018: Untrust
---
"I'm still scared. I'm scared that if I see him he'd take me again and never let me go for good. I'm scared that he's so mysterious, I don't know what runs into his head. And I'm scared that... that... I wouldn't want to be released."
I was surprised with the change of events. "Rizza, is it possible that you developed a Stockholm Syndrome?"
"Eh?" she looked at me like I just said something miraculously out of the world. She tilted her head. "Ano iyon?"
"Well, isa iyong psychological syndrome. Iyon iyong para bang hindi mo inaasahang mahuhulog ka o maa-attach sa kidnapper mo. I'm sorry if I'm jumping to conclusions, but base kasi sa nakikita kong reaction at paraan ng pagsasalita mo, parang may Stockholm Syndrome ka nga."
Tila mas naguguluhan pa siya sa akin. Hindi yata siya aware sa sarili niyang nararamdaman. But she was sexually aggravated. Siguro b-in-rainwash siya ng kidnapper na iyon. "You think na-brainwash ako?"
Wait, did she just read my mind? "May posibilidad. Tandaan mo, Rizza, hindi porke hindi ka niya dinaan sa dahas ay hindi na masama ang ginawa niya. Sinamantala ka ng taong iyon."
"Yeah, tama ka. I shouldn't fall for his tactics."
"Tama. Pero matanong ko lang, ano'ng nangyari after kang ma-abduct?"
"He let me go."
"HA? Iyon na iyon? Basta ka na lang niyang pinakawalan?"
Tumango siya. "Ipinahatid niya ako sa bayan namin."
"Tapos ano pa ang nangyari?"
"Hindi ko na siya nakita pa uli o ang mga tauhan niya. Bilang bayad sa nangyari sa akin, pinadala ako dito ng Family Head dito sa VU para ma-proteksyunan. Hindi ko na din nga nakita ang kababata ko matapos ang ilang araw na pagkawala ko. Hindi na siya nagparamdam sa'kin. Ni anino niya hindi ko pa nakikita nitong nakaraang apat na taon."
Hindi ko mapigilang magalit para kay Rizza. Ang iresponsable naman ng kababata niya! Ni hindi man lang humingi ng despensa nang makauwi siya? At iyong kidnapper? Matapos niyang pagsawaan ang kaibigan ko ganoon na lang iyon? Hindi ko tuloy maitago ang galit sa boses ko. "Ano, napagabayaran ba ng rapist na iyon ang ginawa niya sa iyo?"
Umiling siya.
"Ano?! Rizza, bakit hindi? Tinakot ka ba niya? Pinagbantaan ba niya ang pamilya mo?"
Umiling uli siya.
"Eh, ano?"
"Hindi ko alam. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko. Alam kong takot na takot ako, Judy, maniwala ka. Sa tuwing maaalala ko iyong nangyrai noon nawawalan ako ng lakas ng loob na humakbang para sa hinaharap. Pero bakit ganito? Nababaliw ba ako? May saltik ba ako sa tingin mo?"
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya, pinisil ko ang mga iyon. "Sila ang may saltik, Rizza. Sila ang may kasalanan sa iyo. Dapat pagbayarin mo sila. Tutulungan kita. Hihingi ako ng tulong kay Uncle para mabigyang hustisya ang nangyari sa iyo."
"Pero--"
"Ang dapat mo lang gawin ay ang ituro kung sino ang may sala. Poprotektahan kita. Kaibigan kita. Hindi ako makakapayag na may tatrato sa iyo ng parang laruan. Hindi ako papayag na hindi mo makamit ang katarungan."
Lumungkot ang hitsura niya. "Judy, hindi mo naiintindihan."
"Ano? Bakit--"
"There's no such thing as justice in this world."
"Rizza..."
"I appreciate your worry. I'm glad I met you, I swear it. But there is nothing we can do about it."
"Why? Bakit mo isusuko ang karapatan mo?"
"Tulad ng sabi mo, may Stockholm Syndrome nga siguro ako. Hindi ino-open sa akin ng psychiatrist ko ang lahat. Maybe she left that information a secret from me on purpose."
"Bakit niya gagawin iyon? Doktor siya 'di ba?"
"Hindi ko din alam."
"Ano ba'ng pangalan ng kidnapper mo?"
"Leo. Leo Alkippe."
Para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nabingi ba ako? Tama ba ang dinig ko? Leo Alkippe? It can't be... right? That that Leo is the same as the Leo I met?
"I'm sorry. I know I shouldn't have said his name. But you deserve to know that there is no escaping this world. I'm worried about you too." The formulation of fear expressed on her face is enough for me to know she's telling the truth. "You are the President's goddaughter. I know that. Though, believe me, it's not like I meant to get close to you and leech out anything. Nangyari lang na totoo kang tao, mabait, maalalahanin, kaya nagustuhan kita bilang kaibigan. Hinding-hindi kita sasamantalahin. Pero binabalaan kita bilang isang tapat na kaibigan, huwag ka nang tumanggap ng dagdag na tulong mula sa kanila. Gagamitin lang nila iyon oras na maningil sila."
Hindi ko na magawang magkomento pa. Wala na akong masabi. Totoo naman ang sinabi ni Rizza. It's not as if I hadn't thought about it as well as before. I don't fully trust anyone in this island anyway. I just respect Uncle Nich because he's my father's close friend.
Alam ko naman. Alam kong hindi madali ang buhay sa mundo ng mafioso. Hindi ko na kailangan ma-experience pa na maging parte nito bago ko malamang black market ang business nila. Drugs, prostitution, illegal stuffs, etc. Kailangang makagawa ako ng paraan para makaalis sa sla na ito. Kailangan kong mahanap uli ang mga kapatid ko.
At alam ko na kung sino ang makakatulong sa akin. Magiging masaklap na ang buhay simula bukas.
Good luck sa akin.
---
VasiliasVampirMou
BINABASA MO ANG
Belonged to the Mafia 18+
RomantizmVasilias University -- ang nag-iisang eskuwelahan kung saan angtipon-tipon ang mga anak ng mga naglalakihang tycoon at mafia sa mundo. The prestigious school is located in a huge island practically owned by the richest people. Power, fame, wealth an...