The Reset: The Genesis of the Great War

397 9 9
                                    

Matagal na panahon naming pinaghandaan ito. Some spent months, years and even decades just to be right in this moment. This is a big thing for Nathaniel and the mafia, dahil for once and for all, matutuldukan na ito dito, kung saan nagsimula. We were able to secure our base dito sa Mafia Village at maganda na rin ito para walang madamay na inosente. We'll be settling the score kung saan nag-ugat ang lahat.

Inangat ko ang baril na kanina ko pa nililinis. Hindi ko ito masyadong ginagamit dahil hindi naman ako pumapatay ng tao kapag gusto ko lang. I only use it as a defense weapon but tonight or tomorrow, I'm going to use it as a weapon to wipe out the enemies.

According to our Intel, baka bukas darating ang kalaban pero hindi dapat kami pakampante because an ambush is possible. Kaya ngayon pa lang ay naghahanda na kami. No one set the date, isang araw, nagising na lang kami and everything felt right kaya dumiretso na kami dito. We used the old mansion of Black Sovereign dahil malawak ito at kabisado rin ni Nathaniel ang lugar sa makailang beses siyang nagawi dito.

Tahimik lang si Nathaniel na umiinom ng alak habang may hawak na baril. Mula nang dumating kami dito ay malimit na lang kaming mag-usap. Alam kong marami ang gumugulo sa isip niya ngayon dahil  pangalan at buhay namin ang nakataya sa digmaang ito. I was able to gather all my armies rin and they're in a secret facility kung saan nagt'training sila kasama ang mga tauhan ng Red Monarchs at Black Sovereign. Everyone is anxious but everyone is hungry for a war. Even  the members of the HiGH5 are in their respective areas. Si Autumn lang ang wala.

Ilang linggo na rin akong walang balita kay Autumn but Nathaniel reassured me that everything will be all right. Hindi ko pa nasasabi sa kanya ang tungkol sa hawak kong antidote but it felt like he knows something. Tanging si Renzo lang ang nakakausap ko nung mga nakaraang linggo dahil sa pabor na hiniling ko.

Flashback

Tahimik kong pinagmasdan si Renzo sa loob ng opisina niya. Maya't maya ay kumukunot ang noo at napapabuntong-hininga siya. Hindi ko alam kung ano and ginagawa niya o ano ang pinagkakaabalahan niya pero mula nung nalaman niya ang nangyari kay Autumn ay walang araw na hindi niya binugbog ang sarili niya sa trabaho and this may be the right time to ask him for help dahil siya lang ang alam kong kaya akong tulungan. He's the intelligence of our group after all.

I can't ask help from Nathaniel dahil alam kong pipigilan lang niya ako but with Renzo, I can use Autumn to make him help me. I know, it's like blackmailing him but I want to save Autumn and in order to do that, gusto kong maintindihan ang droga at ang antidote nito and Renzo is the right guy to ask help from.

Mas lalong naging busy ang headquarters sa paghahanda namin sa nalalapit na digmaan. Unti unti na rin naming naililipat ang mga gamit namin sa base namin sa Mafia Village at hanggang ngayon ay wala pa ring kibo ang mga kalaban na nakakabahala. Silence is more dangerous.

Natapos na ang isang araw at nakita ko ang pag-unat unat ni Renzo. He picked his things and left his office at tahimik pa rin akong nakasunod sa kanya hanggang sa makasakay siya sa sasakyan niya. I also went inside my car and followed his.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta because it doesn't look like he's heading home. Sinundan ko lang siya ng sinundan hanggang sa hindi ko na napansin na nasa harapan kami ng mansion ng mga Stallworthy. Hindi ko alam kung bakit dito siya pumunta pero nagulat ako nang bumaba siya mula sa kanyang sasakyan at tinutukan ng baril ang akin. If he was another person, hindi ako matatakot pero ngayon, kinakabahan ako. Maaaring okay na kami ni Nathaniel but that doesn't mean na okay na ako sa lahat ng tao niya. I need to weigh the situation between me and Renzo because after what happened to Autumn. he'll be more dangerous this time.

Tinignan ko kung ano ang gagawin niya and I almost stopped breathing nang lumapit siya sa kotse ko. My car is heavily tinted kaya hindi mo ako makikita dito sa loob but it looks like nararamdaman niya na kinakabahan ako at mukhang nag-eenjoy siya. Then he spoke...

The Mafia Prince: The ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon