Finale
Binati ako ni ate Francine sa first day of school. Hindi ko inaasahang siya ang unang babati sa akin.
"Welcome to Academy of the East! I am Francine, the Supreme Student Government Preseident for this school year." Turo niya sa kanyang nameplate.
"Sana all president." Sarkastiko kong tugon.
"Is that how you greet your SSG president in your first day of school? Tapos transferee ka pa? What school are you from?"
Natawa na lang dahil sa mga pinagsasabi niya. She looks so serious about it but I know that deep inside, she's kidding.
"All jokes aside Ylona, welcome to AotE! Akala ko talaga next year ka pa lilipat. Akala nga ng iba nating teammates na hindi ka lilipat dito. But I told them to trust in you dahil ikaw sa sarili mo, gusto mong mapabilang sa school na ito." Masaya niyang pagbati. She spread his arms and gave me a hug.
"Of course, I'm happy to be here. First day pa lang but because of you, I feel like I'll have a great time." I replied.
"I am very happy that you're here, you know that. Pero bakit ka nga pala lumipat ngayong school year? I thought na sa senior high ka pa lilipat?"
"Napaaga eh. Nakumbinsi ko naman si papa na dito na ako mag mo-moving up. So, here I am!"
She touched my green vest na may grey sa mga gilid. It's part of the school uniform. She also ran her fingers through my grey skirt.
"The vest looks great on you. You look so beautiful in grey and green!" Natawa ako dahil pakanta ang pagkasabi niya noong huling pangungusap.
"Anyway, I need to go." Turo ko sa grade 10 department ng junior high school building.
"Okay, bye Ylona!" Kinawayan niya ako.
"Bye miss president!" Sumaludo ako bago umalis. She chuckled because of my gesture.
Habang naglalakad sa hallway ay nakikita ko ang aking mga teammates. I greet to each one of them. Lahat naman sila ay kinakamusta ako at sinasabing masaya sila dahil maaga akong nakalipat dito sa AotE.
Nagkabati naman kami ng mga kaibigan ko bago ako lumipat dito. Mas lumalim pa nga ang pagsasama namin. Hindi lang talaga nila ako pinigilang lumipat. Sabi nila, napakakapal naman daw ng mga mukha nila para pigilan ako matapos akong saktan.
I just want a new environment after all that happened. I also want to grab the opportunities here.
My phone vibrated. It says that it's a call from Ayeezah. Sinagot ko naman ito.
"Hello beh?"
"Ylona miss ka na namin! First day of school pa lang pero gusto ko na mag-uwian."
We made a deal na sabay-sabay pa rin kaming uuwi kahit magkaiba na kami ng school na pinapasukan. In that way, araw-araw pa rin kaming magkikita.
"We have news for you." Sabi pa ni Karylle.
"What is it? Sabihin niyo na hangga't hindi pa nagsisimula ang class hours dito. I don't want my phone to be confiscated."
Hindi kasi kami pwede gumamit ng phones during class hours, hindi gaya sa school na dati kong pinapasukan.
"Dumaan dito si Quinn kanina. Pumunta sa grade 9 faculty room. Nakausap namin siya. Ang sabi niya, kukunin niya lang raw yung mga dokumento niya. Tapos umalis din kaagad." Balita ni Karylle.
Pakiramdam ko ay naaagnas ako sa gitna ng hallway dahil sa narinig. It only means one thing.
He will transfer to another school. And that school might be too far away from here.
BINABASA MO ANG
Ready For It?
Teen Fiction"Experience may be the best teacher, but we are the best advisers." Ylona Isabelle Azcueta has never been in love. But her, together with her boy best friend, Quinn Austin Buenafuente are the so-called love advisers. They give comfort and advices to...