Alexander Lancaster

339 8 6
                                    

Although sinabi na sa akin ni Nathaniel na huwag akong mag-alala para kay Autumn, hindi ko mapigilang hindi mapaisip kung ano ang nangyayari sa kanya ngayon sa puder ng kanyang mga magulang. Kanina pa ako dito sa labas ng mansion ng mga Lancaster at hindi ko alam kung papasok ako o hindi. Hindi ko rin alam kung may tao sa loob o wala. It looks like it's already abandoned or so I thought. At dahil nandito na rin naman ako, itutuloy ko na lang ito. I already sent text messages to few people na pwede akong tulungan sakaling mabulilyaso. I also readied my gun in case of an unexpected encounter.

Sinipat sipat ko ang paligid bago ako bumaba mula sa sasakyan. Malayo pa lang ako mula sa pinto ng mansion ay ramdam ko na ang kakaibang aura sa paligid. I couldn't pinpoint why pero sigurado akong walang tao ngayon dito. Minsan lang ako magawi dito pero yung kaba at tension ay parang nung unang punta ko rin dito. Tahimik ang paligid at kahit huni ng ibon ay wala kang maririnig kahit na napakaraming puno sa likod ng bahay nila Autumn. Naalala kong dun sa masukal na kakahuyan rin namin siya nakita noon ni Nathaniel.

Una kong nilibot ang first floor at nang wala akong nakitang kakaiba ay gumawi ako sa itaas. Puro mga kwarto lamang nag mga nandito at nagawi naman agad ako sa kwarto ni Autumn. Isang simpleng kwarto lang na may mga gadgets pero kapag hindi mo hahalughuging mabuti ay hindi mo makikita ang mga baril na nakatago sa bawat parte ng kwarto. May mga magazine din akong nakita pero ang tanging wala lang dito ay ang gintong baril niya na lagi niyang dala. It's her favourite gun after all.

May isang safebox din akong nakita na puno ng mgapassport at mga credit cards. She must've been using this for her missions kapag kailangan niyang baguhin ang identity niya. May mga ilang resibo rin pero wala namang kakaiba. I wonder if she loves writing pero mukhang hindi. Sa isang aparador na gawa sa glass ay nakadisplay ang mga naging cellphone niya mula sa pinakaluma hanggang sa pinakalatest na phone. She values her things. At nang wala na akong makitang kakaiba ay umalis na ako dun at nagawi sa isa pang kwarto which happens to be her mom and dad's room.

Pagpasok ko pa lang ay may kakaibang naramdaman na agad ako. May nakabibinging katahimikan sa paligid. Iginala ko ang paningin ko sa paligid at hindi nakaligtas sa akin ang mga basyo ng bala na nagkalat sa sahig malapit sa kama. May isang parte rin ng ding ding ang puno ng tama ng baril. Mukhang napagpraktisan nilang barilin ang parteng ito kaya tadtad ng bala. Halos wala rin akong makitang kakaiba dito sa kwarto ito maliban sa iilang basyo ng baril at mga papel na nagkalat s apaligid. It also looked like matagal nang walang pumapasok dito kaya ibig sabihin lang nun, hindi nagawi dito ang mga magulang ni Autumn.

At dahil wala akong makitang makakatulong sa akin s aloob ng bahay ng mga Lancaster, nagdesisyon akong tignan ang likurang bahagi ng lupa nila kung nasaan ang kakahuyan. I always wonder why there is a small forest behind there mansion because nasa siang subdivision sila so this is odd. Medyo matatayog rin ang mga puno ngunit wala kang maririnig na huni ng ibon o mga insekto sa paligid. Tila ba takot silang dumapo dito. Inalala ko ang daan kung saan ko nakita si Autumn noon and I remember reaching a huge wall.

At dahil pakiramdam ko ay mag-isa lang naman akong nandito, nangahas akong pasukin ang gubat ngunit naging maingat pa rin ako s amga kilos ko dahil kug anuman ang makikita ko rito ay maaaring makatulong o makasira sa akin.

Tahimik lang akong naglalakad upang hindi makabulabog nang may masagi akong isang bote ng whiskey. Hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy sa paglalakad nang may makita ulit akong bote ng whiskey. Bakit nagkalat ang mga bote ng inumin dito? This is also one of Autumn's favourite drinks - whiskey. Hindi ko na lang ulit pinansin yun at nagpatuloy ulit sa paglalakad hanggang sa may makita akong isang pinto na tinatago ng mga lumot at baging. Dali dali kong tinungo yun at binuksan and a cold wind passed by me. May hagdan pababa na agad kong tinungo and I then realized that this is a cellar. Malamig ang loob at maraming mga inumin ang nandito. Ngayon ko lang nalaman na may ganito pala sila dito but what makes it weird is that, wala namang mga bote ng whiskey dito. Puro wine lang ang narito.

The Mafia Prince: The ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon