Chapter 25

43.8K 1.5K 343
                                    

NAPALUNOK si Sovereign. Hanggat makakaya niya, ayaw niyang mag-take advantage sa nangyayari ngayon kay Zafrina. Sa isip ay muli niyang namura si Liam. Mataas na klase ng alcohol ang pinaghalo-halo ni Sef na dapat ay sa kanya ipapainom. Na hinaluan pa ni Liam ng aphrodisiac na nag-i-increase sa sexual desire ng taong makakainom niyon.

"You're just drunk, Zafrina." Hinawakan niya ito sa magkabila nitong braso at inalalayang tumayo. Pero naging mabuway ang pagtayo nito kaya wala ng choice na pinangko na niya ito para dalhin sa banyo.

Nakakainom siya pero hindi naman kasing lakas ng tama katulad ng kay Zafrina ang tama sa kanya ng nainom niyang alak.

"Sovereign, hindi ko," napalunok ito. "Kayang maligo ngayon." Pumikit ito at ipinulupot ang mga braso sa may leeg niya. Isiniksik pa ng dalaga ang mukha nito sa kanyang leeg.

Damn.

Huminga nang malalim si Sovereign dahil sa kakaibang pakiramdam na ipinamamalas sa kanya ni Zafrina nang mga sandaling iyon.

Sandali siyang napapikit ng mariin ng maramdaman ang labi ni Zafrina na nagpapamalas ng mumunting halik sa may leeg niya.

"Zafrina, stop it," saway niya rito.

"Ang bango-bango mo," malambing pa nitong wika.

Muli niyang ipinaalala sa sarili na lasing lang si Zafrina nang mga sandaling iyon. At epekto lang ng nainom nito kaya ganoon ang kilos nito. Dahil kung hindi naman umepekto rito ang ininom, nunca na gawin nito ang ginagawa nito ngayon sa kanya.

Nang makarating sa loob ng banyo ay maingat na iniupo niya si Zafrina sa may gilid ng bathtub. Isinandal nito ang sarili sa may pader para doon kumuha ng suporta.

Binuksan niya ang gripo sa may bathtub. Tinantiya pa niya ang tubig na ipapanligo ng dalaga.

Nang muli niyang harapin si Zafrina ay ganoon na lang ang pamimilog ng mga mata niya nang hubarin nito ang suot nitong dress. Nakatayo na ito. Hindi agad nakagalaw si Sovereign sa kinatatayuan nang tumambad sa kanya ang dalaga na dadalawang piraso na lang ang natirang suot sa katawan. Napalunok siya.

Ito iyong kauna-unahang pagkakataon na bigla ay nahirapan siyang huminga at hindi agad makakilos sa kinatatayuan.

Zafrina was breathtakingly beautiful even when her clothes on. But right at this moment, no words can explain how beautiful she is.

Hinayaan lang ni Zafrina na mahulog sa sahig ang dress na binitiwan nito. Saka lang nakagalaw si Sovereign nang akmang tatanggalin na ni Zafrina ang pagkaka-hook ng bra nito.

"No!" mabilis niyang pinigilan ang kamay nitong inaabot ang hook ng bra nito.

Namumungay ang mga mata na tiningala siya nito. "Ang init," reklamo nito.

"I-I know. Pwede ka namang maligo na nakasuot ang damit mo. Dapat h-hindi ka na naghubad," aniya na sinikap na mag-focus ang tingin sa mukha nito.

Ngumiti si Zafrina pagkuwan ay ipinulupot sa may batok niya ang mga kamay nito.

"Zafrina," saway niya rito nang idikit pa nito ang katawan nito sa kanya. Nahawakan niya ito sa baywang nito nang bumuway na naman ang pagkakatayo nito.

"'Yong kiss ko, nasaan na?" nakalabi pa nitong reklamo. She even pouts her lips when she close her eyes.

Damn it. Ramdam niya ang mabilis na pag-react ng kanyang alaga nang dumikit ang halos hubad ng katawan ni Zafrina sa kanya. Kung kasalanan mang maituturing ang pagpapanggap nila ni Zafrina sa mata ng lahat, bakit ngayon pa siya naisipang parusahan ng Diyos? At sa ganito pa talagang sitwasyon?

The Billionaire's Secret | Published Under LifebooksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon