Day 5
ARIA
Mabilis lumipas ang mga araw na nandito ako sa bahay ni Alexus. Wala akong masyadong ginawa kundi ang magkulong sa kwarto at magbasa ng libro. Lagi kasing wala si Alexus at kadalasan ay gabi na umuuwi.
Tinawagan ko kanina si Zero para kamustahin siya. Maayos na daw ang lagay niya pero si Veronica ay hindi. Nagkaroon daw ito ng sunod-sunod na panic attacks. Nag-aalala ako sa kanila at gustuhin ko mang lumipad patungong Greece, hindi ko magawa dahil hindi ko makausap ng maayos si Alexus.
Ilang araw na akong bothered dahil parang may problema siya. Gustohin ko mang tanungin, hindi ko nalang ginawa dahil hindi ko na iyon concern. I know when to keep my nose off. If he wants to open up, I'll listen. If he don't, I'll keep my own business.
"Hello po kuya John." Bati ko sa medyo may katandaan nang caretaker ni Gabriella. Pumunta ako sa kuwadra para sana makita ulit ang kabayo at...
"Magandang umaga, miss. Si Gabriella ba ang hanap mo?" Nakangiting tanong sakin ni kuya John habang nagdidilig ng mga halaman sa labas ng kuwadra. Tumango ako at bahagyang sinilip ang malaking kuwadra.
"Pinaliliguan pa siya ni Dino." Aniya.
Nalungkot naman ako sa sinabi. Magpapaturo pa naman sana ako kung paano sumakay ng kabayo.
"Ahhh ganoon po ba? Sige po babalik na lang po ulit ako mamaya pag tapos na."
Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni kuya John.
"Gusto mo bang matuto sumakay ng kabayo?" Tanong niya. Parang nagkislapan ang mga mata kong lumingon kay kuya John at sunod-sunod na tumango.
"Pwede po ba?"
"Oo naman. Pero ayos lang ba sayo kung si Dom ang kabayo mo?"
"Dom?"
Tumango siya. "Iyon ang paboritong kabayo ni senyorito. Freedom o Dom ang pinangalan niya sa kabayo dahil ang sabi niya noon sakin, para daw siyang ibon na nakawala sa hawla sa tuwing sinasakyan niya si Freedom."
Kahit sa kabayo, kalayaan parin ang hangad niya. Nalulungkot naman ako para kay Alexus. Kung ano man ang pinagdadaanan niya, malalagpasan niya rin iyon. Wala namang problema sa buhay na permanente. Lahat nagbabago. Lahat ay aalis.
"Kukunin ko lang si Dom at lalagyan ng mga gears. Ayos lang ba sa iyo, miss, na maghintay rito?" Sabi ni kuya John.
"Opo. Pasensya na rin po sa abala. Wala po kasi akong magawa roon sa loob kaya nagpasya na lang akong bumisita sa kuwadra." Nahihiyang sabi ko. Mukha talagang naistorbo ko si kuya John sa trabaho niya. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung itutuloy ko pa ang magpaturo kung paano mangabayo.
Tumawa si kuya John at pinatay ang gripo. Inikot niya ang hose at sinabit sa gilid ng kuwadra.
"Wala iyon, miss. Saglit lang ha? Hihingi lang ako ng alalay kay Berto para mailabas si Dom."
Umalis si kuya John at pumasok sa kwadra. Napakalaki noon at tamang-tama lang siguro sa sampung kabayo at ang mga lagayan ng iba't-ibang gears na ginagamit nila. Naroon narin siguro ang lagayan ng mga pagkain ng mga kabayo. Sayang lamang at hindi si Gabriella ang makikita ko. Pero okay na rin na ang kabayo ni Alexus ang makikilala ko ngayon. I don't know, I just feel like knowing things about Alexus.
Nabaling sa fountain ang atensyon ko nang pumarada ang Porche ni Alexus. Napatingin naman siya sa direksyon ko. Agad na kinawayan ko siya para magsabing narito ako sa kuwadra. Nagtataka akong umaga pa lang ay nakauwi na siya. Madaling araw palang kasi umaalis na siya tapos makakabalik siya gabi na kaya nakakapagtakang nandito na siya agad.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Little Secret | RBS 2
Romance2021 Wattys Awards Shortlist Ruthless Billionaire Series 2: "I've searched for freedom... but I found you instead." The undying desire for freedom drove Aria to fly to Paris, France to meet her long time secret boyfriend. The city that supposed to b...