Chapter 14

34 13 0
                                    

Chapter 14

2 years ago...

Nakatanaw lang ako sa malayo nang mag-alok ang isa naming kasama ng picture taking.

“Tara picture tayo as a squad!” Anyaya niya.

Pinakiusapan niya ang isa sa mga bata na naglalaro na kunan muna kami ng litrato.

Nang pumayag ito, pumuwesto na sila para magpa-picture kaya naman ay pumuwesto na rin ako.

“Teka lang muna,” sabi ni Kayla, isa sa mga kasama namin.

Nilapitan niya ako at nagsalita.

“Picture taking ito ng squad. Hindi ka naman siguro bingi para hindi iyon marinig.” Hindi malakas ang pagkakasabi niya noon but she said it with conviction.

“Yeah, I heard that.” My hands are trembling but I kept that to myself.

“Then why are you here?” She said loudly then chuckled a little. Maging ang mga kasama naming ay natatawa rin nang patago.

“Pathetic, right? Now go!” Sinenyasan siya ako na umalis.

Ilang segundo ko ring tinitigan si Kayla dahil sa sinabi niya. I am not surprised that they don’t treat me as a member of their squad. Pero ang ipamukha ito sa akin, sa harapan pa mismo ng mga kasama namin—I mean kasama niya, I think that’s a little bit inappropriate.

Hindi na ako nagsalita. Tahimik akong umalis sa pwesto at umupo sa gilid. Pinagtitinginan ako ng mga tao kaya tinakpan ko ang mukha ko. Ayokong maging ito ay makarating kay papa.

Ang alam niya, I’m with my friends. Genuine friends. I guess I lied when I told him that I will be with my friends right now to have a great time.

Birthday kasi ng isa sa mga kasama namin—I mean kasama nila sa squad kaya naman gumawa kami ng surprise birthday party.

Binitawan ko muna ang hawak ko na balloons at kinuha ang cellphone ko na nasa tabi ko lang. Napagdesisyunan kong pumasok na lang muna sa bahay ng birthday celebrant. Sa bahay ni Kayla.

Medyo maliit ang bahay nila dahilan para magkasiksikan sa loob. Ang hindi ko alam ay nagtatakbuhan pala sina Marianne kaya niya ako napatid dahilan para matumba ako.

Nabitawan ko ang hawak kong cellphone habang ako naman ay nasa sahig.

“Kasalanan mo ‘yan. Bakit ka kasi nandito? Alam mo namang nagtatakbuhan kami ng mga bata.”

Iyon nga, hindi ko alam.

Isa pa, masyadong masikip ang mga daanan kaya naman ay dapat hindi na sila nagtakbuhan in the first place.

Pero siyempre, hindi ko siya kayang sumbatan. Pinangunahan nanaman ako ng takot. Pinagsawalang-bahala ko na lang ito at pinulot na lang ang cellphone ko na ngayon ay basag na.

Wala itong tempered glass kaya naman sigurado ako na screen na mismo ang nabasag. I turned on my phone and it won’t open. Now I have no way to contact my dad.

She rolled her eyes before she walked away.

Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko sa kanila para ituring nila ako na ganito.

I am with them every outing at gala basta available lang ako. Kahit medyo malaki ang nagagastos ko dahil sa kakalakad namin, ayos lang sa akin. Kahit na minsan ay pinapagalitan na ako ng mga magulang ko kakagastos ay hindi ako magrereklamo.

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon