The Encounter

864 20 0
                                    

FALL’s POV

2 days na ang nakakaraan mula nung makuha namin at mapagtagpitagpi lahat ng puzzle pieces. At magmula nung araw na yun ay hindi na kami nakatulog ng maayos. Una, ang kinalaban naming grupo ay may pangalang Wisdom. Ang main controller nila ay si Summer, ang leader nila ay si Autumn. And their name... It was derived from Autumn’s son, Wisdom. Hindi pa man namin sila nakikita but we know that they’re introducing themselves by letting us look for them.

Ngayong nalaman ni kuya Renzo na may anak sila ni Autumn ay mas lumakas ang pagnanais nitong mahanap sila. He wanted to search the whole world just to find them. Kaya pala unti unting kumalas ang mga pamilya nila sa amin. Because they built their own group, but why? Ano bang plano nila? Are they planing for revenge? Yun ba ang dahilan kung bakit sila bumuo ng isang grupo singlakas ng Black Sovereign?

Oo, tinatanggap na naming kasinglakas namin sila. Why? Nasa kanila ang Butterworths. Nasa kanila ang twin mafia namin. But why? Galit pa rin ba sila sa ginawa namin? But, we only did that dahil masyado nang magulo ang lahat.

“Penny for your thoughts?” nagulat ako nang biglang tumabi si kuya Nathan sa akin. Nasa basement ako at mag – isang umiinom. Hindi pa rin kasi nag’sisink in sa akin ang lahat. Ang hirap tanggapin na ang mga kaibigan namin mga kakampi namin noon ay sila ngayon ang kumakalaban sa amin. We can’t judge them by now because knowing how tricky their leader is, hindi rin namin kayang mapanatag. Lalo na’t lumalakas ang kalaban namin.

“Never kong naimagine that I will be going against my friends... My sisters. Never na pumasok sa isip kong kalabanin sila, kuya Nathan. Kaya ang hirap... Ang hirap hirap”

“I know how you feel... Mahirap kalabanin ang asawa mo, ang taong mahal mo” of course. How can I forget na sa amin lahat ay siya ang pinakanahihirapan. Kinakalaban niya ang mismong asawa niya at ang pamilya ng mga kaibigan nila. “If only I can turn back time, I will. I will correct all my mistakes, baka sakaling hindi na sila umalis”

“We all committed our own mistakes kuya, hindi lang ikaw ang nagkamali. Mahirap lang sigurong tanggapin na kahit sabihin nating sila ang umalis sa grupo, sila pa rin ang mas matapang na hinarap ang kawalan ng wala tayo. I miss them so much” I said at inisang tagay ang tequilla na nasa shot glass ko. Malalasing na naman ako neto.

“I should’ve seen it... Napigilan ko pa sana. But I was blinded by hatred and anger. I was blinded by blood. All I wanted is to kill all the people responsible for my parents’ death.” I bit my lower lip. Guilt is consuming me. They’re not dead kuya Nathan. They’re not dead. I wanted to tell him that but I remained silent. “Mahirap lumaki na walang magulang” he added. Kumuha siya ng isang baso at nagsalin ng tequilla at sabay kaming umiinom.

“Kailan kaya natin sila makikita kuya?”

“Who knows?” he said then shrugged. “Autumn have the same fvcked up mind set as mine" sabi niya na ikinatawa ko. Oo nga noh, nagclash ang dalawang ma’pride na tao. Pero, bakit nga kaya hindi si ate Ry?

“Sa tingin mo kuya, paano kaya kung si ate Ry yung leader nila?”

“Then I will kill Autumn for torturing me. They have my weakness Fall. At oras na gamitin nila ang kahinaan ko, babagsak lahat ng pinaghirapan ko, that’s why I’m still thankful to your friend”

“Gago. Masaya kang hindi si Alex ang leader nila pero nagsasaya kang si Autumn ang boss nila?” natawa kaming pareho ni kuya Nathan nang tumabi sa amin si kuya Renzo at nagsalita. “Fvck! Kung sayo si Alex lang ang kahinaan mo, I have two! Damn that woman! She carried my child but never bothered to show up?”

“Tsss, as if naman mapipigilan mo si Autumn, Renzo” sabat naman ni kuya Rence na kadarating kasama si kuya L.A. Kaming apat ay nakaupo sa stool at si kuya Rence ang nasa bar na siyang nagbibigay sa amin ng gusto naming inumin.

The Mafia Prince: The ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon