Chapter 28

304 40 1
                                    

CASELINE

Sobrang hindi ko maintindihan ang nararamdaman ako dahil nalaman na ni Ensley ang pinaka iniingat ingatan na sekreto ni Jaden. Naiinis din ako sa sarili ko iniisip ko kasi kung mali ko ba dahil hindi ko sinabi kay Ensley.

"Uy? Caseline sorry"  malungkot na sabi ni Jaden habang nag lalakad kami.

"Hays, wala kang kasalanan ako may kasalanan"  sabi ko.

"Nasira ko pa ang friendship niyo"  sabi niya.

"Alam mo hindi ko din alam gagawin ko"  sabi ko.

"Ano kaya kung kausapin ko nalang siya sis para sayo" sabi niya.

"Hindi na baliw, lalo lang maiinis yun saka baka madamay kapa"  sabi ko.

"Eh paano yan?" Tanong niya.

"Siguro uunahin ko muna ayusin yung sa issue natin" sabi ko.

"Yung sinabi ko ba sa bookstore"  ilang na sabi niya.

"Oo"  sagot ko.

"Sige pasok na ako sa bahay" sabi ko.







ENSLEY POV




Bakit pa kaylangan ilihim sa akin nila yun?  Mga salitang iniisip ko.

"Nakakainis"  sabi ko habang sinisipa sipa yung mga dahon.

Maya maya pa ay naka tanggap ako ng text message mula kay Caseline.

Caseline: sorry Ensley, pero sana hayaan mo akong mag explain sayo.

"Che"  sabi ko ng pasigaw ng matanggap ko yung message niya.

"Explain, explain dapat dati pa nag explain diba?"  Sabi ko.

Naisipan kong itext si David mabilis naman siyang nag reply.

Me: David?

David: oh?

Me:Nakakainis.

David:bakit?

Me:Si Caseline.

David:bakit nga?

Me:Hindi niya ako pinag kakatiwalaan.

David:about saan ba?

Me:yung friend niya bakla.

David: ah si Jaden.

Me:Huh? Bakit alam mo?

David: Dati ko pa alam.

Me: pati ba naman ikaw alam mo hindi man ako na inform?!

David:Sekreto niya yun. Aksidente lang naming nalaman.

Me:okay, pero si Caseline for sure hindi niya aksidenteng nalaman.

David:pwdeng huwag mo na banggitin name niya.

Me: okay okay

David:Usap nalang tayo personal pag may time Ensley. Wala kasi akong gana.

Me: Sige sabihan mo nalang ako.





CASELINE POV

Naka isip ako ng unang paraan para matigil na ang issue sa amin ni Jaden at para matahimik na ang buhay ko. Naiisipan kong mag post sa social media ng paliwanag at sorry.



Para sa kalaaman ninyong lahat, una sa lahat hindi kami mag jowa ni Jaden, pangalawa hindi ko siya inaagaw sa inyo, pangatlo mag kaklase lang kami huwag masyadong maissue at pang huli paki tantanan na po ako dahil may sarili din akong buhay at nagugulo to ng dahil sa mga pang babash ninyo, salamat!




My Gay Boyfriend Turns Into A Real ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon