Chapter 15

35 13 3
                                    

Chapter 15

The moment I stepped onto the cemented floor of our classroom, I was welcomed by my best friends with their tight hugs.

"G-guys, I can't b-breathe!" Angal ko pa. Isa-isa naman ako nilang binitawan.

Buti na lang at kinaawaan nila ako. There are two of them at mag-isa lang ako.

"Congratulations, Ylona!" Sabay-sabay nilang bati.

"Thank you, thank you." I gave them my sweetest smile.

I went to my seat at inilagay ang mga gamit doon. Kinamusta at binati rin ako ng iba pa naming mga kaklase. Ang iba naman na hindi masyadong gumagamit ng social media ay ngayon lang narinig ang balita na nanalo ako sa Unit Meet. They seem happy with the news and I'm happy that they are happy with my victory.

"Huwag mo kaming sisipain Ylona, ha?" biro pa ng isa naming kaklase.

They also impersonated my kicks and punches. Napuno ng tawanan ang buong classroom.

"Hindi ako marunong sumipa kaya kakanta na lang ako." Bibirit sana si Karylle pero tinakpan ni Ayeezah ang bibig ni Karylle gamit ang kanyang kamay.

"Shut up! Baka lumindol."

"Hidden talent ko ang pagkanta, huwag kang bastos," angal ni Karylle.

"Kung hidden iyan eh 'di itago mo na lang," sagot ni Ayeezah.

"Sige na, kasi baka kapag pinakita ko ang talent ko, ako ang magiging susunod na main vocal ng isang sikat na K-pop group." Karylle flipped her hair kaya tinawanan namin siya ni Ayeezah.

"Tapos ikaw ang main dancer, Ayeezah. Ipakita mo nga sa amin ang body roll mo?"

She rolled her body at nang namalayan niya na may ibang tumitingin sa kanya, umayos siya nang pagkakatayo.

"Hush, hidden talent din iyan," she whispered. Ngayon ay siya naman ang pinagtawanan namin ni Karylle.

Dahil late dumating sina Kimberly at Nella, late na rin silang nakabati sa akin.

Si Ayeezah at Karylle ang maagang dumadating sa school habang sina Nella at Kimberly naman ang laging late.

Late rin naman akong dumadating pero hindi katulad nila na halos hindi na makapasok sa first subject. Hindi lang ako nakaka-attend ng flag raising ceremonies.

The one who doesn't usually comes late na late ngayong araw ay si Mrs. Sevilla. Fifteen minutes na lang ang natitira sa time ng subject niya nang dumating siya sa classroom.

Hindi na siya nag lesson at hinayaan na lang kami sa mga ginagawa namin. She also congratulated me for winning the Unit Meet at nagbiro pa na madadagdagan nanaman ang excuses ko dahil sa susunod pang nga meets.

Natutuwa at nanghihinayang ako sa mga nangyayari. Natutuwa dahil natanggap na ako ng mga kaklase ko at hindi na nila ako tinatrato gaya ng pagtrato nila sa akin noon. Nanghihinayang dahil lilipat ako next school year kung papayagan ako ng parents ko. Next next school year naman kung hindi.

We already made a deal na doon ako mag-aaral ng senior high school dahil gusto nilang tapusin ko ang junior high dito. Pero kung makukumbinsi sila ng mga teammates, coaches, at ng instructor ko na next year na mag-transfer, there's a big possibility na mapapaaga ang pag-alis ko sa school na ito.

I already made an adjustment here. I already have my friends and I'm in good terms with my classmates. Panibagong adjustment ang gagawin ko kung mag-aaral ako roon. Although the previliges and opportunities are undeniable.

I asked my friends kung ano ang magiging reaksyon nila kung magta-transfer ako next school year.

"Iiwan mo na kami?" Ayeezah made a face while clinging on my arm.

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon