MULA SA pagbaba sa kotse ni Sovereign ay hindi na ito umalis sa tabi ni Zafrina. Hanggang sa pumasok na sila sa lobby ng kumpanya ng mga ito, ang Millares Group of Companies na may taas na fifty floor. Nakahawak pa rin ito sa may baywang niya. As if, he owns her for real.
Wala sanang balak sumama roon si Zafrina ngunit mapilit si Sovereign. Sa huli ay wala rin siyang nagawa. Nakasuot siya ng sunglasses sa mata kaya naman hindi siya asiwang gumalaw na baka may makakilala sa kanya.
Halos lahat ng nasa lobby na tauhan ng Millares Group ay mga nagyuko nang ulo nang makita ang boss ng mga ito. Tanda ng paggalang. Napatingin tuloy siya kay Sovereign. Hindi talaga ito basta-bastang tao lang.
"What's the stare for?" ani Sovereign na bahagya siyang binalingan.
Umiling siya bago nagbawi ng tingin. Nang makasakay sila sa elevator ay hinawakan niya ang kamay nito at tinanggal sa pagkakakapit sa may baywang niya. Sila lang naman ang sakay ng elevator na nakatalaga para dito.
"Wala ng tao," kaswal niyang sabi na inayos ang pagkakalagay ng sunglasses niya sa mata.
Naiiling na pumindot si Sovereign kung ano'ng floor ang pupuntahan nila. Number fifty ang pinindot nito kung saan naroon ang office nito.
Mayamaya pa ay nahawakan ni Zafrina ang noo at bahagyang yumuko. Nahihilo na ang pakiramdam niya. Hindi siya sanay sa masyadong pataas na lugar. Napansin naman ni Sovereign ang kundisyon niya kaya inakbayan siya nito at hinila palapit rito para maalalayan siya, bagay na hindi na niya sinaway pa dahil kailangan niya nang masasandigan. Tinanggal niya ang suot na salamin sa mata at inilagay sa kanyang pouch.
"Mahiluhin ka pala. Dapat yata binilhan muna kita ng gamot sa hilo," biro pa nito na nakatikim ng siko sa tagiliran nito. Napasinghap ito sa ginawa niya. "Masakit 'yon."
"'Wag na 'wag mo na akong pipilitin na samahan ka rito sa kumpanya ninyo. Dahil hinding-hindi na ako sasama sa susunod."
"Masasanay ka rin dito, Zafrina."
"Alam mo naman na hindi ako puwedeng ma-expose dito sa labas."
Hindi na nakipagpilitan pa si Sovereign nang bumukas ang elevator. Napailing pa ito nang makitang medyo bumuway ang pagkakatayo niya nang lumabas sila ng elevator. Walang imik na pinangko siya nito na ikinamulat niya napatingin siya sa guwapo nitong mukha.
"Based on your current situation, baka gumapang ka papunta sa office ko," anito nang sulyapan siya.
Hindi na siya kumontra pa at ipinikit na muna ang mga mata. Muli niyang isinandig ang mukha sa may leeg nito. Nahihilo pa rin ang pakiramdam niya. At baka mangyari ang sinabi nito kung magmamatigas pa rin siya sa tulong na ibinibigay nito sa kanya.
May pagtataka man sa mukha ng sekretarya nito, na mukhang matanda lang ng ilang taon sa kanya, nang dumaan sila sa harap ng cubicle nito ay hindi ito nag-usisa kung sino siya. Sa halip ay nagbigay galang ito sa kanila.
Nang makapasok sa malawak na opisina ni Sovereign kung saan tanaw na tanaw sa glass wall ang kalawakan ng Pabilao City ay dumiretso sila sa isang nakapinid na pinto. Binuksan nito iyon. Isa iyong silid kung saan may kama, animo suite iyon sa isang mamahaling hotel. Maingat na ibinaba siya ng binata sa malambot na kama.
"Pahinga ka muna rito."
Pinilit niyang imulat ang mga mata. "Saan ka pupunta?"
"May trabaho ako na kailangan kong asikasuhin." Itinuro nito ang pinto. "Ayon lang ang table ko. Tawagin mo lang ako kung may kailangan ka. Pero," ani Sovereign na bahagya siyang niyuko na may pilyong ngiti sa labi. "Kung gusto mong samahan kita rito, wala namang kaso sa akin 'yon."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret | Published Under Lifebooks
Romance#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL