Chapter 27

302 44 0
                                    

JADEN

Gumising ako ng may lakas ng loob kausapin si Riana pag punta ko ng school, naisip ko nadin ang plano para naman tumigil na din siya sa kaka bash kay Caseline.
Sumakay na ako ng bus nauna na ako kay Caseline, madalas ay sabay kami pero ngayon hindi muna.
Pag ka dating ko ng school agad naman bumungad sa akin ang mga babaeng tingin ko ay crush ako.




"Hi Jaden? Ang gwapo mo naman"  bati ng isang babae na tingin ko ay mas bata sa akin.

"Uy? Totoo ba girlfriend mo yung Caseline?"  Tanong naman ng isa pang babae.

"Pansinin mo naman kami Jaden! Fans mo kami" sabi ng isa.


Nilagpasan ko lang sila hindi ko pinansin yung mga pinag sasabi nilang walang kwenta. Pumasok na ako ng room, sakto may mas maaga pa pala sa aking pumasok. Naisipan kong mag tanong dito.


"Pwde mag tanong"  sabi ko.

"Ano yun?"  Sabi ng isa kong kaklase.

"Kilala mo yun Riana?"  Tanong ko.

"Ah yun ba? Sikat yun sa cheering squad nila"  sabi nito.

"Ah gusto ko lang mag tanong saan ba palaging naka tambay yun?"  Sabi ko.

"Edi kung saan sila nag prapractice, minsan nakikita ko din sa may likod ng school kasama girl squad niya" sabi niya.

"Ah ganon ba salamat" sabi ko.




Bumalik na ako sa upuan ko at nag aantay nalang sa mga kaklaseng nag sisipasok ng room, sakto tong naisip kong paraan mamaya. Ayan ang mga salitang nasa isip ko.











CASELINE POV




Sumakay na ako sa bus, hindi ko napansin si Jaden na lumabas ng gate nila sabi niya sabay kami pag umaga pero ito ako ngayon walang kasabay hays!
Bumaba na ako ng bus dahil nasa tapat na ako ng school, nasa gate palang ako pero may mga tumpok tumpok na mga ka babaihan ang naka antay sa loob.



"CASELINE? TOTOO GF KA NI JADEN?" Pasigaw na tanong ng isang babae.

"Hindi kayo bagay boooo!"  Sabi pa nung isa.




Ako naman itong tumakbo papuntang classroom, baka kasi mamaya kung ano nanamang gawin nila sa akin. Pag pasok ng classroom nakita ko si Jaden sa upuan niya.

"Uy ang aga mo ata?"  Tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya na para bang may malalim na iniisip. Maya maya pa ay dumating na si Teacher Marie nag turo ito at sa kalagitnaan ng pag tuturo niya napansin kong wala si Ensley, kaya naman tinanong ko si Tristan.

"Tristan? Asan si Ensley nakita mo ba?" Tanong ko.

"Ahh ehh, hindi eh si David nga din wala" sabi niya.

Tumingin ako sa upuan ni David, oo nga wala siya.

"Ahh ganon ba salamat ah" sabi ko.

*nasa isip*

Feeling ko galit sa akin si Ensley dahil sa issue na girlfriend ako ni Jaden, pero handa naman akong ipaliwanag ang lahat sa kanya eh.




Bell rings





JADEN POV


Recess na at naisipan kong pumunta sa kung saan palaging andun si Riana. Pumunta ako sa isang room na may mga babaeng nag prapractice ng cheering.


My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon