Chapter 5

52 18 8
                                    

Chapter 5

Tahimik akong nakikinig sa Math teacher namin kahit hindi ko maintindihan. Bakit sa lahat ng pwede gawing first subject sa umaga, ang Math pa?

Hinihilot ko ang sentido habang nakikinig sa teacher. Kimberly, my friend who's sitting on the chair in front of me, is trying to distract me. Same to Nella, Karylle and Ayeezah. Ngayon lang daw nila ako nakitang nag seryoso sa pakikinig sa Math teacher namin.

It's not the first time, though. Nakikinig ako nang maigi sa tuwing nahihirapan ako at hindi ko maintindihan. I chose not to be bothered pero kahit nakikinig ako, wala pa rin.

Mrs. Sevilla is our Math teacher and adviser. She is very passionate to her job and very good at teaching. Siya yung teacher na magiging dahilan kung bakit mo maiintindihan at mamahalin ang Math.

But this lesson hits different. It seems like I'm going to struggle with this one. I knew from the start na nasa akin ang problema. Wala kay Mrs. Sevilla o kanino pa man.

Nagkaroon ng board work at nag-uunahan lang sina Jay, Haresh, at Emelyn sa pagso-solve. Sila ang top 3 and it's the usual.

Napabuntong-hininga na lang ako. Maging si Karylle na biniyayaan ng katalinuhan sa Math, wala ring naintindihan sa pinagsasabi kanina ni ma'am Sevilla.

Mrs. Sevilla gave us a problem. Hindi ko man alam kung paano ito i-solve, I'm pretty sure that it's harder than the other problems she gave.

"If you want to answer, you can freely answer this problem on the board. Whoever can give the right answer, he or she will be exempted from board works for the whole quarter," she said confidently, na para bang kaya naming sagutan ang problem na iyon with just a snap.

Kung alam ko lang kung paano ito sagutan, tumakbo na siguro ako sa chalkboard para mag-solve. But it wouldn't be that easy. Ni wala nga akong naintindihan kanina.

Tinitingnan ko sina Jay, Haresh at Emelyn. Binabantayan ko sila kung sino ang magkakaroon ng lakas ng loob para i-solve ang problem na iyon.

I am rooting for Jay though. Siya ang top 1 at siya rin ang may highest general average sa Mathematics simula elementary. Siya rin ang pambato ng region namin, so why not?

I copied the problem on my scratch paper at kunwari ay nagso-solve dahil napapansin kong tinitingnan ako ng guro.

I made some scribbles dahil hindi ko naman talaga alam kung paano ito sagutan. Hindi na ako tumingin sa chalkboard para hindi magtagpo ang mata naming dalawa.

Nang marinig kong may nagsusulat sa chalkboard ay dahan-dahan kong iniangat ang aking ulo. I am totally guessing that Jay did that noise.

But then, it's not Jay. It's not Haresh nor Emelyn.

Mrs. Sevilla checked the answers. Nilalagyan niya ng marka sa tuwing tama at nasa procedure ang solutions. Then she marked a big check on the answer of the whole solution.

"Buenafuente got the right answer. Therefore, he will be exempted from our board works for the whole quarter," Mrs. Sevilla declared.

The whole classroom became silent. Dahil ba sa hindi nila inasahan na may makakasagot noon o dahil sa hindi nila inasahan na si Quinn ang makakasagot noon? Well, I don't know.

"Quinn Austin Buenafuente, congratulations." Mas malawak ang ngiti ni ma'am ngayon kumpara sa ngiti niya kanina.

"Anyway, we're running out of time. Goodbye class!"

Dahan-dahan kaming tumayo at nagbigay-galang sa aming adviser.

"Goodbye and thank you, Mrs. Sevilla! See you this Wednesday."

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon