Chapter 19

4.4K 133 2
                                    

DAY 17

ARIA

Mabilis na lumipas ulit ang mga araw. Hindi ko na napansin ang mabilis na ikot ng oras dahil sa sobrang saya na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw.

Ilang beses ulit kaming nangabayo ni Alexus patungo sa sapa. Pinakita niya rin ang iba pa niyang mga kabayo at lahat iyon ay may kanya-kanyang pangalan.

If I could recall it right, it was Rex, Gibson, LD, Monica, Zoro, Hector, Pio, and Rios. Dom and Gabriella are the most tame among them.

Natakot pa ako noon dahil nagwala si Hector at si LD nang makita ako. Sabi ni Alexus ay ganoon daw ang mga iyon pag nakakakita ng bagong mukha sa loob ng kuwadra. Kaya naman nang mga sumunod na araw ay hindi ko na pinilit pang makita ang iba pang mga kabayo.

I'm okay with Dom and Gabriella.

"Where are we going?" Tanong ko kay Alexus na nagmamaneho.

Gabi na at niyaya niya akong magdinner sa labas dahil tinatamad daw siyang magluto. Nag-alok nga ako na ako na lang magluto since kaya ko naman ng iilang Italian dishes pero tumanggi siya.

He wants to take me out. Hindi daw kasi ako nakakalabas.

If only he knew, hindi talaga ako pala-labas ng bahay noon pa man sa mga Moretti.

"You'll see. But first, we need to visit Archius Designs." He said then moved the console. Nasa Porche niya kami ngayon at binabaybay ang daan patungong siyudad.

"What's Archius Designs?" I asked. Wala naman kasi kaming mapag-usapan kaya tinanong ko na lang siya.

I fixed the hem of my navy blue dress. Ankle length iyon and off shoulder ang manggas nito. Fitted sa upper body ko ang dress at flowy naman mula sa bewang ko pababa.

Alexus wore a navy blue button-down shirt and gray trousers. Nagmukha tuloy kaming nag-usap ng sussuotin. Pero ang toto, coincidence lang na nagkaterno kami ng kulay. Natawa pa kami pareho nang sabay kaming lumabas kanina ng kaniya-kaniyang kwarto.

"It's my architecture firm. Aside from the MAPS, I also handle my very own company." He said so casually.

May architecture firm pa pala siya? Akala ko ang shipping line lang nila ang hina-handle niya. He really did pursue his dream of being an architect. But...

"What did your father say about that? Didn't you tell me he got angry at you when you took the course?" I asked.

"Well, at first he did got angry when he got to learn that I'm building my own company. But I proved him I can handle both A.D and MAPS. Alrius is helped me. He's also an architect in my firm." He shrugged.

"Good thing your brother helped you. Kamusta naman pala siya?"

All I know is rebelde ang kuya nito. Buti naman pala at tinutulungan parin siya sa business nito. Talagang ayaw lang siguro ng responsibilidad kaya si Alexus ang naghandle ng MAPS.

"Alrius does what Alrius does. Still a rebel to my father." Nabahiran ng emosyon ang boses niya.

Hindi na lang ako nag salita pa ulit. Baka kung saan pa humantong ang usapan. I don't want to see him sad again. Pag tungkol talaga sa pamilya niya, lumalabas ang iba't-ibang emosyon sa kanya.

"Mind if I..." Tanong ko sa kanya at tinuro ang flat screen monitor na nasa interior ng Porsche.

"You can use my phone if you want to listen for music. I haven't installed some there."

He grabbed his phone from his pockets. Seryoso ba siya? Hindi ba't privacy ang phone? Well, I have music on my playlist but I don't think he's the kind of man that listens to my kind of genre. His playlists should be the boyish style, judging by his looks. I shrugged...

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon