The Truth Will Set You Free Part One

881 22 3
                                    

(a/n: Babala... asawa ni Babalu. 😁 May pagaka'SPG siya sa last 😂✌ tigang kasi sila. Hihi )

FALL’s POV

Maagang natapos ang labanan kanina because kuya Nathan and Autumn were able to deploy most of our men sa kung nasaan ang mga bumabaril sa amin. They were disguised as their allies kaya madali nilang napatay ang mga ito leaving 5 of them alive for our information. Tanging mga galos lamang ang nakuha ng side namin and they’re being treated in Wisdom’s Medical Department that’s headed by ate Ry. Nakakalula ang laki at lawak ng Head Quarters nila. Para itong isang resort. Dito nila kami dinala after the shoot out para magamot ang mga kasamahan naming nasugatan kanina.

Nasa Headmast’ers room, well yun ang tawag nila dito, kami ngayon at may isa sa mga tauhan nila Autumn ang nangagamot sa mga sugat namin. Hindi naman ako napuruhan but kuya L.A, kuya Rence and some members of the Wolves got some wounds. It’s nothing serious but they still need treatment to prevent infection. Nakaupo kami sa isang side habang nasa isag side rin sila Autumn. Kasama yung lalaking nandun rin kanina. Habang si Wisdom, ayun, naglalaro pa rin ng tablet niya. Mag’aalas dos na ng madaling araw ah. Hindi pa ba inaantok yang batang yan? Maalam nang magpuyat ah.

Mukhang napansin naman ni Autumn na parang wala pang balak matulog ang anak niya kaya kinuha niya ang tablet. Akala ko ay iiyak si Wisdom pero nginitian lang niya ang mama niya at pilit na inabot ang tablet. Naiiling namang binuhat ni Autumn si Wisdom. Napatingin ako kay kuya Renzo at ang kanyang mga mata ay na kila Autumn lamang. Ano kaya ang nararamadaman niya ngayon? I mean, nakikita na niya ngayon ang kanyang mag’ina. Autumn and Wisdom is physically in front of him now, I mean, he must be happy, right? Kahit magulo ang sitwasyon, he must be happy.

“You need to sleep, Wisdom. You can play with it tomorrow” sabi ni Autumn sa anak niyang halatang nagpapa’cute sa ina. “Don’t give me that look. Talagang alam mo ang kahinaan ko” nakangiting wika ni Autumn dito.

“M-mama” nakangiting sabi naman ni Wisdom na nakapagpangiti sa akin. Mula kasi kanina eh hindi ko pa naririnig na magsalita si Wisdom o umiyak man lang. Pati ang boses niya eh ang cute cute.

“Oo nga naman pamangkin... Late na oh. Tulog ka muna tapos bukas eh sasamahan kitang maglaro ng kung anuman ang nilalaro mo” nakangiti sabi naman ni kuya Rence.

“Ikaw talaga bro, uunahan mo pa si Renzo sa anak niya. Huwag kang epal” natawa kami sa sinabi ni kuya L.A pero nagulat kami sa ginawa ni Wisdom. Tinuro niya gamit ang maliit na index finger niya si kuya Renzo. I know... Alam kong si kuya Renzo ang tinuturo niya.

“P-p-papa” gosh. Naiiyak ako. Nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. Nakita ko namang nakangiti rin ang mga kaibigan ko. Ngumiti si Autumn sa anak niya tapos ay tinignan si kuya Renzo na ngayon ay alam kong naiiyak na dahil sa nakikita niya sa kanyang harapang ngayon.

“You need to sleep now, baby” napatayo si kuya Renzo nang iabot ni Autumn si Wisdom sa lalaking hanggang ngayon eh hindi pa rin namin kilala. “Andrei, iuwi mo na si Wisdom... and make sure not to leave his side. Gigisingin na lang kita kapag nakauwi na kami” what? Head quarters lang talaga nila ito? Hindi sila dito nakatira.

“Sige. Tawagan niyo na lang ako” akmang aalis na yung tinawag ni Autumn na Andrei nang magsalita si kuya Renzo.

“Autumn...” tawag niya dito. Napatingin si Autumn sa kanya at napabuntong – hininga.

“He needs to sleep, Lorenzo. May bukas pa naman” sabi ni Autumn and signaled that Andrei guy to leave. Nang makalabas na sila eh umupo ulit si Autumn at inilagay ang tablet ni Wisodm sa bag ni Weather.

“Who is he?” tanong ni kuya Renzo kay Autumn, pertaining to the guy who just left.

“Chill ka lang kuya Renzo. He’s Andrei Romano Lancaster, Autumn’s cousin” nakangiwing wika ni Summer. “Sa kanya kami nanirahan noon”  dagdag pa niya. Ah. Pero, wala silang pagkakahawig.

The Mafia Prince: The ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon