Chapter 34

3.7K 115 3
                                    

ARIA

ALEXUS being true to his words, nag-impake na kami kinagabihan din ng araw na iyon. The next day, I almost cried saying goodbye to Zero. Hindi man lang ako nakabawi. Wala pang ilang araw ay aalis agad ako.

"Take care always for me," he whispered while hugging me. I nodded.

Kumalas siya at pinitik ang noo ko nang makita ang nagbabadya kong luha na tumulo. He sighed when a tear escaped my eyes.

"Fuck! I hate it when you cry. Such a crybaby. You never changed, sweetheart," he cursed while wiping my tear.

Pinalo ko siya sa dibdib. Nang-aasar pa! Tinawanan lang ako ng loko at muling malungkot na tinitigan ako. Zero's eyes grew more intense. Napaiwas ako ng tingin.

I waved my hand to the four handsome men: Rafaelle, Zero, Farrei, and Rhyx habang pumapasok sa SUV na hinanda samin ng mga tauhan ni Alex.

"I'm sorry. Alam kong pumayag akong manatili tayo dito but things... get complicated," sabi ni Alexus nang tuluyan na akong makapasok sa passenger seat.

Napabuntong hininga na lang ako at nakakaunawang ginawaran siya ng ngiti.

"It's okay. Hayaan na natin iyon. Kung ano man ang mga bagay na... komplikadong iyan... gusto ko lang sabihin sayo na... y-you can talk to me about it. I-I'm all ears."

Something flashed in his eyes when I eyed him intensely. Agad siyang nag-iwas ng tingin at sinimulan nang mag maneho patungong tarmac.

Tahimik na napailing na lang ako. I can sense that he's not telling me something. Kahit gaano ko pa gustohing malaman iyon, hindi ko ugali ang mamilit ng tao na sabihin sa'kin ang nais kong malaman.

"Alex," I called him while staring at the view quickly passing the window.

Hindi siya sumagot kaya naman ay binalik ko ang tingin sa kanya. Napansin ko ang iilang pagpapakawala niya ng buntong-hininga habang mahigpit ang pagkakahawak sa manibela.

His aura is screaming with darkness. Pakiramdam ko any moment ay sasabog siya. Para akong nasa isang open field na may mga land mines sa ilalim ng lupa. Isang maling tapak ko lang ay sasabog. Kaya naman hindi ko na siya ginambala pa.

I watched his side mirror. Nawili akong panoorin ang mga sasakyang nalalagpasan namin. Nakasunod naman samin ang isang SUV, marahil ay ang mga bodyguards niya.

The morning sun is shining from the clouds. Hindi gaanong maliwanag dahil natatakpan iyon ng ilang malalaking ulap. I suddenly remembered my parents and also Zero's. Nakalulungkot parin na hindi ko na nagawang makabawi sa kanya. The sadness in his eyes was very visible when I waved at him. At ngayong umalis na kami ni Alexus, mas lalo akong nalungkot.

I was being unfair to him.

My thoughts were interrupted when Alexus's phone rang. Napabaling ako sa katabi ko. He fetched his phone from his pocket and answered the call. Nakita kong ni loud speak niya iyon at nilapag malapit sa gear stick.

"Yes?" he said.

I read the name flashed in his screen. It says 'Andrew'.

"Sir! Your car is being followed,"a baritone voice echoed from the speaker.

Nangunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinabi ng lalaki. Being followed?

"Any clues?" Alexus answered darkly. Followed by few curses.

"Anong nangyayari?" tanong ko nang mapansing bumilis ang takbo ng aming sasakyan.

"Anonymous, sir. Three black riders. We're tailing behind them. We can't pass the vehicles in front,"

The Billionaire's Little Secret | RBS 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon