit. Hoping din na maiibsan ang pagkahilo niya. Hindi na niya kayang maglakad papunta sa may kama dahil tiyak na tutumba siya.

"Tell me kung okay ka lang?" ani Sovereign na naupo sa tabi niya.

"Hindi ako okay," anas niya. Lalong tumitindi ang init na nararamdaman niya.

Marahas na huminga si Sovereign pagkuwan ay dinukot sa bulsa ng pantalon ang cellphone. Tinawagan nito si Liam. "Ano ba 'yong alak na ininom ni Zafrina?" agad na asik ni Sovereign nang sagutin ni Liam ang tawag. "What? Oh, damn you, Liam."

Ipinaypay ni Zafrina ang kamay sa mukha. "Sovereign, ang init-init."

"'Wag kang magpapakita sa akin Liam," mariing banta ni Sovereign kay Liam bago tinapos ang naturang tawag. Basta na lang nito inihagis sa gilid nito ang cellphone at hinarap siya. "Take a shower, Zafrina."

Pinilit niyang imulat ang mga mata. Napakurap-kurap pa siya para lang luminaw ang bahagyang nagdodobleng paningin. Nang ibaling niya ang tingin kay Sovereign ay sa labi agad nito napatutok ang tingin niya.

"I... I want to kiss you," bigla ay bulalas niya.



________________

Authors Note:

Leave a comment. Thank you.

Love lots,

Jonquil


The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon