Chapter 17

24 3 0
                                    

"Danicka, hanggang kailan mo balak sarilinin ang nangyari sa isla, ha?"




Mabilis kong inihakbang ang aking mga paang kanina'y kay bagal, upang takasan ang walang tigil na namang pang-iintriga ni Jane. She's been asking the same question for more than a month now, and talagang hanggang ngayon, her curiosity is not even falling down a bit.


Napailing ako. Napakachismosa talaga.


I walked straight on the pathway leading to the school gate while my hands are on my pants' pockets. Half day lang kami ngayon kaya naisipan kong makipagkita sa kapatid kong si Malt.

My conscience had been messing me up lately. Puro na lang daw kasi si Mikael ang dinedate ko. Oh well, hindi naman ako ang nagyayaya. It is always him who makes too many surprises.

Hindi halatang masyadong patay na patay siya sa akin ey, charot.
But after that island date, puro within Manila area na lang naging setting ng mga date namin.




"Come on, spill some beans." Naabutan na pala ako ng gaga.



Napatingin ako sa likod namin, and there I saw Anghelita walking too slow as if she's under the moonlight. Hulaan ko. Ka-chat na naman nito 'yung kunwari'y kaibigan niya lang daw.




"Did you already kiss?"




Napabaling ako kay Jane na parang tanga pa ring nagtatanong sa akin.




"Or have you done more than a kiss? Make out? Se---" My eyes widen with her nonstop questions, and I immediately covered my ears bago pa niya matapos ang sunod na sasabihin.




"Shuta ka Jane. Ang bastos ng bunganga mo!" I shouted while my hands are still on my ears.




I saw some faces looking at our scandalous momentum. Napairap na lang ako tapos si Jane, nagpeace-sign lang bago kami nagsimulang maglakad ulit.




"Eh kasi naman eh. Masyado ninyo na akong pinagdadamutan ni Anghelita ng mga moments ninyo kasama ang inyong mga bebe," patuloy pa rin niyang ungot.




"At 'di ba tama ang hula ko na last time, na mag-a-out of town kayo. Pero nakakainggit lang kasi 'di mo na naman ako sinama. Apakaunfair," dagdag niya with matching actions pa.




Pinitik ko ang noo nito para matigil.




"Aray ha! Ang mapanakit mo Kasipagan. Mabuti't nakakatiis sa iyo ang bebe mo," reklamo nito.




Binati ko muna si kuya guard nang makalabas kami ng gate bago binalingan ulit si Jane.




"Don't you know how to rest your mouth? Or baka naman dahil naghihintay kang may maireto ako sayo kaya dakdak ka ng dakdak," angil ko bago siya layasan at dumiretso sa sakayan papuntang Pureza.




"Hoy gusto ko yan," I heard her screamed, and just signaled her an okay sign before entering the tricycle.




I rolled my eyes nang makapasok.

As if naman seryoso 'yang si Jane. Eh mas bitter pa 'yan sa kapeng iniinom niya.





I ended up waiting at KFC Pureza.

I opened my phone to check the time, and it is 1 pm sharp. Kaya pala, medyo kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. I decided to text my Malt na oorder na ako para kakain na lang pagkarating niya. Nasa school pa kasi siya, pero patapos na rin naman daw.


Chasing Wildness (Chase #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon