Katarina Madrigal's Comeback

850 21 8
                                    

SUMMER's POV

"Ano bang nangyari?" maraming katanungan ang bumabalot sa amin ngayon na hindi namin kayang sagutin isa isa. Lahat sila ay konektado ngunit kahit ni isang sagot man lang ay wala kaming makita. Ano ba kasi talaga ang totoo? Ano ba ang nangyayari ngayon? Bakit mas lalong gumugulo?

Napatinign ako kay ate Ry na hindi pa rin nagsasalita at nakatulala lamang kay Autumn. Maayos na ang lagay ni Autumn... Mabuti na lang at hindi mataas ng uri ng baril ang nagamit sa kanya kaya hindi masyado napenetrate ng bala ang dibdib niya. Nagpapahinga na lang muna siya. As for Wisdom, na kay Andrei muna siya who rushed in as soon as he heard about what happened. He even said that he ditched his date para lang kay Autumn. Tsss. Rason pa ng gago.

Mula nang maibalik ni kuya Nathan si ate Ry ay ganyan na siya. Nagwala siya kanina at umiiyak at hinahanap si Autumn, she said that only Autumn can understand what she feels kaya ayan. Hindi niya kami kinakausap at tanging kay Autumn lang siya nakatingin. Hawak rin ni ate Ry ang isang kamay ni Autumn at kanina pa niya sinasabihang magising na.

"It was Katarina... Siya yung nakaharap ni Ms. Alex kanina. Narinig namaing lahat ni Summer ang usapan nila... Ewan, basta yun yung narinig namin" sagot ni kuya Rence.

"Teka nga... paano napunta si Katarina sa eksena? I mean, yes, she's not dead yet but as far as my memory is concerned, that fake Autumn is working for someone else at hindi sa White Serpents" sabi naman ni Winter na ikinatango ng iba.

"Basta ang narinig namin is that after we found out that she took Fall's place, she undergone a massive plastic surgery to bring back her face but they failed... Hindi na bumalik pa ang dati niyang mukha. And, she also found out na may pagkakahawig sila nung kaibigan ng kapatid niya mula high school, so she killed the real Shireen at nagpanggap siya bilang kaibigan ng kapatid niya. Well, obviously, mukhang matagal na niyang sinusundan ang kapatid niya" sagot ko.

"Teka... If Shireen is Katarina... then, bakit si kuya Renzo ang nilalapitan niya at hindi si kuya Nathan?" tanong naman ni Fall.

"To get revenge... Hindi pa niya naipaghihigante ang pagkamatay ng kapatid niya kaya malamang, naghihigante siya"

"But... I mean... Uhm... Ugh! Is that the reason why ate Ry's acting this way?"

"Siguro... I mean, it was such a long time mula nung huli niyang nakaharap si Katarina at ibang image pa ni Katarina ang nakita niya... Kaya, it might've stirred some emotions inside. Sana nga lang ay magising na si Autumn dahil ayoko nang makita ulit yung ate Ry na pinilit naming iahon" sagot ko at napatingin kaming lahat kay ate Ry na tahimik pa rin. Parang wala kami sa paligid niya.

"Pero guys... Sino si Miss M?" tanong ni Weather kaya napatingin kami ulit sa kanya. OO nga noh? Aside from what we heard awhile back, narinig din namin na binanggit ni Katarina kanina ang mga salitang Miss M.

"Magkaiba ba ang boss nilang magkapatid? I mean diba, Katarina's working under Smith while Kristina is working under Miss M?" tanong naman ni Fall.

"Moreover, alam ba ni Kristina na ang kapatid niya ang nakakasama niya?" dagdag ni Weather pero umiling ako.

"I doubt that... Nung nabanggit ni Autumn ang mga kapatid niya ay nagalit siya. Even at ate Ry who told her that buhay pa si Katarina. Kaya malabo ring iisa ang pinagtatrabahuan nila" sagot ko.

"If that's the case then, who is this Miss M? Kilala na natin si Smith pero itong bagong dating ang gusto kong malaman kung sino" sabi naman ni Winter.

"Teka nga... Asaan na ba kasi si kuya Renzo at kuya Nathan?" tanong ni Weather.

"Ewan. Si kuya Nathan, nagpaiwan kanina sa office. Si kuya Renzo naman eh umalis din pagkatapo namin dalhin si Autumn dito" sagot ni Fall. Mukhang maghihintay kami hanggang sa magising si Autumn dahil mukhang wala rin namng balak magsalita si ate ry tungkol sa anong nangyari eh.

The Mafia Prince: The ResetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon