Chapter 1

181 8 1
                                    

Danicka

"Hoy, isang oras na akong naghihintay dito pero hindi ka pa rin dumarating. 'Yung totoo ha, may balak ka pa bang siputin ako. Nakakabanas kang bata ka."


I am here outside the great MOA Arena  habang hinihintay ang napakaarte kong kapatid na ngayon ay nasa kabilang telepono. Putakte mga sis. Kung pala-mura lang akong tao, kanina ko pa namura 'tong napakagaling kong kapatid. Oh well, nagmumura rin pala ako pero modified.

Anyway, mantakin mo ba namang siya na nga ang nagyaya pero siya pa 'tong late. At hindi lang basta late ha, isang oras na akong naghihintay. Buti sana kung siya ang gumastos ng ticket, ako pa rin ang bangko tih. Pakaangas.



("Oo na. Malapit na ako, mga 50 meters away. Chill.")

"Hoy, huwag mo ako madaan-daan diyan sa chill chill na 'yan. Hindi nakakatulong. Kung sana hindi ka na nagpakaarte sa katawan mo, hindi ka matatagalan. Taena, babae ka?"


I looked around and saw people looking at me as if they are judging my weird presence;  'yun ang hindi maintidihan ng magaling kong kapatid.

I rolled my eyes. Tusukin ko mga eyeballs nila ey. Alam ko namang loveless ako, hindi nila kailangan ipangalandakan sa tingin.


("Opo.Opo. Daming sinasabi. Nakababa na po ako. Huwag ka nang tumawag.")

The call ended. Napahilot ako sa sentido kasi 'di ko kinikeri ang inis na binabaan ako ng walangya kong kapatid. I'm good at waiting, but not to my brother.

Pinaypayan ko na lang sarili ko gamit ang kamay kahit nagmumukha na akong tanga.  Paki ba nila? Katawan ko 'to. I have all the freedom to do what I want to do with my body. Chour. Dami ko na namang sinasabi.

Imbis na lalong mainis, nilibot ko na lamang ang paningin ko papunta sa malaking bolang malapit sa harapan ko.

'Hay. Kelan kaya ako makakapagpa-picture diyan.'

Sa kinantagal-tagal ko na sa Maynila, at paulit-ulit na pagbalik dito, never pa akong nakapagpakuha ng litrato sa sumisimbolo ng MOA.

Nilipat ko naman ang mga mata ko sa malaking ferris wheel.

'Yan isa pa yan. Napakasaklap mang tanggapin ngunit hindi pa rin ako nakakasakay diyan. Though may mga ipon naman ako in case of emergencies and for walwal purposes, 'di pa rin ako sumusubok sumakay diyan. Maybe because I am imagining my first ride to be with someone special to my heart. Don't get me wrong ha, I know special din naman kapatid ko but I am pertaining with someone that I have a romantic feelings with. Well, meron na sana kaso...nevermind.

Napatingin ako sa relos kong pambisig.

'Ang tagal ha. Nakababa na raw. Putakte. Scam.'

I was about to get my phone inside my black mini sling bag when I felt someone covered my eyes.

"Hoy. I am not in the mood to play games with you, so you better remove your hand before I slice that into two." Now, my eyes became free again.

"Savage."

Tiningnan ko ang walangyang salarin and nahuli pa ang walang kuwenta niyang dramang paghawak sa dibdib na tila 'kala mo'y nasasaktan. Inis ko siyang inirapan.


"Ha. Ha. Ha. Nakakatuwa. Tara na at kanina pa nagsisimula ang laro. Tapos na 'ata first quarter." After saying that, tinalikuran ko na siya at nagsimulang pumasok sa loob.

Nilabas ko ang dalawang tickets para tuluyan nang makapasok sa loob ng arena. When we finally went inside the game place, I looked above and saw the screen.

Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon