042: Unrequited Love

416 19 1
                                    

042: Unrequited Love

---

My name is Judea Roberts. 17 years old. My only goal is to learn about my family. I never thought coming in Vasilias University would bring drastic change in my life. All I wanted was to find out who I am. Valence, Caine, Kamina, Kai, Outo-san and Rizza wasn't part of it. It's not that I hated meeting them. But what am I doing, lying beside a mafia heir thus watching him sleep as I sit?

He looks so peaceful when sleeping. Breathing in the same calm manner. His chest goes up and down, as if enticing me to lay my head there. I can't sleep despite the tiresome activity we just did. A lot of matters are keeping me awake. Like, I'm about to meet my real father. And like... do I love this man whom has his guard down? Makes me wonder, does he sleep like a baby whenever he sleeps with someone else?

Bigla akong nainis sa huling naisip. Bumaba ako ng kama para isa-isang pulutin at isuot ang nagkalat kong damit. Ganito ba siya kakalat sa sarili niyang bahay? Sumagi pa sa isip ko'ng may ibang babae siyang pinatuloy sa bahay na 'to o sa totoong tinitirhan niya. Inilapag ko sa paanang bahagi ng kama ang long-sleeve niya na isinuot niya sakin kanina. Tutal tulog naman siya mag-iikot muna 'ko sa buong kuwarto niya.

Inusisa ko lahat ng bagay na puede kong pakialaman gaya ng drawers, closet, banyo, mga naka-display na glass figurines, at iba pa. Wala naman akong shocking na natagpuan. Hmm, magaling siguro magtago ng importanteng gamit si Val.

Sumuko na lang ako at nagdesisyong lumabas ng silid. Hindi naman ako pinagbawalan lumabas so I think it wouldn't kill me. Does it?

Minabuti ko nang ikandado ang pinto para walang ibang bigla na lang pumasok at makita siyang walang ibang suot kungdi kumot. Ilang koridor ang nadaanan ko bago ko natagpuan ang hall--kung saan si Caine, Jo at Logan ay may pinag-uusapang hindi ko maintindihan.

( 0 ___ 0 )!!

Bravo Judy! Sa lahat ng lugar na papasukin mo sa hall pa talaga! Pagalit ko sa sarili. Ngayon hindi ko alam kung paanong excuse ang gagawin ko ╥﹏╥...! "Ah-eh, sorry, maling daan--este--I'm sorry for barging in!" Nagyuko ako ng ulo. Ano'ng gagawin ko?! Dama ko'ng tinititigan ako ni Logan. Nangangatog ang mga tuhod ko! Gusto kong mag-hyperventilate~!

"Calm down, Young Lady Judy." Nakangiting lumapit sa'kin si Jo para akayin ako'ng maupo sana sa bakanteng couch.

Kaya lang tumayo sa kinauupuan si Logan, in his gray suit he looked younger than expected. She look at him in the eye. "It's alright, Jo."

"Yes, Master," nagyuko ng ulo si Jo at dumistansya sa akin.

Sumisigaw ang mukha ko ng malaking tulong pero hindi niya ako pinansin. Feeling ko tinraydor niya 'ko, wuah... Pero naiintindihan ko. Isang pinuno ang nagsalita. Maski ako baka mag-back-out din.

"Judy, follow me," ani Logan.

"O-opo!" balik-sagot ko.

Sumusunod lang ako sa kung saang direksyon siya pumupunta. Lumabas kami ng mansyon. Walang nagsasalita sa'ming dalawa. Tahimik lang ako nakatitig sa likod ng ulo niya at sa kung paanong paraan siya lumakad. Iyon lang ang magagawa ko kung ni hindi man lang niya 'ko tinatangkang kausapin.

Narating namin ang isang bench sa malawak na bakuran. Napapaligiran kami ng maraming bulaklak, halaman at puno.

"Maupo ka."

Nabigla ako sa paggamit niya ng wikang Pilipino. Hindi ko iyon ipinahalata. Naupo lang ako gaya ng sabi nito. Naupo naman siya sa kabilang dulo ng upuan. Mahangin at malamig ang simoy ng kapaligiran. Ang tahimik pero nakakapresko. Paunti-unti gumagaan ang loob ko dahil dito.

"Dito kami madalas magpalipas ng oras ni Mia kapag bumibisita siya," basag niya ng katahimikan. "Wala kaming madalas na pinag-uusapan. Nandito lang kami, nakaupo't naghihintay sa paglubog ng haring araw. Minsan kakantahan niya ako kapag alam niyang may saloobin ako'ng hindi ko masabi sa kahit na sino. Siya ang una't huling taong nagparamdam sa'kin kung paano tumayo sa sarili kong mga paa. Minsan ang sabi pa niya, "Kung hindi mo lalabanan ang mga nang-aapi sa iyo, hinding-hindi ka nila gagalangin. Pero huwag mo'ng kalimutang maging mapagkumbaba muna sa una. Siyasatin mo ng mabuti ang sitwasyon bago ka gumawa ng hakbang.""

Taimtim lang ako'ng nakikinig sa sinasabi niya. Mukhang hindi naman niya ako ipapa-shoot to kill dito sa dating spot nila ni Mama.

"Siya ay may isang mahusay na paraan sa mga salita. Alam niya kung ano ang magpapasaya sa akin sa aking sarili." Kalaunan naging mabigat ang tono ng pananalita niya. Iyon bang may pinaghuhugutan ng galit. "Kinamumuhian ko ang aking sarili sa pagbaliwala ng kanyang damdamin at tumanggi ako na pakawalan siya. Nasaktan ko siya nang dahil sa pansarili kong kagustuhan. If you're here, you knew about what we've done, do you?"

Hindi ako nakasagot sa umpisa. Ano nga naman bang komento ang gusto niyang marinig mula sa akin? Hay, here goes nothing. "I don't hate you... and I don't particularly like you, either." Naghihintay siya ng sunod kong sasabihin. "Nandito ko kasi gusto kong makilala ang... ama ko."

"Bakit? Hindi ba dapat ay kinasusuklaman mo ako? Sa ginawa ko sa iyong ina, sigurado akong siya hindi pa din ako napapatawad."

"Hindi ko sigurado kung napatawad ka na niya o hindi. Tama kayo, dapat kamuhian kita. Pero hindi ko alam kung bakit 'di ko magawa. Ang tanging naiintindihan ko sa sarili ko, gusto lang kitang makilala. Tanungin kung bakit mo nagawa ang nagawa mo. Tanungin kung ano'ng nasa saloob mo kung makita't makilala mo 'ko."

Sa wakas ay bumaling ito sa kaniya. Malupit pa sa inaasahan niya ang nakapaskil na emosyon sa mukha nito. Magaan, nangungulila... nagsisisi. "I love your mother so much. Even now." Tumanaw siyang muli sa malayo. "But her heart already belonged to Anthony the day she met him." He sneered at himself, "To think my sin looked so much like me. I'm beyond redemption."

"You think I'm just a sin?" I can't feel but disappointment. Is that what I am to him?

"No. You're wrong. You're a fruit of my sin, yes. But I want to get to know you. The child of my unrequited love for Mia."

---

VasiliasVampirMou

Belonged to the Mafia 18+Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon