Chapter 25
Hindi maiiwasan ang malagkit na pagtingin sa akin ng mga tao sa tuwing dumadaan ako sa hallway.
My friends decided that they should be with me all the time hangga't hindi pa humuhupa ang issue. Mainit raw kasi ako sa paningin ng mga tao which is true.
That's why when lunch time came, sina Kimberly at Nella ang kasama kong bumili ng pagkain.
Kung magbulong-bulungan ang mga tao sa harapan ko ay parang alam nila lahat ng kasalanan ko rito sa mundo.
Si Kimberly ang nagbolontaryong bumili ng pagkain namin ngayon kaya pumipila siya habang kami ay naghihintay sa kanya sa isang table.
Nang dumating na si Kimberly na dala-dala an gaming mga pagkain, hindi namin maiwasan na mapangiti.
"Thank you, Kim! Nasapian ka ata ng kabaitan." Pang-aasar ni Nella.
"Wala iyan." She chuckled a bit. Tatayo na sana kami para maglakad pabalik sa classroom pero pinigilan kami ni Kimberly.
"Ylona..." Tawag ni Kimberly sa akin. Nilingon ko siya.
"Yeah?"
"I am really dragged by conscience right now. I need to tell you something."
Napatigil ako nang narinig ko ang sinabi ni Kimberly.
"B-bakit ka naman makokonsensya? This is not a serious matter, is it?" I tried to make my voice as calm as possible but I can't help for it to be shaky.
Nella is just looking at us, bracing herself for what she might hear. Kimberly heaved a deep sigh bago siya muling nagsalita.
"Kasi maganda ako, tapos kayo hindi." Pabiro niyang tugon. Binatukan ko siya kaya siya napadaing.
Sa totoo lang ay kulang ang pambabatok kong iyon. She almost gave me a heart attack! Akala ko siya na.
Mukhang hindi naman. Sana hindi.
Sila ang mga kaibigang hindi ako pinalad magkaroon noon. I am blessed to have them. I hope that they will not turn their backs.
Pagbalik namin sa classroom ay nakaayos na ang aming armchairs. They formed a circle out of it.
Sabay-sabay kaming nagdasal, kumain at nagkwentuhan. Nagtatawanan kaming lahat pero namin na pinagtitinginan kami ng mga kaklase at binabatikos kami sa kailaliman ng isipan nila.
At dahil hindi lingid sa aming kaalaman na mayroong problema, sunod-sunod ang mga naging tanong ng mga kaibigan ko pagkatapos naming kumain.
"Why do they label you as a cheater? May namamagitan ba talaga sa inyo ni Emanuel?" Tanong ni Karylle.
"There's none. Even I was shocked when I saw the word cheater. Well, akala nilang may relasyon kami. Or at least, may namamagitan sa aming dalawa. Pero sinasabayan ko lang talaga siya noong mga oras na iyon. We're friends and we believe that we are better off that way!"
They looked convinced, dahil sa akin naman talaga sila naniniwala. They trust me that much and all that I can do in return is to be true.
"The others don't look at it that way. Ang akala ng iba ay ginagamit ko si Emanuel para pagselosin at mapansin ako ni Quinn. Bakit kailangan ko magpapansin kung dati na kaming malapit sa isa't-isa?" Pinipigilan kong magtaas ng boses para hindi ako marinig ng ibang mga kaklase.
Speaking of Quinn, wala kaming imik sa isa't-isa. Wala siyang Twitter account but it seems like may nakapagkwento na sa kanya kung ano ang nangyayari.
"Does Quinn know what's going on?" Tanong ko sa kanila. Buong araw kasi ay hindi kami nagkausap. I'm afraid to say it but I know that he's being cold. Alam long iniiwasan niya ako.
BINABASA MO ANG
Ready For It?
Teen Fiction"Experience may be the best teacher, but we are the best advisers." Ylona Isabelle Azcueta has never been in love. But her, together with her boy best friend, Quinn Austin Buenafuente are the so-called love advisers. They give comfort and advices to...