Chapter 13

30 13 0
                                    

Chapter 13

Sa mga sumunod na araw ay wala na akong ibang inatupag kung hindi ang training para sa papalapit na mga meets. I derived my attention in my daily training.

Our instructor made us do planks for 4 minutes, 3 sets. He's our time holder.

"Two more minutes and two more sets," pagpapaalala ng aming instructor na si Sir A.

My arms and thighs are shaking while holding the plank. Tumatagaktak ang pawis ko na siyang dahilan kung bakit nababasa ang mats.

Through You I can do anything

I can do all things

'Cause it's You who gives me strength

Nothing is impossible

Through You blind eyes are opened

Strongholds are broken

I am living by faith

Nothing is impossible

The song Nothing is Impossible by Planetshakers is playing right now through our teammate's Bluetooth speaker. Isinisigaw naman ng mga teammates ko ang lyrics ng kanta na para bang pinagsasa-Diyos ang drills namin para sa training na ito.

"Nothing is impossible!" Pumiyok ang team captain ng kyurogi boys na si kuya Yuan habang isinisigaw niya iyon kaya naman napatawa kaming lahat. Iyak-tawa kami ngayon dahil sa parusa na dulot ng planks at dahil sa mga nakakatawang reaksyon ng teammates habang ginagawa ito.

Pati si Sir A ay napatawa dahil sa mga pinanggagawa namin. Nasanay na siya sa mga kalokohan ng mga estudyante niya na sinasabayan niya pagkatapos ng training. Minsan nga ay siya ang nagpapasimuno ng kalokohan sa amin.

Matapos ang planks ay binigyan kami ng 5 minutes water break. Doon namin pinag-usapan ang mga nakakatawang reaksyon ng teammates kanina.

Ipinakita ni Sir A ang stolen shots na kinuha niya kanina during drills. May stolen video rin siya at kitang-kita ang mga reaksyon namin lalo ka kung izo-zoom.

Matapos ang water break ay bumalik kami sa kalbaryo. Kickings ang ginagawa namin ngayon. Isang set ng sidekicks, isang set ng in-out axe kicks, isang set ng out-in axe kicks, isang set ng front kicks at isang set ng roundhouse kicks.

"100 90 degree roundhouse kicks, left and right." Tumango at sumunod ako sa sinabi ng instructor.

Tumatagaktak na ang pawis mula sa noo at pumapadausdos ito sa buong mukha. Nang-iinit na rin ang buong mukha ko. Pati ang hangin na hinihinga at binubuga ko ay mainit na rin sa pakiramdam. Pero hindi ko na ito ininda.

"Iyan ang 90 degree kicks niyo? 90 iyan o 45?" Our instructor complained so we made higher kicks. Ang iba kasi sa mga sipa namin ay hindi na lumalampas sa ulo.

Minsan ay tumitigil ako para sumigaw dahil nawawalan na talaga ako ng hangin pero bumabalik rin ako kaagad. If we stand by for a long time, we might be ordered to do another set of 100 roundhouse kicks, left and right.

Matapos ang kickings ay marami pa kaming ginawa. The kyurogi players, the players who compete for kyurogi or sparring events did the sparring. Meanwhile the poomsae players who compete for forms did the forms.

As usual, we did a short meeting after training.

"Habang nagte-training kayo, isipin niyo kung bakit niyo ginagawa 'to. Set inspirations, set standards, para kayanin niyo ito." Sir A said while looking into our eyes with determination.

Why am I doing this? Why am I training this hard? Why am I not giving up?

To win in the lower meets. To participate and win in the higher meets.

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon