Chapter 26

38 8 3
                                    

Chapter 26

Quinn was true to his words. Isinumbong niya ang nangyari sa adviser namin na kalaunan ay nakarating sa Dean of Discipline. May ebidensya kami at iyon ay ang video ni Nella. Pinatawan ang buong squad na naroon sa insidente ng one week community service at pinag-post sila sa social media accounts nila ng apology letter.

Dahil si Kyra ang nanguna sa gulong iyon, the dean told her that she should make a public apology through the intercom. In the end, she cleared my name and she also cleared Quinn's.

Hindi natukoy ang may ari ng dummy account pero deleted na ang tweet na iyon. Bumalik kami sa dati na para bang walang insidente na nangyari pero nag-iingat na kami ni Quinn. Hindi naman kami nag-iimikan nina Kyra, Celestine at iba pang miyembro ng squad na umatake sa amin.

Hindi na mahalaga sa akin na malaman kung sino ang may-ari ng account as long as that person would never bother us again. Sana naman ay kuntento na siya sa gulong ginawa niya sa amin ni Quinn.

Naiilang pa rin kami ni Celestine sa isa't-isa. Si Kyra, Lloyd at Yssa ay nilalampasan ako sa tuwing madadaanan nila ako. Ganoon din ang ibang miyembro ng squad. At least our names have been cleared.

Minutes after our last subject, I received a message from Quinn

"Ylona, let's talk."

Matapos kong basahin ang message, nakita ko si Quinn sa pinakadulong bahagi ng classroom. Nagtagpo ang aming mga mata. Matapos noon ay muli niyang ibinalik ang tingin sa kanyang cellphone. My phone vibrated seconds after, receiving a message.

"I already told your friends. Sabay na tayong uuwi."

Basa ko sa mensahe. Ayeezah called me, which caught my attention.

"Ylona, mauuna na kami."

Kinuha ko naman ang bag ko at tumakbo patungo sa kanila.

"Sabay ako!"

"'Di ba may lakad kayo—"

Sinenyasan ko si Karylle na tumahimik. Tumango naman siya, senyales na naiintindihan niya ang ibig kong sabihin.

"Ayokong sumama." Pabulong kong sabi sa kanila.

"Bakit naman?" Tanong ni Ayeezah.

"Alam mo na, issue."

Magsasalita pa sana ako pero tinulak ako ni Karylle.

I tripped and I thought that I would land on the floor pero may naramdaman akong mga bisig na sumalo sa akin.

"Quinn?"

"Don't run away, bae. Let's talk." Maotoridad niyang sabi.

I also noticed that he's calling me bae these past few days.

"Shut up!" Pinandilatan ko siya ng mata but he just chuckled.

"Anyway, ipagpatuloy niyo lang iyan. Bye!" Sarkastikong pamamaalam ni Karylle. Hinila naman niya si Ayeezah at sabay silang tumakbo.

Nang makalayo na ang dalawa, nagsalita ako.

"There, can we talk now?" I scoffed.

Sa halip na sagutin ako, hinapit niya ang aking kanang palapulsuhan sabay takbo. Ayoko namang makaladkad kaya tumakbo na lang rin ako.

Kahit nakalabas na kami ng gate ay tumatakbo pa rin kami.

This is not the first time na nagpakaladkad ako sa kanya. And I never regretted anything. Those days became one of the happiest days of our lives.

We ended up being on a park. May nakita akong kuyang nagbebenta ng street foods sa foodcart kaya naman ay dumeretso ako roon.

Matapos kong kumain ay hinarap ko si Quinn.

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon