Chapter 3

83 7 0
                                    

"Hoy Danicka! Bar kita ga. Birthday ng ating Anghelita. Hayuf. Minsan lang magyaya, bigatin, bar agad."




Napatigil ako sa pagtipa ng essay sa laptop ko dahil sa ingay ni Jane.




"Shuta Jane. Mamaya mo ako istorbohin. Kapag may ginagawa ako, ayaw ko ng maingay, okay?"




I continued my thing.

'The main point here is that... '




"Sungit teh. May dalaw ka? Pagkakatanda ko, tapos ka na nung isang Linggo pa. Pinabili mo pa nga akong napkin kasi natagusan ka."




Napahilamos ako sa mukha sa kadaldalan niya. "Isa pa. Maingay na nga 'yung nagrarally sa baba, makikisawsaw ka pa. Taena. Huwag ngayon, mamaya mo ako daldalin. And kung nanghihingi ka ng thank you dahil sa tagos incident na 'yun, oh siya. Daghang salamat Matt."




Alam kong 'di na siya dadaldal kasi sinabi ko ang magic word - pangalan ng ghoster slash pa-fall niyang ex friend na ayaw niyang marinig. Kaya, bumalik ako sa pagtipa.



Badtrip naman kasi mga prof namin ey. Accounting subjects, may pa-essay? Taena, kung binigyan na lang sana kami ng sampung problems, baka tapos na ako ngayon.  Wait. Huwag kayong humanga sa'kin. Gumagamit ako ng pinagbabawal na teknik kaya confident akong magagawa ko yun haha.



Nasa last paragraph na ako ng aking memang akda ng makaramdam ako ng akbay.




"Pakasipag naman talaga. Naol."




I lazily rolled my eyes. Heto na pala ang birthday girl. Eh times two ko nga to sa kasipagan eh. Oh well, depende pala sa trip niya.




"Huwag mong guluhin 'yan Anghelita kung ayaw mong mabugahan ng apoy."




Hindi ko pinansin ang pangbubwisit ni Jane kasi, haler, matatapos na ako.
Kunwari'y patay malisya na lang though the truth is, bukas na bukas ang ang tenga kong makinig sa mga chismis ng bagong dating.




"Ew naman, that's a bad word. It's Angel dear. Kadiri ka naman."




"Hindi ka anghel, huwag mag-ilusyon. Accept your name, and the truth shall prevail. Pucha, ano raw?"




"Corny Jane."




"Whatever. Anong oras mamaya? Gora kami ni Danicka kahit 'di pa siya pumapayag. Akong batas. Hindi siya maaaring humindi."




Napairap ako sa sinabi ng walangyang Jane.
Shuta. Bar 'tong pinag-uusapan namin. Kahit pa libre 'yan, delikads. Baka marami pang adik dun, 'di na sakop ng powers ko 'yun.




"Hoy Kasipagan. Nakita ko 'yun. Bawal tumanggi. Taena, 21 ka na pero never been into dark and wild places ka pa rin. Maria Clara ka?"




Pagkatype ko ng ending statement sa essay ko, hinarap ko ang gagang si Jane. "Taena mo rin. Paalala ko lang ha, baka 'di ka aware. Bar 'yun. Meeting adiks is never included in my bucketlist."





Pinamewangan ako ng gaga."Ay judgy. Hoy, 'di lahat ng bar puro adik ang laman. Tangina, masyado ka yatang naimpluwensiyahan ng SOCO at Ipaglaban Mo. Hay, mabuti na lang naibalik ang ABS."




Pinamewangan ko rin para quits. "At least, may sense ang mga pinapanuod ko. Preparing myself for my future profession. Paano'y ikaw puro Netflix at Iflix. 'Di ka naman ganyan dati ah. Iba talaga nagagawa ng ghosting. Lord, ibalik ninyo ang dating Jane." Tumingala pa ako with matching pikit para mas feel.

Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon