Chapter 19

24 4 0
                                    

“Kita mong bata ka. May patanggi tanggi ka pa sa akin ‘nung nakaraang Linggo ha. Nasaan na ‘yung walang katipang sinasabi mo?”



I slowly scratch my head because of what my mother said, pagkatapos ay nagpeace sign at pumasok na loob ng bahay. Btw, kauuwi lang namin.

Sabay namang sumunod sa akin ang dalawa.



“At ikaw naman Malthaios, ba’t ‘di ka man lang nagpasabing darating itong katipan ng ate mo. Maski ‘yang ate mo walang kaalam-alam. Kuhhh, mga hinayupak talaga kayo. Sarap ninyong pagbuhuling magkapatid.” Parang tanga namang humalik si Malt kay mudra, tsaka malambing na nagsorry. Napairap naman ako, kasi ang damulag talaga. Malanding damulag.



Nakita ko namang pilit umiwas si mudrakels dito at mabilis itong binatukan, at pumamewang.



“Naku! Pasalamat kayo at wala ang ama ninyo ngayon, kung hindi magkakameron ng walang katapusang giyera ngayong gabi.”



“Doncha worry mader, I will save you before it happens,” malokong sabi ni Malt kay inahin bago kumindat. Our mother just gave her a dagger eyes before speaking again.



“Teka, asan na ‘yung katipan mo Danicka? Ano ngang pangalan nun?”



“Jhace Mikael Yuzon po,” mahina kong sagot.



“Oo nga. Asan na ‘yun? ’Di ko pa naiinspeksiyon ng maayos, kasi pagkatapos magpakilalang katipan mo raw siya kanina, mabilis ding nagpaalam kasi lalaro raw siya. Eh dahil sa may konsiderasyon naman ako, hinayaan ko muna. Sabi ko, pagkatapos na laang kami magtutuos.”



“So asan na nga ang magaling mong katipan, kasintahan, ano pa ba? Ah! jowa sa salitang Maynila, san na?”naiinip na tanong ni mudra.



“Andun pa kina Tito Ads, kinikilatis ng ating angkan,” si Malt ang sumagot. Napapalatak naman si mudra.



“Ay aba. Mga hinayupak din. Ako dapat ang unang kikilatis. Anong kakapal.”



Hinarap nito si Malt. “Hoy Malthaios, pakitawag nga ‘yung kuya mong katipan ng ate mo. Kami ay magtutuos kamo.”



Mabilis namang sumibad si Malt pagkasaad ni mader. Ako nama’y dumiretso na sa kuwarto ko para magpalit.





Kalalabas   ko pa lang ng kuwarto pero rinig na rinig ko na agad ang malakas na boses ni mudrakels.



“Ay ka-sweet mo naman palang bata. Ay sige, ipinagkakatiwala ko na sa iyo aking unica hija. Ingatan mo siya ha---”



“Nay naman! Kung makapagsalita ka naman, para namang ikakasal na agad ako diyan, samantalang ilang buwan pa lang naman kaming magjowa,” putol ko sa madamdamin nitong pakikipag-usap kay Mikael.



Sasabat na sana si Mikael nang hilahin ko na agad ito papalayo kay mudra papuntang labas.



“Ay aba’t bastos na bata. Danicka! Ibalik mo ‘yan dito!” Narinig kong sigaw ni ina.



“Stop it nanay! Pauuwiin ko na ‘tong Maynila!”balik kong sigaw dito. Nanatiling nagpatianod sa akin si Mikael hanggang makarating kaming kalsada. Nasa kasulok-sulokan kasi nakatayo ang mga pamamahay naming magkakamag-anak.



“Babe.” Finally, he decided to open his mouth. Medyo binagalan ko ang lakad ko, at pinili na ring bitawan ang kamay nito.



Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon