Day 1
Maaga akong kinatok sa kwarto ni Alexus. May pupuntahan daw kami para sa first day ng month long whatever na ito. Natawa naman ako sa tawag namin sa gagawin namin. It's month long though but with different trips? Basta magkasama kami ng isang buwan. Yun na yon.
Naghilamos ako ng maayos at naligo. My eyes were puffy because I cried till I fell asleep. Hindi ko na ma-imagine ang pag-aalala sakin ni Zero. Kulang nalang lumipad dito sa France at puntahan ako nang maikuwento ko sa kanya ang nangyari samin ni Raven.
Akala ko ako lang ang iiyak kagabi. Siya din pala. At masama ang pakiramdam ko dahil wala ako sa tabi niya ngayong namatay ang kanyang daddy. Nasa Greece siya at burol ng ama nito. I want to visit him but I need to talk to Alexus first para makapagpaalam. After all, I still owe him a month.
Binalot ko ng robe ang katawan ko. Susuotin ko nalang ulit ang dress na suot ko kagabi. Sasabihin ko nalang kay Alexus na kukunin ko muna ang mga gamit ko sa apartment bago kami pumunta kung saan man kami pupunta.
Pagkalabas ko ng banyo ay may nakita akong paperbag sa ibabaw ng kama ko. I guess he bought me clothes again. Galing ulit sa isang sikat na brand ng clothing line ang tatak ng paper bag. There's a sticky note attached. I smiled when I find his writing so clean and beautiful.
For a man? Ang ganda ng handwriting. My lips tug for an even wider smile when I read the note.
Morning glow comes lightly
And the sun shining so brightly
Come to the kitchen and meet me
A simple cover for the pretty lady- Alex
I didn't know Alexus have this kind of... poetic side? For a playboy (based on rumors) like him, this is pretty romantic, I must say.
Umiling nalang ako sa naiisip. Kinuha ko ang laman ng paper bag. May three-fourths plain white shirt, set of undies, and faded jeans. Sa pinaka ilalim ng paper bag ay may box.
I curiously grabbed the box. Medyo may kalakihan iyon at halos ito ang sumakop ng buong paper bag. I opened it and saw a pair of black boots. My mouth went open when I realized that this clothes has something to do with what we're going to do today.
I smell adventure, I think?
Sinuot ko na ang mga damit at nagpatuyo ng buhok. Kumpleto ang gamit dito sa kwarto na ito kahit pa siya lang ang nakatira dito. I wonder where's his men are. Alam kong marami siyang tauhan katulad ng mga Moretti. Nakapagtataka lang na sa laki ng bahay niya, siya lang mag-isa ang nakatira rito. I wonder why?
I wore the clothes as well as the boots. I wonder how did he get all these clothes in my right sizes. Nai-imagine ko palang na alam niya ang sukat ng boobs at... ano ko, tumatayo na ang balahibo ko. What am I thinking?
Nang matapos ako mag-ayos ay lumabas na ako bitbit ang purse at phone ko. Tinahak ko ang mahabang pasilyo at ang hagdan pababa. Hindi ko mapigilang humanga sa ganda ng disenyo ng malaking chandelier. Gold, silver, and diamonds complimented the wide area.
I smelled something from the kitchen. Naabutan kong nagluluto si Alexus. My eyes instantly traveled on his outfit. We have the same shirt, jeans, and boots. If we're a couple, aakalain kong naka couple-shirt kami pareho.
"Good morning." Bati ko.
Humarap naman siya sakin habang hawak-hawak ang spatula.
"Morning. Breakfast?" He smiled and continue cooking.
Natawa naman ako sa itsura niya. Para siyang ewan na masaya habang nagluluto. Bukod sa playful vibe niya ay nakikita kong may pagka childish din siya. Why? Bahagya kasing kumekembot-kembot ang bewang niya at sumasabay sa tugog mula sa phone niya na nasa lamesa.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Little Secret | RBS 2
Romance2021 Wattys Awards Shortlist Ruthless Billionaire Series 2: "I've searched for freedom... but I found you instead." The undying desire for freedom drove Aria to fly to Paris, France to meet her long time secret boyfriend. The city that supposed to b...