Chapter 25

333 52 0
                                    

CASELINE

Umakyat na kami ni Jaden sa second floor dahil andun yung bookstore. Excited na ako sa mga bagong labas na libro, gustong gusto ko na mag basa.

"Jaden? Dito ako ikaw saan ka?" Tanong ko.

"Sige mag basa ka lang diyan, titingin tingin nalang ako kung may gusto din akong basahin dito"  sabi niya.

"Sige, pag nagutom ka na sabihan mo lang ako kakain na tayo"  sabi ko.


Pumunta na ako sa stall kung saan ang mga librong andun ay puro tungkol sa romance, tumingin tingin ako baka kasi may magustuhan ako.
Habang nag lalakad ako may naka pukaw pansin sa may gilid ko, nadaanan ko ito at talaga namang book cover palang maganda na.

Tiningnan ko ito.

"How to know if a guy likes you"  mahina kong sabi.

Umupo ako sa may isang gilid para mag basa, natipuhan kong basahin itong libro na ito, pero hindi ko din alam ang dahilan kung bakit.






JADEN POV

Nakaakyat na nga kami ng second floor at pumasok sa bookstore, habang si Caseline ay nag babasa ako naman itong hindi mapakali dahil don sa babae sa grocery kanina.

Nag ooverthink ako, feeling ko nasisiraan na ako ng bait.

Pumunta ako sa isang gilid at sakto naman naka hanap ako ng mauupuan, umupo ako at kinuha ang cellphone ko, inopen ko ang facebook account ko at ang dami kong nakikitang bash padin kay Caseline.

Medyo, naiirita na ako kaya in off ko nalang. Tumayo ako naisipan kong puntahan at samahan nalang si Caseline.

Nung nag lalakad na ako papunta sa kanya may nakita akong dalawang babae na mukhang papunta din kung saan naka pwesto si Caseline. May dala dala silang spray paint, nag taka ako bakit kaya sila may dalang ganon.

Nag madali ako para sundan yung dalawang babaeng kahina hinala. Sa kakasunod ko sa kanila napansin ko na may pinag bubulungan silang dalawa, at yung isang babae naman ay tinuturo si Caseline.

Pumasok sa isip ko na "sh*t mukhang masama tong mang yayari"  kaya naman nag madali na ako pumunta sa pwesto kung nasaan si Caseline.

Sakto naman, pag punta ko don nakita ko yung isang babae na itinututok na ang spray paint kay Caseline,
Ito namang babaita na ito, walang ka malay malay tuloy padin sa pag babasa ng libro.

Nung mukhang iispray na, tumakbo ako papunta kay Caseline at hinatak ko siya.

"Jaden? Ano ba?"  Pag tatakang tanong niya.

Ako naman itong hinawakan ang kamay niya at nilagay siya sa likod ko.

"Kala ninyo hindi ko kayo mapapansin? Bakit ninyo ginagawa yan kay Caseline ha?! "  pasigaw kong sabi.

"Eh ang pangit ng babaeng yan eh iwww duhh!"  Sabi ng isang babae.

"Well, bakit mo ba pinag tatangol yang si Caseline eh hindi nga kayo bagay"  sabi pa nung isang babae.

"Huh? Teka teka! Bakit ano ba nangyayari dito?"  Nag tatakang tanong ni Caseline.

"Hoy! Ikaw babae ka! Hindi ka bagay dyan sa lalaking kasama mo ngayon! Saka ang landi mo mang aagaw ka noh!"  Sabi nung isang babae.

"Haaa? Anong mang aagaw? Hindi ko maintindihan mga nangyayari!"  Nag tataka paring tanong ni Caseline.

"Una sa lahat wala kayong karapatan saktan si Caseline naiintindihan ninyo!"  Pa sigaw kong sabi sa kanila.

My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon