The Introduction

824 23 1
                                    

ALEXANDRA’s POV

Naalimpungatan ako at nagising nang may marinig akong kalabog na nagmumula sa labas. My eyes stinged nang bigla kong ibinuka, only to see that the sun is already up at ako na lang ang tulog sa mundo. Tumingin ako sa orasan na nakasabit sa dingding at nakitang lagpas alas otso na pala ng umaga. Maya maya pa ay may narinig na naman akong kalabog kaya’t bumangon ako at walang kahila’hilamos kong binuksan ang pintuan at sumilip sa labas.

Nakita ko naman si Weather na hawak hawak ang kamay ni Wisdom na siya namang nagpapahila na nakatapis pa lamang ng tuwalya at halatang bagong ligo. Hawak naman ni Weather sa isang kamay niya ang kulay asul na maliit na bag na sa hula ko ay kay Wisdom.

“Wisdom baby... Parang awa mo na... Halika na oh. Patay ako sa nanay mo kapag naiwan ka”

“Anong nangyayari, Weather?” napatingin naman sa akin si Weather at ngumiti.

“Gising ka na pala ate Ry... Maligo at mag’ayos ka na. Kailangan nating pumunta ngayon sa head quarters dahil may problema”

“Huh? Bakit? Anong nangyari?”

“Mamaya ko na ipapaliwanag ate Ry. Pinapatawag na po kasi tayo ni Autumn. Maligo ka na po at ako na ang bahala kay Wisdom”

“Eh si Andrei? Wala ba siya?”

“Hay naku ate Ry. Mukhang may jetlag. Nagpaalam raw kanina kay Autumn ng hatinggabi na lalabas. Hanggang ngayon eh wala pa rin. Baka sa kama na po ng iba natulog yun”

“Ah ganun ba? Sige, bibilisan ko ang pagligo’

“Sige ate Ry... At makikipag’dwelo pa ako dito sa anak na masungit ni Autumn”

Tumango ako at pumasok na. Agad agad akong naligo at nag’ayos. Kung ganung may problema nga sa head quarters eh kailangan nga talaga naming pumunta dun as soon as possible. Pagkababa ko ay naabutan ko si Weather na binibihisan na si Wisdom kaya naman ako eh nagbalot ng pagkain. Hula ko ring hindi pa kumakain yang si Wisdom at mahirap na... Baka magsumbong sa ina niya at sabihing ginugutom namin siya.
Pagkatapos ay sumakay na kaming dalawa sa van. Ako ang mag’da’drive dahil hindi alam ni Weather mag’drive ng kotse. Ngunit, hindi ko nga pala alam kung saan ang HQ kaya si Weather ang nagmistulang guide. Samantala, si Wisdom ay inabala na ang sarili sa paglalaro ng kanyang tablet. Ayan, sungit mode na naman at hindi namamansin.

Maya maya pa ay nakarating na kami ng HQ. Walang kaabog abog kaming pumasok ni Weather kasama si Wisdom at nadatnan naming nagkakagulo ang Tech Dep sa pamumuno ni Summer. Agad namang nakita ng mga mata ko si Autumn pero mas mabilis si Wisdom dahil tumakbo siya sa ina niya at nagpakarga.

“Anong nangyayari, Autumn?”

“The mafia tried to infiltrate us”

“Ano? Eh paano na... Kumusta?”

“We’re good ate Ry. Summer’s going to shutdown and reset the system so we need enough force to prevent kuya Rence to enter the database, or else, we’re dead... good thing I always assign a group to stay here overnight and they were able to detect the hacker. Kaya nila ako tinawagan. Also, mabuti na lang rin pala at karamihan ay taga Tech Dep ang naiwan so they were able to block the entry giving summer enough time to arrive”

“Makakaya ba nila?”

“I’m sure they can. The reseting of the system will take up to 10 minutes pagkatapos ay magpapaosk ng bagong data si Summer para mabago natin ang data base... Which will last for 2 minutes so they need to fight against kuya Rence for 12 minutes”

“Bakit parang biglaan naman yata?”

“You don’t tell your enemies when to attack  ate Ry. And there is no such thing as schedules in the underground society. Aatake sila kung kailan nila gusto. Kaya mas mabuting maging handa sa anumang oras. Also, you need to get your enemies by surprise para hindi sila makapaghanda ng husto” tumango ako. Tama naman siya. Hayyy. Pagalitan ko nga yang Rence na yan oras na magkita kami!

The Mafia Prince: The ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon