Chapter 27

31 9 0
                                    

Chapter 27

The night after our conversation at the park, I could barely sleep and even breathe. Naninikip ang dibdib ko sa tuwing naaalala ko ang mga nangyari kanina.

Tinakpan ko ang aking bibig gamit ang aking mga kamay para pigilan ang sarili ko mula sa paghagulhol. Papa, mama and Yale might hear me. Malayo ang master's bedroom at kwarto ni Yale mula sa kwarto ko, but I want to make sure.

Isa pa, I don't want to cry anymore. I cried enough. Simula nang mangyari ito sa aming dalawa ni Quinn, tanging iyak lang ang nagagawa ko sa loob ng kwarto.

I realized how selfish and desperate I am to beg for someone to stay. And I wanted him to stay until I can let go!

What have I done?

I hate to admit it, but I'm starting to feel that it isn't healthy. Para bang hindi ko na kayang mabuhay nang wala siya at hindi ko na kayang tumayo sa sarili kong mga paa. I begged for that person to stay even though I already told myself that I won't do such thing. I also tend to belittle myself every time he's with someone better. Masyado akong selosa, wala namang kami.

One more thing, our parents wouldn't allow us to push this thing. Both of us are forbidden to be in a relationship at this age.

These days, I destroyed myself instead of building it. Love should build and form a person, not destroy the persons involved to their full extent.

Maybe we're better off without each other.

This could only result because of two things. I may be immature enough, or maybe this isn't love at all.

After that very day, I became cold to Quinn. No, to everyone. Pansamantala kong inilayo ang sarili ko sa lahat para makapag-isip nang maayos.

"Ylona?" Kimberly tried to catch my attention but she failed. Hindi ko siya tiningnan even if she's just right in front of me.

The rest of my friends did the same. Kinakalabit at tinatawag nila ako pero hindi ko sila sinasagot. Sa huli ay hindi na nila ako inintindi. I'm very thankful that they respect my personal space.

Dumaan ang ilang periods pero wala pa rin akong kinakausap ni isa sa kanila. Iniiwasan ko naman ang pagtingin kay Quinn para hindi magtagpo ang mga mata namin.

I want to talk to him but I don't have the courage to do so. Masyadong nakakahiya ang mga sinabi ko sa kanya. It may seem like I'm exaggerating pero pakiramdam ko ay ibinaba ko kahapon ang bandila at dignidad ng mga kababaihan.

Hinilot ko ang aking mga sentido at mariing ipinikit ang aking mga mata.

What should I do?

"Goodbye Mrs. Josol." Sambit ng isa sa aming mga kaklase. Tumango naman ang guro at naglakad papunta sa faculty office.

That was our last subject for this morning. Lumabas na rin ang ilan sa aming mga kaklase para bumili ng tanghalian sa canteen.

"Ylona, lunch na." Pagpapaalala sa akin ni Karylle.

I followed my friends dahil sa canteen rin naman ang punta nila. We bought our food and while we're waitingf for the others to finish, I heard someone.

"Siya ba iyong may kalandian na athlete tapos kalandian niya rin iyong kaibigan niya?" Sabi ng isang kikay na babae na kasama ang kanyang mga kaibigan.

"Iyon bang nag-trending sa Twitter? Saan?" Tanong naman ng isa.

The girl is about to point a finger on me but her other friend stopped her.

"Mahahalata tayo niyan! Umayos ka nga." Pagdidiin noong isang kaibigan nila.

Sakto namang natapos ang lahat sa pamimili ng pagkain kaya nilingon ko ang mga kaibigan ko.

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon