Chapter 27

33 2 0
                                    

"Anong ginagawa mo rito?"



Napapikit ako dahil sa kagaspangan ng pagkakatanong ni tatay. Mukhang galit pa rin sila. Mukhang hindi pa rin nila matanggap ang ginawa kong kagagahan, na ang naturingan nilang  panganay at kaisa-isahang unica hija ay isang disgrasyada. 'Di ko maiwasang mapangiti ng mapait sa loob-loob lalo na nang maalala ko ang nakaraan. Katatapos lang ng graduation namin noon...



Makikita ang saya sa mukha ng bawat istudyanteng nagsipagtapos, samatalang ako, hindi maipinta ang mukha. Hindi mapakali, kung ipagtatapat na ba ang apat na buwang inililihim na kalagayan. Nagpatuloy ang aking pagkabalisa hanggang sa makarating kami sa isang restaurant na pagdadausan daw ng aking matagumpay na pagtatapos.

Pagkababa namin ng jeep, napadaan kami sa isang munting halamanan na nakapuwesto sa gilid ng pathway papasok ng mall. Nang mapansing marami itong bulaklak, napagpasyahan kong pumitas ng isa para simulan ang naisip na solusyon sa problema.

Pabulong akong nagsalita habang pinagdidiskitahan ang mga petals ng bulaklak , "Aamin...hindi..."

Nagpatuloy ako sa pagtatanggal ng petals hanggang sa umabot na ito sa dalawa. Natigilan ako.

Nanginginig kong hinawakan ang ikalawa sa huling petals. Hindi, ang huli niyang tinuran. Ibig sabihin lang nito...


"Aamin," napapabuntong hininga kong bigkas na siyang narinig ng mga kasama kong kanina pa masayang nagkukuwentuhan. Kunot-noo nila akong tinapunan ng tingin na siya namang sinuklian ko ng senyas na wala lang kamo, na  pinagtitripan ko ang sarili.

When we finally arrive at the exact place of celebration, my hands started to shake rapidly. My heart continued to beat loud and in fast pace, and my body is sweating too much. 'Di ko alam kung makakaya ko bang sirain ang magandang pangyayari ngayong araw, ang pagtatapos ko with flying colors. 'Di ko alam kung kakayanin ko bang makitang nabubura ang malalaking ngiti sa mga labi nila.

Nagsimula nang umorder si tita. Tila isang malaking handaan ang nangyari sa dami ng itinuro nito sa menu. At ang mas nakakaguilty, puro mga paborito ko pa. Ang mga seafoods. Kahit natatakam. Tila wala akong ganang kumain.

Natapos sila sa pagkain na hindi ko man lang sobrang nagagalaw ang laman ng akong plato. Dito na sila nagsimulang magtaka.




"Danicka hija, okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni tita.




"Oo nga anak. Hindi mo pa masyadong nagagalaw ang pagkain mo oh. Dapat nga ay magpakabusog ka, pambawi mo man lang sa apat na taon mong paghihirap sa kolehiyo," dagdag naman ni tatay.



Napapikit ako ng mariin bago napagpasyahang ibaba ang mga kubyertos na hawak. Napapabuntong hininga ko silang pinagmasdan isa-isa. All I can see was  worry, but more joy in their faces. Should I ruin this perfect moment?

Ilang minuto ring naganap ang katahimikan, bago ko napagpasyahang basagin.



"Buntis po ako..." mahina kong usal. Tulala nila akong tiningnan maliban sa kapatid kong nanigurado pa sa sinabi ko, "Ano ate? Pakiulit nga?"




Napakagat ako sa labi bago muling nagsalita, "Buntis po ako. Sorry po kung na-disappoint ko ka---"




Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko sapagkat mabilis at padabog na tumayo si tatay bago galit na nagsalita, "Sinong ama?"



Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon