The Same Fvcked Up Mind

767 19 2
                                    

SUMMER's POV

Pagkatapos mag'announce ni Autumn kahapon ay naging busy na ang lahat. They were all getting ready to meet the mafia. Is hse really serious about painting the battlefield red? Maski sila Winter ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Autumn but still obliged. Tanging si Andrei lang ata ang walang inaalala eh. Nandun lang siya nakikipaglaro kay... Wisdom. Napatitig ako sa bata... sa anak ni Autumn at kuya Renzo. After 2 or 3 years, he'll finally meet his father. He'll finally meet his mom's other half... Well, not in a romatic sense though. Wala pa ring relasyon ang dalawa.

"Summer!" tinawag ako ni Andrei. Malaki ang ngiting tinawag ako kaya pumunta ako kung nasaan sila ngayon. Ako lang yata ang hindi busy sa aming magkakaibigan. Well, 6% pa lang ang progress ni kuya Rence sa pagpasok sa system ko at hindi ko naman na kailangan pang pigilan siya kaya umalis na lang ako dun. Napasok na niya ang lahat ng computer namin maliban lang sa mismong computer ko at yun ang pinapasok niya ngayon. Pwede ko naman siyang tulungan para bumilis pero kailangang maghanda ng mga kasamahan ko kaya huwag na lang. Aba! Maghirap sila ngayon. Hindi ako tutulong.

"Oh Andrei" bati ko sa kanya nang makalapit ako. "Hi Wisdom" bati ko sa bata. Tinignan lang ako at bumalik na naman sa paglalaro niya. Ganito rin kaya ang gagawin niya oras na makita niya ang tatay niya? Hahaha. Gusto ko nang matawa kapag iniisip ang magiging reaksyon ni Renzo kapag nalaman niyang nakuha ng anak niya ang ugali nila ni Autumn. Matutuwa kaya yun? Hahaha. Malamang na makakahanap ng katapat kay Wisdom yun. At, possessive pa naman si Wisdom pagdating sa mommy Autumn niya. Good luck na lang sayo kuya Renzo. Mukhang makakakumpetensya mo ang anak mong mana sayo.

"Bakit ba ang busy niyong lahat?" tanong niya sa akin nang makalapit na ako sa kanila. Naupo ako sa upuang nasa harapan niya at sabay naming pinanood si Wisdom na tutok sa hawak niyang tablet ngayon. Walang gaanong mga members ang nasa paligid dahil nasa loob ang karamihan at naghahanda. Hindi ko nga alam kung saan sila naghahanda eh at kung bakit kailangang maghanda eh magkikita lang naman ang Black Sovereign at Wisdom. Magkikita lang naman kaming lahat... Hindi ba dapat mga sarili namin ang inihahanda namin at hindi ang mga armas namin? Bakit parang pupunta naman kami sa giyera?

"Tanungin mo ang pinsan mo... Siya lang naman makaksagot diyan eh... Kung sasagutin ka niya" tinawanan ko siya nang ngumuso siya at kumunot ang noo niya. Mukhang nacu'curios na rin siya kung ano ang nangyayari sa amin ngayon. "Sumali ka na kasi sa amin. Matagal ka naman nang sinasabihan ni Autumn eh, bakit ba kasi ayaw mo pang sumama sa amin? As if naman may matino kang ginagawa sa buhay para hindi sumali sa amin. Naku Andrei! Don;t me. Dahil nagbubuhay prinsipe ka dito sa Pilipinas. Lalabas ng gabi tapos uuwi ng umaga na puno ng kiss marks ang katawan?"

"Hahaha! Ayoko nga! Sabi mo nga, buhay prinsipe ako ngayon kaya kung sasali ako sa inyo, baka hindi ko na magagawa ang mga nagagawa ko ngayon lalo na at sobrang bossy niyang boss niyo ngayon noh. Paniguradong ako palagi ang makikita ng taong yun. Nakakatakot pa naman yun. Ngayon pa nga lang na hindi ako kasali eh grabe na kung makautos. Paano na lang kung talagang kasali na ako sa grupo niyo? Eh di namatay matay na ako sa mga ipapagawa niya sa akin? Hah! I can't let that happen dahil maraming babae ang iiyak at magpapakamatay kapag namatay ako"

Natawa kami pareho sa sinabi niya. Tama naman siya eh. Ngayon pa nga lang bugbog na siya sa mga iniuutos sa kanya ni Autumn. Sa pagbabantay pa nga lang kay Wisdom eh napapgod siya na hindi ko naman alam kung bakit dahil wala ngang ginawa si Wisdom kundi matulog, kumain at tumotok lang sa tablet niya. Hindi siya yung makulit na bata na kailangang binabantayan at sinusundan. Uupo lang yan sa isang tabi at magpapakabusy sa kanyang tablet na either naglalaro ng kung ano o nanonood ng mga nursery rhymes na dinownload ni Autumn para sa kanya at matutunan niya.

"Pero... di nga... bakit ang buys niyo ngayon? Anong meron?" tanong ulit niya sa akin kaya napabuntong hininga na lamang ako. Well, there's no point in hiding it from him. Malalaman at malalaman rin naman niya yun eh. Ang hindi ko lang alam ay kung gusto ba ni Autumn na ipaalam na sa kanya kung ano ang nangyayari na at kung ano ang mangyayari pa? Pero, may karapatan naman siya, diba? "Come on, Summer. Alam kong meron, hindi ko naman matanong si Autumn dahil alam kong hindi niya sasabihin sa akin kaya ikaw ang tinatanong ko ngayon. So, ano nga?"

The Mafia Prince: The ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon