Chapter 2

102 7 0
                                    

"Oh. Ate, bakit hinihingal ka?"




My brother's words got my attention. Mga isang minuto na 'ata akong nakabalik pero ngayon lang ako napansin ng kapatid ko. Walangya talaga. Inirapan ko na lamang 'to at hinalungkat ang bag pack nitong nakalapag sa sahig para humanap ng tubig.


Kung hinahanapan ninyo ako ng tubig. Duh. Sling bag ang dala ko kaya paano magkakasya 'yun dito. Take note, mini sling bag.


Nang makita ang tumbler, dali-dali akong uminom. Mga kalahati na siguro ang nauubos ko pero tuloy pa rin ako sa pag-inom.
Sis, mauhaw tumakbo okay.


Muntik na akong mahirinan nang mapatingin ako sa court.




"Foul no. 6, Joseph Latorena. Two free throws for Green Archers."




'Okay. Kelan pa 'to nakabalik sa game?'


Pinahiran ko ang pisngi ko kasi kumalat ang tubig. Napatingin ako sa damit ko.


Shutanets. Basa.





"Go D-L-S---U! Animo La Salle!"




Hindi ko pinansin ang ingay kasi nga sis, basa ang damit ko. Wala akong extrang damit here. And take note, naka white pa ako kaya I can feel na bumabakat ang 'di dapat bumakat.


Hinalungkat ko ang bag ng kapatid ko, and tada. Walang extrang shirt. Wala akong magagawa, alangan namang i-announce ko na, "Hi. Someone's wet here. Free donation of shirt is a request." Taena ang sagwa. Napacross na lang ako ng kamay para hindi halata. 


'Kahit malamig, tiis ganda muna kita kasi kasalanan mo rin naman Danicka.'


Napatingin ulit ako sa court. Okay second free throw na pala. Kinalbit ko ang kapatid ko.



"Shumoot 'yung first throw?."



"Oo. Manuod ka nga." Napaismid ako sa sagot niya. Pakasungit. Porket tutok na tutok sa larong nakahain sa harap niya. Binalik ko ang mata ko sa court specifically sa lalaking nakapuwesto na para sa second free throw.



'Kahit saang anggulo talaga, gorgeous pa rin ey. Sana all.'


Sarap tuloy ipangalandakan, "That man who is about to shoot is my gorgeous intruder. He pinned me bringing me speechless." Napailing na lang ako sa kalandian ng utak ko.




"Go. Baby Captain ng Archers." I rolled my eyes sa taguri ng mga fan girls niya.




"Ipasok mo Kapitan Jhace Mikael Yuzon." Napataas ang kilay ko sa narinig.



'Di ko alam kung mabubuwist ba ako sa ingay ng mga babae sa likod ko or magpagpapasalamat dahil libre kong nalaman pangalan niya. Pero, I chose the latter kasi nacucurious naman talaga ako kanina pa.


'So that's his name huh. And a captain pa talaga.'


When the ball parted away his hands, nakaramdam ako ng kaba.


'Taena. Jowa ka besh?'


I signed in relief nang pumasok. Finally tie na score nila with ADMU.


Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon