Chapter 22

25 10 3
                                    

Chapter 22

Matapos ang Provincial Meet ay mga pagbati kaagad ang narinig ko mula sa mga kaklase.

The ones who used to despise me are also the ones who are telling me that they're proud of me. How ironic, pero hindi naman ako nagtanim ng galit sa kanila.

But I really appreciate kapag yung mga tunay kong kaklase at kaibigan ang lumalapit sa akin para bumati.

"Congratulations Ylona!" Bati ni Ayeezah sa akin.

"Thank you!" I hugged her.

"Congrats!" Karylle spread her arms so I also hugged her.

Maging sina Nella at Kimberly ay binati rin ako.

"Thank you!"

"Sino pala iyong Emanuel?" Tanong ni Nella. I chuckled a little because I already expected this question to blow up by the time I return here.

"He's a friend na nakilala ko sa Provincial Meet." Tipid kong sagot. I don't want to spill out everything, unless I'm asked.

"Friend mo si Quinn tapos si Emanuel friend mo rin? Haba ng hair mo! Ang dami mong kaibigan." Nella gave emphasis to the last word.

"Well, two is better than one." Sarkastiko kong sagot. The five of us laughed.

"Nakapag-Provincial Meet lang, nagka-love na. Try kaya nating mag-Taekwondo, Nella?" Panghihikayat ni Kimberly.

"Kim, huwag ka. Intrams pa lang, talo ka na." Hirit ni Nella.

"You know what, bagay kayo ni Eman. Ipagpatuloy niyo lang iyan." Ani Kimberly.

"Hindi eh, mas bagay nila ni Quinn eh! At saka sila naman talaga dapat 'di ba? Two years is more than two weeks!" Hirit pa ni Nella.

I just rubbed my temples while listening to their conversation which became an argument.

"Bagay sila ni Quinn, aaminin ko. Pero magkaibigan lang ang turing nila sa isa't-isa. They're just too close kaya sila nashi-ship. Hindi gaya ni Eman na nagbibigay talaga ng motibo na may gusto siya kay Ylona. He calls Ylona as love, remember?" Bwelta ni Kimberly na agad namang tinapatan ni Nella.

"Hindi natin alam kung ano ba talaga ang intensyon ni Eman kay Ylona. Two weeks pa lang ang nakakaraan mula noong nagkakilala sila. Whereas kay Quinn, makakasigurado tayo kasi dalawang taon na silang magkaibigan ni Ylona."

"Pero may nararamdaman ba si Quinn para kay Ylona? Alam natin na Quinn is friendly towards women. Kung ano niya ituring si Ylona, ganoon niya rin ituring ang lahat. So dapat, hindi lang si Ylona ang ship natin kay Quinn. Pwedeng si Kyra, pwedeng si Yssa, pwedeng si Celestine—"

Magsasalita pa sana si Kimberly pero agad ko siyang pinutulan.

"Stop." I felt a relief nang tumahimik ang dalawa.

Kimberly's right. Marami kaming kaibigan niya, nakakausap niya, nakakasama niya, nakakahalubilo niya. Hindi ako nag-iisa.

Paano kung ang pakikisama niya ang magiging dahilan kung bakit siya mahuhulog sa iba?

Kyra, Yssa and Celestine have their special charms and charisma. They are praised for their gorgeousness and grace. They have the beauty, confidence, maturity, talent and everything that I don't.

They are prettier and worthier than me in every way. And I hate to admit it pero sila ang tipo ng babae na babagay kay Quinn. Sila rin ang tipo ng babae na magugustuhan ng sinuman.

I know that I'm feeding up my insecurities right now. But I also know that I can be easily replaced by anyone, lalo na ng tatlong iyon.

I'm an ugly duckling compared to those angels and queens.

Ready For It?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon