DOON na tuluyang bumigay ang puso ni Zafrina. Sa binata na rin nanggaling na nahuhulog na ito sa kanya. Masaya siya sa kaalamang iyon pero unti-unti pa ring binabalot ng takot ang puso niya. Parang mas gumulo ang sitwasyon nila ngayon.
"Sovereign—"
"Hayaan mo lang ako," mabilis nitong pigil sa akmang sasabihin pa niya. "Hindi naman kailangan na mahulog ka rin sa akin agad-agad. I'm not forcing you to do so."
"Nakalimutan mo na ba na ako ang nanalo sa pustahan natin?" paalala niya rito.
Umiling ito. "Hindi ko naman nakakalimutan ang bagay na 'yon. Nandito na ito bago pa mangyari ang pustahan na iyon." Huminga ng malalim si Sovereign.
Sandaling katahimikan ang namayani bago muling nakapagsalita si Zafrina. "Alam mong... alam mong hindi ako mananatili ng matagal sa lugar na ito. Sooner or later, kailangan kong bumalik sa amin." Ayaw niyang aalis siya na walang kasiguraduhan kung makakabalik pa siya. Nasa Sagada ang pamilya niya at ang nakasanayan niyang buhay at wala sa lugar na kinaroroonan ngayon. Pakiramdam niya ay sasakit lalo ang ulo niya sa isiping iyon.
"Then I'll make you stay," walang gatol nitong wika.
Kung sana ay ganoon lang iyon kadali. "Kailangan ko pa ring umuwi."
"Puwede naman kitang ihatid pauwi sa inyo. Maraming paraan, Zafrina. High tech na rin ang communication ngayon."
Parang pinipiga lalo ang puso niya. Ang seryoso ni Sovereign. He's really falling for her. Gusto niyang maging masaya sa bagay na iyon pero hindi talaga niya magawa. Malungkot pa rin siyang napangiti.
"Alam mo bang tumakas ako sa amin dahil," nakagat niya ang ibabang-labi. "Dahil ayaw kong ma-engage," pag-amin na niya rito. "And then you came. Asking me to be your so called pretending wife. Sa huli, pinili ko pa rin na tulungan ka kaysa ang lumayo."
"Ayaw mong ma-engage kanino?" imbes ay tanong nito.
Bahagya siyang umiling. "Hindi mo rin naman kilala kahit sabihin ko."
"Sa tingin mo makakatulog ako? You tell me."
"Gino," tipid niyang wika.
"Gino?"
"I won't tell you his last name, Mister Millares. Makakatulog ka na naman siguro dahil ibinigay ko na 'yong pangalan niya. Good night."
"Not so fast," pigil nito sa akmang paghiga niya.
Napatingin siya sa kamay niya na hinawakan ni Sovereign. Pagkuwan ay umangat ang tingin niya sa guwapo nitong mukha. Pambihira, reklamo niya sa isip. Umiiwas na nga siya pero hayon at hindi naman siya nito pakawalan. Hindi niya alam kung hanggang saan ang kaya niyang pagpipigil para sa binata.
"H-Hindi ka pa ba inaantok?"
Umiling ito. "Nawala na 'yong antok ko."
Lihim siyang napalunok. "Sovereign—"
"Let me fall," agap nito.
Bigla ay animo nahirapan siyang huminga dahil sa sinabi nito. May magagawa pa ba siya kung mukha namang ayaw nitong papigil sa nararamdaman nito sa kanya?
Sovereign Millares...
"If I don't want too?" hamon niya rito.
"I'll insist."
"If—"
"Zafrina," reklamo na nito. "Just let me."
Bahagya na naman niyang nakagat ang ibabang-labi. Napatingin doon si Sovereign bago ibinalik ang tingin sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Secret | Published Under Lifebooks
Storie d'amore#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL