SA ISANG high end restaurant sila humantong ni Sovereign. Hindi na kataka-taka na nasa isang mamahaling restaurant sila dahil mukha naman itong mayaman. Habang kumakain ay muling inungkat ni Zafrina sa binata ang naputol nilang pag-uusap kanina.
"Ano ba talaga ang kailangan mo sa akin?" aniya nang maibaba sa pinggan niya ang kubyertos at matamang pinagmasdan si Sovereign na maganang kumakain.
Sandali muna nitong tiningnan ang paligid bago siya tiningnan. "Masyadong maraming tao rito para dito natin 'yon pag-usapan. At isa pa, masyadong confidential 'yon. Mamaya na lang sa kotse. Patapusin mo muna ako sa pagkain ko dahil hindi pa ako nagla-lunch."
Napatingin tuloy siya sa suot niyang orasan. Alas tres na ng hapon. "Bakit nagpapalipas ka ng gutom?"
"May tinapos ako sa office kanina."
"Pero mas importante pa rin na kumain sa tamang oras. Kaysa magsisi ka sa huli kapag nagkasakit ka," aniya na itinuon na rin muli sa pagkain ang atensiyon. "You only live once," dagdag pa niya.
Natigil sa pagnguya si Sovereign sa steak na kinakain nito. Pagkuwan ay muli siyang sinulyapan. Sumandal pa ito sa kinauupuan nito habang matamang nakatitig kay Zafrina.
Nang maramdaman ni Zafrina na parang may nakatitig sa kanya ay muli siyang nag-angat ng tingin. Kumunot ang noo niya nang makita si Sovereign na matamang nakatitig sa kanya.
"Bakit?"
Umiling ito. "Wala pang nangahas na pagsabihan ako ng ganyan."
"Wala bang concern sa iyo?"
Bahagya itong napangiti. "Concern on what way?"
She rolled her eyes. Parang may kakaibang laman ang sinasabi nito. "Whatever. Bilisan mo ng kumain dahil nagmamadali rin ako."
Matapos nilang kumain ay agad ding pinasibad ni Sovereign ang kotse nito nang makasakay silang dalawa.
"Time is gold, Mister. Ano ba talaga ang problema mo? Bakit ako 'yong gusto mong tumulong sa iyo kahit na marami namang iba diyan?" aniya mayamaya.
Nakatutok lang sa daan ang tingin nito. "Sounds crazy, pero pino-problema ko 'yong nakatira sa bahay ng daddy ko."
"Gusto ka na nilang mag-asawa?" hula niya.
"Not like that."
"Sa tingin mo talaga ay kaya kitang tulungan?"
"Malaki ang maitutulong mo sa akin. Nasa iyo rin 'yong quality na kailangan ko."
Kumunot ang noo niya. "Quality?" Napaharap tuloy siya rito. "Sinasabi ko na nga ba. Hindi talaga basta-basta dapat magtiwala sa panlabas na anyo. Leader ka siguro ng malaking sindikato."
Hindi alam ni Sovereign kung matatawa o ano sa sinabi niya. Kaya naman inihinto nito sa tabing kalsada ang kotse nito at hinarap din siya.
"Hindi mo ba talaga kilala ang taong kasama mo ngayon?" Umiling siya kaya lalo itong napapantastikuhan sa pagkatao niya. "Saang planeta ka ba galing? You think too much, lady." Mataman siya nitong tinitigan. "Hindi ako leader ng sindikato kaya ipanatag mo 'yang loob mo. Hindi kita para ipahamak."
"Sabi mo kasi nasa akin 'yong quality na kailangan mo."
"Well, base kasi sa nakikita ko sa iyo ay madali ka namang kausap. Kailangan ko ang malaki mong kooperasyon. Magaling ka bang umarte?"
"Hindi ko forte ang bagay na iyan. Ang dami mong paligoy-ligoy. Direct to the point, please."
"Napakadali lang naman ng gagawin mo. Be my wife. Ah, hindi. Pretend as my wife."
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret | Published Under Lifebooks
Romance#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL