Chapter 26

44 3 0
                                    

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo, Dan?"



Napabaling ako kay Rhei who is giving me a worried look. I am busy packing up my things para lumipad na pa-Maynila bukas. Kanina ko pa tapos ang sa mga bata.



"Don't get me wrong. I am actually happy na finally itatapak mo na muli ang paa mo sa lugar na pinagsimulan ng bangungot mo, pero, I know you Dan. Nararamdaman kong you are still not healed."



Napapabuntong-hininga kong isinara ang maleta , at umupo sa kama bago muling hinarap si Rhei. "Yes. I'm still not. Everything that happened 7 years ago, it still feels na kahapon lang nangyari ang lahat. And God knows kung gaano ko na kagustong malimutan ang lahat, ang lahat ng katangahang ginawa ko, ang kagaguhan at kademonyuhang ginawa niya, at lahat ng masa..sakit na salitang binitawan ng mga taong akala ko'y ka...kam..pi k...o."



Napalunok ako nang maramdaman ko ang panginginig at pagpiyok sa boses ko. Marahang lumapit sa akin si Rhei at masuyong hinaplos ang likod ko bago ko muling ipinagpatuloy ang pagsasalita, "But, though I have the choice to not go, I don't want to remain as a prisoner of the past. And besides, they need me. My family needs me. At kahit pagbalikbaliktarin ko pa man ang mundo,though my twins are my treasures, my parents are my precious pearls. And no one can replace the people who are the reason of my existence, of my continuous breathing."



Itinigil niya ang paghaplos pagkatapos ay pinakatitigan ako, "Yes. Our parents are our life savior. Kung wala sila, wala rin tayo." Napangiti ako sa turan ni Rhei pagkatapos ay tumayo na. Nanatili itong nakaupo bago muling nagsalita, "Pero doon mo na ba talaga itutuloy ang pag-aaral ng dalawa? Aren't you afraid that..."



Napabuntong hininga ako. "Yes of course. I am afraid. How can I not be if the main reason of my misery is out there, breathing freely and happily?"



"'Yun naman pala. Pero bakit doon mo pa pag-aaralin. Pwede namang dito na lang---"



"Okay lang Rhei. Buo na ang desisyon ko," putol ko sa kanya pagkatapos ay pilit na ngumiti. "Besides, I want my parents to finally bond with their apos...


... na sana tanggapin nila," malungkot kong dugtong.



Tumayo muli si Rhei pagkatapos ay bahagya akong tinapik, "Ano ka ba naman Dan. Huwag nega. Of course, they will openly accept their grandchildren. Dugo't laman nila 'yan. And who knows, your twins might be the best cure for them to recover."



I chuckled, "Teka nga. Parang kanina lang, ayaw mo akong paalisin. Pero ba't tila nag-iba ang ihip ng hangin?"



Sandaling natigilan si Rhei pagkatapos ay malakas na hinampas ako, "Taena Rhei! Masakit 'yun!"

Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon