Chapter 4

62 7 0
                                    

"7 pm."




Napabuntong hininga ako.
Nandito ako ngayong entrance ng SM Sta. Mesa, again waiting. Dito kasi ang napagkasunduang naming meeting place bago dumiretsong Sherwood.


Tanggala, akala ko talaga, pinasara na ni Yorme ang Sherwood pero ayon nga sa nasagap na info. ni Jane, pinayagan na muli itong magbukas. Waw. Lakas ng kapit. Or baka naman, light lang talaga violation nila. Ewan ko, wala akong masyadong alam kasi 'di naman ako suki sa mga wild na galaan.



Napatingin ulit ako sa relos kong pambisig.





"7:10."




Shuta. Lagpas isang oras na akong naghihintay. Si Anghelita, maiintindihan ko pa kung bakit late kasi maliban sa deserve niya namang magpalate kasi moment niya ngayon, manggagaling pa siyang QC. Eh si Jane, taenang bruha 'yun, kung tutuusin ay puwede naman kaming magsabay kasi iisang street lang naman ang layo ng boarding house namin, pero mauna na raw ako kasi magpapaganda pa ang gaga.
Ang arte. 'Kala mo naman maganda talaga. Minsan nga kapag inaalala ko ang mga nakaraan, napapatanong ako, 'Shuta, si Jane ba talaga 'to. Taena, parang dati lang, mas siga pa 'to sa kapatid ko.' But then, I have no choice but to support her late womanhood.


Btw, what I am wearing right now is very casual. Wala akong balak lumandi kasi 'di naman talaga ako malandi. Epal lang talaga 'yung dalawa. Siguro dati, medyo haha.


So back to my outfit, taena idedescribe ko muna kaysa mapuno ako sa dalawang late comers. I am wearing peach spaghetti tank top which I tucked with black belt inside my baggy black jeans. Pinaresan ko na lang ito ng black crocs kasi baka magkatapakan sa dami ng tao. Duh, pakialam nila sa fashion sense ko sa paa, opening kaya 'to, for sure dadagsa ang mga tao. Kahit man lang ang mga kuko ko sa paa, ma-save sa stampede.



Tumingin ulit ako sa oras. This time, sa phone ko na ako tumingin.


Pasimple kong binuksan ang phone sa loob ng black satchel bag na dala ko. Siyempre, nasa labas pa rin ako ng mall. Mahirap manakawan no.


May tatlong text. Galing kay Jane.
Napatampal ako sa noo.


'Tanga naman kasi Danicka. Ba't kasi 'di nagbubukas ng phone.'


Taena, kapag ito, bad news, sasakalin ko na talaga 'tong dalawa. Aba kahit birthday ng anghel, wala akong pakialam. Anong use ng call 'di ba, para magkarinigan.


I opened the first message.

From: Bruhang Jane
Time Received: 5:45 pm

Sis. Nauna na ako. Nagchat si Anghelita, 'di ka raw sumasagot. Nauna na rin siya kasi may kelangan pa raw palang ayusin. Alam ko na ang iniisip mo, uunahan na kita. Walang load ang birthday girl. Ako alaws ding load. Free texts lang 'to galing smart na ni-remit ko gamit surf. Basahin mo na lang chat ni Anghelita for directions, tinatamad na akong magtype.


Binuksan ko naman pangalawang text.

From: Bruhang Jane
Time Received: 6:30 pm

Hoy sis. San ka na? Nandito na akong Sherwood, kasama si Anghelita. Update us. Minsan pa naman, tungaks ka sa directions.


I opened the last text

From: Bruhang Jane
Time Received: 6:45 pm

Woiii Kasipagan! Magreply ka nga. Taena mo, huwag mo kaming pag-alalahanin. Andami ng tao rito, bilisan mo kung ayaw mong mawalan ng puwesto. Chinat na ni Anghelita kung san kaming part. Btw, sagana ang pogi rito kung interesado ka.


Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon