Chapter 23

32 9 6
                                    

Chapter 23

Matapos noon ay marami pa akong nakikitang babae na nakakasama niya.

I am not against it. I am more than aware that he's close to women.

The only thing is, I thought I was special. Not until I saw him treat others the same way.

But it's okay. It should be okay for me. As if I have the right to get mad, or even to get jealous.

Wala akong pinagsabihan tungkol sa nararamdaman ko, maliban kay Emanuel. We have been texting for a few weeks now, at isa siya sa mga masasandalan ko sa tuwing mayroon akong problema.

Although we stopped flirting, that didn't end our connection. We stayed as friends.

Sometimes, it's better to share your problems with a stranger. In that way, you wouldn't be judged.

Ngayon ay ako ang kasama niyang kumain sa canteen. As usual, siya ang pumila at bumili ng pagkain para sa akin. At least, hindi pa rin nawawala ang gesture na iyon sa kanya.

Habang nakapila siya ay nag-uusap kami ni Emanuel through Messenger. As usual, kinakamusta niya ako. I told him that I'm okay.

"How about Quinn?" Emanuel asked.

"He's okay, nakapila siya ngayon para bumili snacks."

"Tapos ka nang pumila?"

"Nah, siya rin ang bumibili ng para sa'kin."

"Mabuti naman. Okay na ba kayo?"

Nagdalawang-isip pa ako kung ano ang isasagot. But I still answered him.

"Okay naman talaga kami. At magpapatuloy ang pagiging maayos namin kung hindi ko iyon sasabihin sa kanya."

"Na nagseselos ka? Pero aminin mo, may parte sa'yo na gustong magsabi ng totoo."

"We're better off this way. Things will be better off this way." Tangi kong naging tugon.

"He's here, kakain muna ako." Pagpapaalam ko sa kanya nang nakita ko si Quinn na papalapit sa table namin.

"Bye, love." He said.

I just reacted a like to his message and put my phone in my pocket.

Kinuha ko ang pagkain at drinks mula sa kanya.

"Thanks." I muttered. He gave me a sweet smile.

Tahimik lang akong kumakain ng sweet potato fries. I put more salt into it. Nanghingi kasi kami ng asin sa canteen vendor kanina.

"Ano iyan, sweet potato fries na may asin o asin na may sweet potato fries?"

"Pakealam mo?" Sarkastiko kong tugon as I put more salt into my fries. Hinigit niya ang aking palapulsuhan kaya hindi na ako nakapaglagay ng mas maraming asin.

"Stop." He said with authority in his voice. Hindi niya ako binitawan. Instead, he locked his hand on mine. Ang kanyang mga daliri ay nasa pagitan ng aking mga daliri.

He put our hands on the table. Tinitingnan niya iyon, tapos tinitingnan ang aking mga mata. Minsan ay tinitingnan niya ang kanyang pagkain pero binabalik niya rin ang tingin sa akin.

"I want more salt." Pagpoprotesta ko.

"That's bad for your health." Pagdidiin niya habang tinitingnan ang aking mga mata. Hinigpitan niya ang hawak sa aking kamay.

"You don't have the right to stop me." Hinawi ko ang kamay niya para kunin ang asin sa table pero muli niyang hinigit ang palapulsuhan ko.

"Yes, I do!" He clenched his jaw.

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon