Chapter 15

40 2 0
                                    

“Hoy Danickang inlalabo, 14 ngayon ah. Magshare ka naman ng chismis regarding sa pakulo ni bebe mo. Like, san ang venue ng inyong date. Baka, mamaya may pa-out of town na namang ganap ‘yang babe mo, isingit mo naman kami ni Anghelita sa bag mo.”


Napamulat ako dahil sa kaingayan ni Jane. ‘Di namin kasama ang Anghelita ngayon kasi may kikitain daw saglit. Ewan ko lang kung sino. Lately, ‘di na siya sumasama sa ilang girl dates naming tatlo. Gusto ko nga intrigahin kaso masyado akong busy sa relationship namin ni Mikael ngayon. We’ve been dating for 2 months now and hanggang ngayon, wala pa ring kaalam-alam ang kapatid ko na may kalandian este boyfriend na ang ate niyang medyo bitter pero may kalandian pa rin sa katawan.

And yes. Araw ng mga puso ngayon pero heto kaming school, may pasok at ang malala, hanggang 9 pm pa ang klase . So, kahit pa surpresahin ako ni Mikael ngayon, ‘di ko rin feel kasi fully loaded sa studies ang araw ko ngayon. Mabuti na nga lang at hindi straight ang klase kaya nakakatambay pa kaming library ngayon.


“Hoyyy! ano na. Iisnabin mo na lang ako ganon. Nakakasakit kayo ng puso ni Anghelita.’Di ninyo na ako lab. Ew, lab. Kadiri.”


Napabalikwas ako mula sa pagkakahiga sa mesa dahil sa ratatatatat na bunganga ni Jane at luminga-linga sa paligid. Nang makita kong walang naistorbong nag-aaral at gumagawa ng requirements, bumalik ako sa pagtulog, pilit na iniignora ang boses ni Jane.

Gahd! Sobrang antok pa ako kasi 3 am na ako pinatulog ng mga tambak na pagawa ng mga profs. Tinapos ko lahat hanggang madaling araw kasi ayaw na ayaw kong nagka-cram kapag vacant, tulad ngayon, kaya nakakapagpahinga ang utak ko. Hindi na nga ako nakapagcall-back kay Mikael kagabi nang ‘di ko masagot ang mga tawag niya dahil ‘di ko na namalayan ang oras.

Maya-maya pa ay nafeel ko ang pagsakop ng ginhawa pero panandalian lang pala ‘yon dahil biglang may yumugyog sa balikat ko.



“Hoy Kasipagan. ‘Di porket may lablayp ka na ay ‘di ka na magsheshare. Come on, I need details.”


I made a pissed heavy sigh before lifting my head.

Taenang Jane. Kahit kailan talaga walang pinipiling lugar ang bunganga niya. Walang filter eh. Walang pakiramdam  na may kaibigan siyang nangangailangan ng tulog.


“Can you do me a favor?” Mapungay pero may halong inis na tanong ko sa kanya.

She was about to speak again but inunahan ko na.


Can you zip your mouth for at least 10 minutes? Kung ang katawan mo sanay magpuyat dahil sa kakakape mo, puwes hindi mo ako tulad okay. So just freaking let me rest for a while. Mamaya ko na sasagutin ‘yang mga tanong mo, okay.” Peke ko siyang nginitian while my teeth are showing, before going back at my sleeping position on the table. Yet five seconds after, I was disturbed by a vibration.


Antok kong kinapa ang bulsa ng pantalong suot ko para kunin ang phone.

Nakaub-ub ko pa ring sinilip kung sino ang nang-istorbo sa aking matiwasay na sanang pagtulog.

‘Hey babe. How’s your classes? You haven’t called me back since last night. Do we have a problem?.’

Pinilit kong huwag replyan ang damuho. Bahala siya diyan. Nabwibwisit ako sa kanya kasing hanggang ngayon, ‘di pa rin niya ako binabati. Kahit pa-bulaklak man lang sana ay bigyan niya ako or kung hindi man niya ako personal na mapuntahan ay ipadeliver niya, para man lang ma-feel kong special ang araw na ‘to, pero ni isa, wala akong natanggap. Kaya ayaw kong magkuwento kay Jane eh, kasi wala rin naman akong makukuwento. Kung ayaw niya akong alalahanin ang araw ngayon, puwes manigas siya. ‘Di ko lang siya basta babatiin, ‘di ko rin siya papansinin.

Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon