Chapter 21
"Hello Ylona!" Ayeezah and Karylle greeted me with a smile.
"Hi Ayeezah, hi Karylle!" I greeted back.
Lunch break ngayon sa school at gusto nila akong nakausap kaya nagpasya kaming mag-video call.
Kami naman dito sa quarter ay tapos na ring kumain ng tanghalian. Kain, tulog, gala at na lang ang ginagawa namin dahil tapos na ang game. Hinihintay na lang naming matapos ang buong Provincial Meet para makauwi.
Nasa classroom sila kasama ang iba pa naming mga kaklase. I can see Yssa, Celestine, Nella, Kimberly and others on the backround.
"Congratulations!" Bati nilang dalawa. Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa kanilang mga mata. They miss me that much, huh?
"Thank you mga beh! Miss ko na kayo. Kamusta na kayo diyan?"
"Okay lang naman kami. Sunod-sunod ang quizzes at summative tests. Ang swerte mo kasi excused ka." Biro ni Karylle.
"Ikaw, kamusta ka naman diyan?" Tanong ni Ayeezah.
"Heto, bagong kain. Hinihintay na matapos ang Provincial Meet para makauwi. Hindi pa kasi tapos ang ibang sports lalo na iyong ball games. Pero yung martial arts, pakiramdam ko tapos na lahat. Anyway, paano niyo nalaman na nanalo ako?"
Karylle cleared her throat before she continued. She gave a playful smile.
Nag-iba ang angulo ng camera. Naglakad sila lumabas ng classroom. Tumigil lang ang paggalaw nito nang makita ko ang isang pamilyar na view.
They are on the rooftop. I think they want our conversation to be more private. Maririnig kasi kami ng mga kaklase kapag pinagpatuloy namin ang pag-uusap sa classroom.
"Well, bakit hindi mo man lang sinabi na may admirer ka pala diyan?" Tanong ni Karylle.
Kumunot ang noo ko dahil sa narinig.
"What?" Tanging naging tanong ko dahil sa pagtataka.
"Emanuel. Does he ring a bell on you?" Tanong ni Ayeezah.
I recalled all the Emanuel I encountered. Then I remembered Via, the one who asked to take a picture with me. May lalaki siyang kasama na kyurogi player.
Yung kyurogi player na tinutukoy ni ate Feb kahapon, si Emanuel iyon. Yung sinabi kong hindi ko type.
"Yeah, I do. He's a player from unit 3, 'di ba?"
"Yes, at magkaklase kami noon."
"Woah." I was left in shock, although it's not impossible na mag krus ang landas nina Emanuel at Ayeezah.
Athlete noon ng unit 3 si Ayeezah at isa siyang table tennis player. Noong lumipat siya ng school ay hindi na siya nag-pursue sa sports.
Hindi ko lang talaga inaasahan na nasa iisang municipality sina Ayeezah at Emanuel. Mas hindi ko inaasahan na nasa iisang school sila, at magkaklase pa!
"So he told you that I won?"
"Yes, at hindi lang iyon. Sinabi niya rin sa amin na crush ka niya. Nakaka-in love raw yung laro mo kahapon." Muling bumalik ang mapang-asar na ngiti ni Ayeezah.
Nakaka-in love? I don't believe in such thing. Nakakahanga siguro, pwede pa. It's too shallow to be associated with love.
Pero hindi ko rin inaasahan na crush ako ni Emanuel. Yes, inaasar siya kahapon. Pero akala ko iyon ay dahil bagay raw kami.
"May pag-asa ba? Sinabi pa naman niya na ilapit ka raw namin sa kanya." Sabi ni Karylle. I just chuckled a little.
"He's cute." Tangi kong sagot.
BINABASA MO ANG
Ready For It?
Teen Fiction"Experience may be the best teacher, but we are the best advisers." Ylona Isabelle Azcueta has never been in love. But her, together with her boy best friend, Quinn Austin Buenafuente are the so-called love advisers. They give comfort and advices to...