Chapter 18

24 3 0
                                    

"Danickaaa. Sikat na sikat na ang araw pero 'di ka pa rin lumalabas diyan. Magpaaraw ka naman nang 'di ka namumutla." I heard my mother shouting while knocking on my door.



"Mamayaaaa. Ka-chat ko pa mga kaklase ko," balik kong sigaw dito bago pahilatang inayos ang pagkakahiga sa kama habang tutok pa rin sa cellphone.



Napatawa ako ng mabasa ang chat ni Jane sa gc naming CPAsoon.

Jane: Hoy ba't ang tagal mag-encode ni dragon ng grade. Huwag mo sabihing nilunok na niya lahat ng activities natin worse than last year na walang awa niyang tinapon sa basurahan?

Anghelita: Ang hard ninyo naman. Mabait naman si ma'am ah. 'Pag tulog hehe.

Napapailing akong nakisali sa walang kuwenta nilang diskusyunan. Btw, nasa probinsya na ulit ako. Nung isang linggo pa.

Me: Ang paplastik ninyo. Mabuti pa'y idaan na lang natin sa dasal para huwag tayong i-singko :D

Jane: Luh. 'di tatalab ang dasal dun. Kapag trip niya, pakyu pa rin.

Anghelita: Makapakyu ka naman, 'kala mo fuckable ka. Joke v.

Nagising ang diwa ko dahil sa terminong ginamit ng anghel. Kelan pa 'to natuto sa mga ganitong mga bagay?

Jane: Hoy Anghelita. Pinagsasabi mo dyan? Kanino mo natutunan 'yan? Dun sa ka-chat mong 'di tuli?

I laughed before typing. Taenang Jane, makabash talaga, wagas.

Me: Paano mo nalaman Jane? Namboso ka no?

Kaysa intayin pa ang mga susunod nilang dugyot na replies, bumangon na ako ng kama at pinatay ang data. Lobat na rin kasi ako. Kanina ko pa kasing 5 am ginagamit 'tong phone para lang maghintay sa encoded na grade ni Mam Olongapo, ang dragong tinutukoy ni Jane. But dahil nga sa mukhang fake news ang kanyang announcement kahapon, mabuting pang kumain na ako kasi 9 am na mga sis. Kailangan ko ng palamunin ang mga bulate ko sa tiyan.

Pagkatapos isaksak ang phone para i-charge, dumiretso na ako ng labas.

I saw my mother doing some laundry while my brother, oh well, nowhere to be found. Baka nasa court na naman. Malapit na kasing magliga rito. Si pudra naman, bukas pa 'atang dating galing trabaho.



"Wow. Nakaramdam ka rin ng gutom," my mother said sarcastically after I sitted near the dining table.



"Naman! Mahal ko pa rin naman ang buhay ko ina kaya might as well I eat before its too late hehe," ngiting aso ko rito. Nasa may pinto kasi si mader naglalaba, tapat lang ng inuupuan ko.



Maya maya pa ay inupakan ko na ang pagkain sa hapag. Gahd. This is heaven, charot.

Nakita ko namang tumayo si mudra at pinameywangan ako.



"At Danicka, ano 'tong nababalitaan ko sa kapatid mong may katipan ka na raw sa Maynila." Bigla akong nabulunan dahil sa sinabi niya. Napainom tuloy ako ng tubig ng wala sa oras.



"Pweeh!" Nabuga ko ang ininom.
Taena. Kape pala 'yung nadampot ko. Ang init. Shutang ina!


Pumalakpak ang ina ko.


"Masyado kang obvious. Aba'y hoy, ipakilala mo sa amin 'yun hangga't maaga. Ayaw kong matulad ka sa mga pinsan mong kung kailang bilog na ang tiyan, saka lang nagkakilanlan. Kuh. Mga bata pa naman ngayon, kakapupusok."



Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon