"AFTER fourteen years," masayang anas ni Zafrina habang inililibot sa paligid ng Alager Hotel Beach and Resort ang kanyang paningin. Nasa Pagbilao City na rin siya nang mga sandaling iyon. Napakaganda ng naturang lugar. Mas gumanda pa iyon sa lumipas na panahon. Kung hindi siya nagkakamali ay doon sila dati nag-outing noong bata pa siya.
Salamat sa kanyang kaibigang si Ella dahil may discount ang pag-stay niya sa naturang hotel. Nang makarating sa kanyang suite ay kaagad din siyang iginupo ng antok. Napakatagal ng kanyang ibyinahe kaya naman mahilo-hilo rin ang kanyang pakiramdam.
Kinabukasan na siya nagising. Pahinamad pa nang siya ay bumangon at tumungo sa banyo. Napahinto siya sa tapat ng salamin at matamang tinitigan ang sarili. Umangat ang kamay niya at hinawakan ang maikling buhok na dati ay umabot sa may baywang niya ang haba. Ngayon ay hanggang batok na lamang niya iyon. Maikli sa likod, pahaba naman sa unahan. Bumagay naman iyon sa may kaliitan niyang mukha. Nagpagupit siya nang mag-stop over siya sa Maynila sa kadahilanang baka may makakilala sa kanya. Mas okay na iyong sigurado. Ang mahaba niyang natural na buhok ay ibinigay niya ng libre sa baklang naggupit sa kanya. Ipapagawa raw nito iyong wig.
Mula sa buhok ay sunod naman niyang natitigan ang mukha na lalong naging intimidating ang dating dahil sa buhok niya. Her lambent eyes, na namana niya sa kanyang ina. Natural na may kakapalan din ang mahaba at malantik niyang pilik-mata. Tama lang ang tangos ng kanyang ilong. Natural din ang mamula-mula niyang labi kaya naman napakadalang niya kung magpahid ng lipstick sa labi. Marami ang nagsasabi na hindi nakakasawang titigan ang mukha niya.
Isang sulyap pa sa kanyang bagong gupit na buhok bago nagbawas ng panubigan.
Paglabas niya ng banyo ay sunod naman niyang hinayon ang kusina. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig doon na hinaluan niya ng mainit para maging maligamgam. Ganoon ang ginagawa niya pagkagising sa umaga dahil maganda iyon sa katawan.
Para kay Zafrina ay bago sa kanya ang kapaligiran sa kadahilanang wala namang dagat sa Sagada o kahit sa buong paligid ng Mountain Province. Hindi rin kasing lamig ng Sagada ang Pagbilao City.
Matapos maligo ay ipinasya na munang bumaba ng hotel ni Zafrina. May nakita siyang cafe sa ibaba ng hotel nang dumating siya roon kahapon. Bibili lang siya ng hot chocolate bago tatambay sa may dagat. Mamaya na siya kakain.
"Thank you," magiliw pa niyang wika sa nag-abot ng order niya. Dahil sa pag-aakalang wala namang tao sa may likuran niya dahil madalang pa ang taong nasa cafe ay bigla ang naging pagharap niya sa may likuran niya. Hindi niya nakontrol ang pagkakatapon ng hot chocolate niya sa business suit ng lalaking nasa may likuran niya. Dumulas pa sa kamay niya ang pobreng cup at tuluyang nahulog sa sahig. Kasabay ng pagsinghap niya ay ang bulungan ng mga nakasaksi sa insidenteng iyon.
"Aaah! What the hell!" napaatras pa iyon dahil sa init na dinulot ng likidong natapon sa suot nito.
Nanginig bigla ang kamay ni Zafrina na nakahawak sa tissue na siyang natirang hawak niya. Alam niyang mainit ang hot chocolate kaya hindi na kataka-taka kung magalit sa kanya ang taong natapunan niya.
"I-I'm sorry," kandautal niyang wika. Nataranta pa siya nang akmang papahiran ng tissue ang bahaging nabasa. "Hindi ko alam na may tao—"
"Don't touch," mariin niyong wika na hinawakan pa ang dalawa niyang pulsuhan para pigilan sa akmang pagpunas sa suot nito. "See? You ruin my suit. Damn, may meeting pa ako mamaya," galit nitong litanya.
Napalunok siya. "Hindi ko sinasadya."
"As if, you didn't know. Hindi na lahat nakukuha sa simpleng sorry lang."
Mula sa pagkakatitig sa nabasa nitong suot ay nag-angat na siya ng tingin sa aroganteng lalaki na kaharap. "Hindi ko nga kasi sinasad—"
Speechless na napatitig na lang siya sa guwapong mukha na iyon. Mali, kulang ang salitang guwapo para lang i-describe ang hitsura nito. Sa taas niyang 5'6 ay halos umabot lang siya sa dibdib nito. Kaya naman halos tingalain niya ito. Ang tangkad nito masyado. Kahit bakas ang pagkayamot sa guwapo nitong mukha ay hindi pa rin maikakaila ang umaapaw nitong sex appeal sa kababaihan. Bagay na hindi niya nakita sa kahit na sinong nakaharap noong nasa Sagada siya. Totoo ba ang lalaking kaharap niya? O isang aparisyon lang? Pero ramdam niya ang pagkakahawak nito sa dalawa niyang kamay.
Nang makabawi ay itinikom na niya ang bibig na medyo nakanganga na ng di niya namamalayan. Tumikhim siya at pinablanko ang hitsura ng mukha. "Hindi ko sinasadya. Hindi ko alam na may tao sa likuran ko." Lihim siyang napalunok ng maramdaman ang pagsikdo ng dibdib niya dahil sa lalaking kaharap. Ano ba'ng nangyayari sa kanya?
"Tss. Old alibi," anito nang bitiwan ang kanyang mga kamay.
Sa isip ay pinagalitan niya ang sarili. Kabago-bago pa lang niya sa naturang lugar heto at nakadisgrasya pa siya. "Babayaran ko kung magkano man 'yang—"
"No need. Alam kong hindi mo kayang bayaran kaya 'wag ka ng magtangka."
Minamaliit ba siya ng lalaking kaharap niya? Lumarawan ang inis sa maganda niyang mukha. "You think so?"
"Yeah. I think so." Sinulyapan nito ang relo bago ibinalik ang tingin sa mukha niya. "Hindi pa ako tapos sa iyo. Pasalamat ka at nagmamadali ako. Damn," iritado na naman nitong anas nang makita ang nabasa nitong suot. Isang titig pa sa mukha niya bago walang imik na tinalikuran na siya nito at naglakad palabas ng cafe. Tinanggihan pa nito ang inihabol na towel ng crew ng naturang cafe.
"Poor girl. At si Sovereign Millares pa talaga ang nakabangga mo," anang babae na naka-cross arm pa nang lapitan siya. "'Yon ba ang paraan mo para mapansin ka niya?"
Tumiim ang labi niya nang balingan ang babaeng atribida na lumapit sa kanya. "Aksidente 'yong nangyari."
"Lumang diskarte na 'yon, Miss. Pero swerte mo dahil pinaglaanan ka niya ng oras."
At suwerte pa siya ng lagay na iyon? Nababaliw na yata itong kaharap niyang babae. "Swerte?" gusto niya itong tawanan ng sarkastiko.
"Yes. Dahil si Sovereign Millares lang naman 'yong nakaharap mo."
"Sorry, pero hindi ko kilala ang taong 'yon."
Naiimposiblehang tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Saang planeta ka ba galing at hindi mo kilala si Reign?" naiiling na iniwan na siya nito.
"Ma'am, excuse po muna," anang isang crew na may dalang mop.
"Sorry po sa kalat," hinging paumanhin niya bago nilisan ang naturang cafe.
Marahas siyang bumuntong-hininga nang maalala ang lalaki kanina. Sino ba ang taong iyon at walang pakundangan kung guluhin ang sistema niya?
Dumiretso si Zafrina sa tabing-dagat. Hinubad niya ang suot na sandals at nilabit iyon. Hinayaan niyang hampasin ng mumunting-alon ang kanyang paa habang marahan siyang naglalakad. Dumako ang tingin niya sa malayo nang maisip ang mga taong naiwan sa hacienda.
"Kumusta kaya sila?" napabuntong-hininga siya kapag kuwan. Sigurado siyang nagkakagulo na roon ngayon dahil sa pagkawala niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret | Published Under Lifebooks
Romance#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL